Chapter 11

17.9K 400 16
                                    

Stephanie's POV

" This will be your room. " Sabi ni Eziekel at saka binuksan yung puting pinto sa harap namin. Inikot ko ang Mata ko sa buong kwarto, may puting kama sa gitna at mga closet sa gilid. " Kung may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lang ako. " Sabi niya bago umalis.

" Ezekiel wait. " Huminto siya sa paglalakad at saka ako nilingon. " Amm saan yung kwarto ni Noah? " Tanong ko. Itinuro naman niya yung pinto sa katapat na kwarto ko. " Ah sige, thank you. " Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya at nilisan ang kwarto.

Naglakad ako palapit sa kama at pinatong doon yung maleta ko. Nung na-discharge ako sa hospital kanina umuwi ako sa bahay. Malinis na yon na parang hindi nilooban ng mga magnanakaw. Nakapag-sampa na rin kami ng kaso sa mga nanloob at nagtangkang gumahasa sakin.

Nung una ayokong tumuloy sa bahay, naalala ko lang yung gabing ka-muntikan na kong mamatay at ma-rape. Pero si Ezekiel ang tumulong sakin para hindi ako matakot, katulad nga ng napagkasunduan namin sa kanila muna ako tutuloy pansamantala sa kanila. Hangga't hindi paulit ako nakakahanap ng bagong matutuluyan. Kinuha ko lang yung mga mahahalagang bagay, thank God naisuli yung mga nanakaw sakin like laptop at pera. Binuksan ko ang maleta ko at sinimulan ayusin ang mga damit ko. Nilagay ko sa closet sa bandang kanan ng kwartong 'to ang mga damit ko at sa gilid naman non yung banyo, kaya nilagay ko na rin yung toiletries ko. Naisipan kong maligo na lang muna dahil kakalabas ko lang ng hospital kanina.

Paglabas ko ng banyo at nakarinig ako ng katok sa pinto. Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang babaeng mukhang may edad na, dahil na rin sa medyo kulubot na nitong balat at maputi na rin ang ilang hibla ng buhok nito.

" Amm ano po yon? " Tanong ko, rito habang pinupunasan ko ang buhok ko. Ngumiti naman siya ng bahagya bago sumagot. " Pinapatawag na kayo ni Eziekel para sa hapunan. " Pagkatapos non ay nagpaalam na siya at naglakad paalis ng kwarto. Nagsuklay ako at saka inayos ang mga natitirang damit ko.

Napagpasyahan kong lumabas na agad ng kwarto at baka hinihintay na nila ako. Sinimulan kong lakarin ang mahabang pasilyo ng bahay nila, hindi nawawala sakin ang pagkamangha dahil sa ganda ng bahay nila, mukhang sa isang palapag ay may humigit na sampung kwarto. Nasa hagdan na ako ng may maliit na boses ang tumawag sakin, agad akong ngumiti saka lumingon kung saan galing ang boses na narinig ko. Tinignan ko si Noah na tumatakbo sa direksyon ko, may ngiti sa labi at saka bibong tumatakbo papalapit sakin.

" Mommy! You're here! " Masigla niyang sigaw at saka ako niyakap. Matangkad si Noah para sa four years old di katulad ng ibang bata.

Agad niyang niyakap ang bewang ko at isiniksik ang ulo doon. Ngumiti ako bago ako umupo para pantayan siya.

" Hey baby, miss mo na ko? " Tanong ko. Synod sunod naman ang pag-tango ni Noah.

" So much mommy. " Niyakap niya ulit ako pagkatapos ay dali-dali niya akong hinatak pababa ng mataas ng hagdan. " Daddy! Daddy! Mommy's here! Is she your talking about a while ago? That you have a suprise for me? " Sunod sunod niyang saad papuntang hapag kainan.

Tinignan ko naman si Eziekel na busy sa pagc'cellphone. Ibinaba niya iyon at saka tumingin sa'min ni Noah may maliit siyang ngiting pinakawalan, na mas lalong nagpa-gwapo sa kanya. " Yes, do you like it? " Tanong niya habang may ngiti sa labi niya.

" I love it daddy! But you love her too, right? " Tanong niya na ikinatigil ni Eziekel pati na rin ako, nawala ang kaninang ngiting nasa mukha nito at saka ito nanahimik. Tignignan niya si Noah at saka ito nagsalita.

" Noah let's eat first. " Agad naman tumakbo si Noah sa upuan, kaya naglakad na rin ako at umupo sa tabi ni Noah.

