Chapter 12

16.3K 482 16
                                    

Chapter 12

Stephanie's POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Eziekel. Umakyat na ako papasok na ko sa kwarto ng maisipan kong daanan si Noah. Pinihit ko ang doorknob pero hindi ito naka lock. Pumasok ako at nakita ko ang nahihimbing sa pagtulog si Noah.

Yakap yakap ang isang unan. Umupo ako sa tabi niya at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa anghel niyang mukha. Nag-stay lang ako saglit doon at saka lumabas na ng kwarto. Tinignan ko yung pintong katabi lang ng kwarto ko.

" Tulog na kaya siya? " As if naman na may sumagot sakin. Pumasok na ako ng kwarto at inabot ang gamot sa tabi ng kama.

Hanggang ngayon require pa rin ang pag-inom ko ng gamot dulot ng pagka-trauma ko sa aksidente.

---

Nagising ako sa sikat ng araw, nanatili lang akong nakahiga at tinititigan lang ang kisame. Nakarinig ako ng katok kaya umupo ako.

" Ma'am Stephanie tawag na po kayo ni Sir Eziekel para sa agahan. " Tumayo na ko at naligo. Simpleng damit lang ang sinuot ko.

Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang pinto ng kwarto ni Noah. " Noah? " pumasok ako at hinanap si Noah. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama habang sinusuot ang sapatos.

" Good morning mommy! " Masigla niyang bati sakin, ngumiti ako at tinulungan siya sa pagsuot ng sapatos.

" Good morning. Let's go na? Your daddy's waiting down stairs. " Tumayo na ito at kinuha ang bag sa gilid ng kama. " Did you do your assignment? " tanong ko ulit, marahan naman siyang tumango.

Magkasabay kaming bumaba at naabutan namin si Eziekel na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo sa dulo ng lamesa.

" good morning " bati ko at saka ko inalalayan si Noah sa pag-upo. " good morning. " Bati niya rin sakin.

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi niya kagabi he's getting married. Umiling ako at nagfocus kay Noah. Sinandukan ko siya ng fried rice.

" You want this? " Tanong ko habang turo turo yung ham and hotdog. " Yes please mommy. " Kumuha ako ng tig-isa at nilagay sa plato niya. Sumandok na rin ako para sakin at nagsimulang kumain.

" Stephanie change your clothes. " Tinignan ko si Eziekel at saka yung damit na suot ko.

" bakit? Para saan? " takhang tanong ko.

" You'll take Noah to his school. " Tumango na lang ako at nag'okay sa kanya.

Pagkatapos namin mag-agahan ay nagpalit na ako ng jeans at white r-shirt. Pagbaba ko ay inabot sakin ni Eziekel ang isang susi. Hindi lang basta susi. Susi ng kotse.

" Take this. For you. " Naguguluhan ko siyang tinignan.

" You don't have to give this, Eziekel. I have a car. " Tutol ko habang binabalik ko sa kanya yung susi.

" No, I insist. " Seryosong saad niya, ano pa nga bang magagawa ko? Mukhang hindi magpapatalo 'tong isang to. Huminga ako ng malalim at kinuha ulit yung susi sa kamay niya. " Let's go. Male-late na si Noah sa school. " Sabay kaming naglakad papunta kay Noah na nakaupo sa sofa.

" Noah? Let's go ba. " Aya ko sa kanya at kinuha yung bag niya sa tabi niya.

" Okay mommy. " Humawak siya sa kamay ko at saka kami naglakad papuntang parking lot. Nauna samin maglakad si Eziekel kaya nandun na siya. Pagkarating namin ni Noah ay agad umupo si Eziekel para pantayan si Noah.

" Noah, I'll leaving first. Okay? Stephanie will take you to your school. " Tinap niya sa ulo si Noah, at saka tumayo. " Stephanie, alam mo na gagawin mo. " Tumango ako bilang pag sang ayon. Tumalikod na samin si Eziekel ng tinawag siya ni Noah.

" Daddy! " Tawag nito, kaya humarap si Eziekel samin.

" What is it son? " Tanong nito. Tinuro naman niya ang kanan niyang pisngi kaya umupo ulit si Eziekel at saka niya ito hinalikan sa pisngi. " Happy now, son? " Sumimangot naman si Noah.

" Not me daddy! Kiss mommy before you leave. " Parehas kaming nagulat ni Eziekel dahil sa suggestion ni Noah.

" What?/ Ha? " Sabay namin tanong ni Eziekel.

" What? " what and ha? " I saw my classmates parents, before they leave their daddy always kissed their wife. " Saad niya habang pinagdidikit ang mga hintuturo niya.

" But Noah-- "

" Daddy please? It's my first time to see you kiss mommy. " Bumuntong hininga ito at saka sumagot ng--

" Okay. " Nanlaki ang mata ko at umatras ng bahagya. Lumapit sa akin si Eziekel at tinignan ako.

" W-wait. " Before I protest he kiss me-- pero sa noo. Yumuko ako dahil feeling ko namumula na ko. Okay? Bakit may panghihinayang? Umiling ako para mawala yung mga iniisip ng utak ko.

" Bye. " Hindi ko alam para kanino yung bye na 'yon. Sakin? Kay Noah? O both? Inangat ko ang mukha ko at nakita ko siyang naka tingin sakin. " I said, bye. " Ulit niya.

" H-ha? Ahh b-bye. " Pagkatapos non ay tumalikod na siya.

" Okaaaay? That's so sweet? Okay mom let's go. " Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse. " Mom! I'm getting late. " Bahagya akong napatalon at saka tinignan si Noah.

My gosh! What was that? He kiss me? But this time walang sorry, hindi niya ko binigla. Is this real?!

Kahit sa noo lang yon, para sakin. Nakakakilig 'yon.

Itutuloy...

•••••••

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now