Chapter 15

15.5K 383 7
                                    

Stephanie's POV

      Nakatitig lang ako sa mag-ama na busy na naghahabulan malapit sa lake. Ang sarap lang nilang tignan isa na lang ang kulang si Julia. Paano kung si Julia yung na sa katayuan ko? Siguro mas masaya.

" Mommy! " Tumakbo sa direksyon ko si Noah at sumiksik sakin.

" Noah!! " Lumapit din samin si Ezekiel at saka kiniliti si Noah.

" Oh Eziekel, tama na Hindi na makahinga si Noah. " Tumigil siya at saka tumingin sakin.

" Gusto mo rin? " Sasagot pa lang ako ng bigla akong kilitiin ni Ezekiel.

" Hahahaha Eziekel!hahaha hindihahaha na ako makahinga hahahaa " Sa sobrang gaslaw ko nahatak ko si Ezekiel. Natigil kaming dalawa ng mapahiga ako sa sahig at napa ibabaw si Ezekiel sakin. Nagkatitigan kami pero ako ang unang bumawi. Umalis siya sa pagkakadagan sakin at tinulungan akong makaupo.

" Mommy I'm hungry. " Tinignan ko ang pawis na pawis na si Noah. Kumuha ako ng bimpo at saka siya pinunasan.

" Pawis na pawis ka na, ang kulit kulit niyo kasing mag-ama. " Pinulbusan ko si Noah kumuha ako ng isa pang bimpo at inabot 'to kay Eziekel. " Oh magpunas ka rin, tumutulo yung pawis mo. " Ngumiti siya sakin saka inabot yung bimpo sa kamay ko.

      Hinain ko na yung pagkain na ginawa namin ni Marie. Pagkatapos non ay nilapitan nila Noah yung pond para kunin yung mga nahuli nilang isda.

" Mommy look oh! " Pinakita sakin ni Noah yung mga nahuli nilang isda.

" Wow ang dami naman. " Binilang namin lahat ng isdang nahuli ng mag-ama bago ito nilagay sa cooler na may lamang tubig.

" Mommy look! There's a swan! Mommy can I go there? " Tinignan niya ko kaya tinignan ko si Ezekiel.

" Ask your daddy first. " Sabi ko.

" Please, daddy pleeeaasseeee? "

" Okay, basta don ka lang sa makikita namin ng mommy mo. " Bakit? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. " Hey, you okay? " Tinignan ko si Ezekiel saka ko siya tinanguan.

" Oo naman. " Umupo siya sa tabi ko at ininom yung kape na tinimpla ko. Saglit siyang napahinto at tinignan yung baso ng kape. " Bakit? Mapait ba? " Kukunin ko na sana yung baso sa kanya ng ilayo niya sakin yun.

" No, masarap yung timpla mo. M-may naalala lang ako. " Alala?

" Ano 'yon? " Tanong ko.

" Wala, Hindi naman importante yun. " Tumango na lang ako saka ininom na rin yung kape ko.

   
      Wala ng araw ng umalis kami sa lake si Noah nakatulog na dahil sa pagod. Sinandal ko rin yung ulo ko sa bintana para matulog saglit.

" Step, wake up. We're here. " Minulat ko yung Mata ko at tinignan yung paligid nasa mansion na kami.

     Parehas kaming lumabas ng kotse. Binuksan ko yung back seat para kunin si Noah ng hawakan ako ni Eziekel. " Ako na magbubuhat kay Noah. Tawagin mo na lang si Nestor para tulungan ka sa gamit. " Hindi na ko tumutol dahil kinuha na rin niya si Noah. Tinawag ko na lang si kuya Nestor para tulungan ako sa gamit.

        Nang maipasok na namin lahat ng gamit umakyat ako at pumasok sa kwarto ni Noah. Naabutan ko dun si Ezekiel na nakaupo sa gilid ni Noah. Tumingin siya sa direksyon ko saka ako nginitian.

" Ahh papalitan ko lang ng damit si Noah. " Lumapit ako sa closet ni Noah saka kumuha ng pantulog ni Noah. Umupo ako sa kabilang gilid ng kama saka sinimulan hubaran si Noah at pinalitan ng damit. Tinulungan ako ni Eziekel na bihisan si Noah.

       Pagkatapos non ay nagpaalam na ko Kay Eziekel dahil pagod na rin ako. Papasok na ko sa kwarto ko ng hawakan ni Eziekel yung braso ko.

" Step. " Nilingon ko siya bago tanungin.

" Bakit? " Parang nagdadalawang isip siya kung ano ba yung sasabihin niya.

" Ahh nothing, I just want to say I--goodnight. " Tumango na lang ako saka binuksan yung pinto ng kwarto ko. " Goodnight din. " Tinignan ko muna siya saglit  bago isarado ng tuluyan ang pinto.

Third Person's POV

2 weeks after

" Sir, Mr. Villegas is here. " Saad ng secretary ni Eziekel sa intercom.

" Let him in. " Pagkatapos non ay isang lalaking edad na nasa 30's ang pumasok sa opisina ni Eziekel. Tumayo ito at sinalubong ang lalaki. " Have a sit. " Pagkaupo nila ay agad inabot ng lalaki ang isang brown envelope.

      Napako ang tingin ni Eziekel sa resulta ng pinagawa niya. " Anong ibig sabihin nito? " Tanong niya.

" She's not Julia. "

Itutuloy...

-----------

Short update sorry.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now