Sa buong hapunan si Noah ang dumadaldal samin. Kapag nagtatanong siya tsaka lang kami sasagot ni Eziekel. Pagkatapos namin kumain ay pinaakyat na ni Eziekel si Noah. Pinaiwan niya ko para makapag-usap kami. Naglakad lakad kami palabas hanggang sa marating namin ang pool area ng mansion. Umupo si Ezekiel sa duyan na pang dalawang tao. " Stephanie. " Tawag niya sakin.

" Ha? " Tanong ko, tinap naman niya yung duyan, nasa naka-pwesto sa dulong parte ng swimming pool. Agad naman akong naglakad palapit doon. " Amm Eziekel ano-- "

" Are you going somewhere tomorrow? " Tanong niya.

" Ha? Ahh maghahanap ako ng trabaho, kahit temporary lang muna. " Sagot ko. Ayokong tumunganga lang dito araw-araw. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa.

" You don't have to. " Saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

" What do you mean? " Kunot noong tanong ko. Tinignan niya rin ako direkta sa mata. Pero agad din akong nag-iwas hindi dahil ayoko siyang tignan. Dahil hindi ko kayang saluhin yung mga binabato niyang tingin sakin.

" Magt'trabaho ka bilang tagapag bantay ni Noah. " Tumayo ako at humarap sa kanya.

" Diba napag-usapan na natin 'to? " Nanatili lang siya sa ganong posisyon. " Let me finish first. 5 months contract para alagaan mo si Noah, after that-- " I cut him off.

" Still a no, Eziekel. Hindi sa ayaw ko sa magiging trabaho ko. Ayoko lang sanayin si Noah na nasa tabi niya lang ako lagi. Pag nakahanap ako ng ligtas na apartment aalis na ko ulit. " Bakit hindi ba niya ma-get's? Ayokong paasahin o sanayin si Noah sa piling ko.

" That's why I'm doing this. " Tinignan ko siya. Seryoso niya kong tinignan at tumayo para mas makita ko siya. " I'm doing this para hindi mag-assume si Noah, monthly niyong dadalawin ang mommy niya. At sa paraang 'yon siya din ang susuko. 40,000 monthly Stephanie, think again. " Aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

" Why me? I mean bakit ako? Ang dami daming nagkalat na babae diyan, pero bakit ako? " Paulit-ulit kong tanong. Napatingin ako sa labi niya at naalala ko yung gabing hinalikan niya ko. Bakit? Bakit parang iba ang epekto ng halik na yon?

" Why you? Simple dahil sayo lang nakikinig si Noah. He didn't listen to anyone kahit sakin pagdating sa mommy niya. " Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Hindi pa siya nakakalayo ay huminto siya ngunit hindi ako tinapunan ng tingin. " And after 7 or 8 she will be having a mother again. In short I'm getting married. That's why you're working hindi para maging mommy ni Noah. Because after 5 months I know matatanggap rin niya na wala na talaga ang mommy niya." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I'm getting married yan ang paulit ulit na naririnig ko. Bakit parang may tumusok sa bandang puso ko?

Third person's POV

Sa isang kwarto ay tahimik na umiinom si Eziekel. Para makalimot sa nakaraan. Yung nakaraang kung saan nawasak ang mundo niya.

" Why did you let her, Ezekiel? Are you out of your mind? " Tanong ng isang bahagi ng utak niya.

" Oh shut up, he's doing this because Stephanie looks like Julia. He just miss her wife. "

" Yeah I f*cking miss her. " Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom ng tumunog ang cellphone ni Julia.

" Hi, boot-boot! I miss you so much! Don't you miss me? I'm so excited kasi uuwi na kami ni daddy, I can't wait to see you my boot. I love you! Muah! "

And that moment bumigay si Eziekel, Julia send him a voice message 5 years ago before the accident. She used to call him boot-boot when she's still alive but now? It's just the ringtone calling him boot boot na boses lang ni Julia ang ginamit.

" Yes, I can't wait to see you too. My heaven. I love you too." Hinawakan niya ang cellphone ni Julia. Kinuha niya 'yon ng ibigay sa kanya ang bag at iba pang gamit ni Julia. May crack ang phone nito dulot ng aksidente. Sa pamamagitan nito feeling niya kausap niya at buhay pa rin si Julia. Pinagmamasdan niya ang wallpaper ng asawa niya ng tumunog ang cellphone niya.

" She's calling again. " He was avoiding her 3 months from now. Who's calling?

Well its just her future wife.

Itutuloy...

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now