Chapter 2

20.3K 491 28
                                    

Chapter 2- Noah's Dream

Stephanie's POV

Nasa police station pa rin ako at kinakausap ang chief officer nila. Sabi ko nga kanina, kailangan ko pa rin i-report ang nangyari.

" So nakita niyo lang po si Noah sa harap ng refrigerator mo, habang kumakain ng chocolate? " Tumango ako, una'y nakatingin lamang siya sakin na para bang hindi siya kumbinsado sa sagot ko. " Mga anong oras yon? " Tanong niyang muli at itinuon ang mga mata sa monitor ng computer. Tinignan ko naman yung wrist watch ko.

" Around 3 pm? Pero di ko alam kung gaano na siya katagal sa bahay. " Sagot ko rito. Tumango-tango siya habang nagt'type, siguro'y nire-record niya ang mga sinasabi ko. " Sigurado ka bang hindi mo anak yung batang yon? Kasi ang sabi mo tinatawag ka niyang " mommy? " Hindi ba? " Umiling ako at saka tumingin kay chief.

" Never po akong nagkaroon ng boyfriend after kong grumaduate ng college. At isa pa kung anak ko yon, hindi ako pupunta ditto para mag-report. " Kabaliwan naman kasi siguro yon, diba? Sarili kong anak ire-report ko? Umiling akong muli sa naisip ko.

" Oh sige ganito na lang may litrato ka ng bata diba? " Tumango ako at saka nilabas yung ka pi-print ko lang na picture ni Noah. Kagabi 'to nung kumakain kami, naisipan ko lang siyang kunan ng picture. " Ipapaskil na lang namin 'to diyan sa missing board, ire-report din naming 'to sa kabilang istasyon at baka may nag-report na may nawawalang bata. Ano nga palang buong pangalan nung bata? " Napakagat labi lang ako dahil first name lang ang alam ko. Hindi rin naman niya alam ang last name niya, maliban sa pangalan at edad niya ay wala na kong alam.

" Noah lang po kasi yung naalala nung bata kaya hindi ko po alam yung apelyido niya. " Napailing na lang yung chief officer.

" Sige fill up-an mo lang 'to, para kung may tumawag man o pumunta ditto tungkol kay Noah. Madali ka na lang naming mako-contact. " Kinuha ko ang iniabot sakin ng police officer na nasa harapan ko, saka sinimulan sagutan ang mga katanungan na naroon. Pagkatapos ay tumayo na ako at nagpaalam, may klase pa kong dapat puntahan.

" Sige po, salamat. " Umalis na ko ng police station at saka tumawag sa co-teacher ko na male-late ako ng 20 minutes dahil medyo malayo pa ang school sa station.

~~~~

Mabilis na dumaan ang oras at uwian na ng mga bata. Nagliligpit na rin ano ng mga ginamit ko kanina sa pagtuturo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito, saka sinagot ang tawag.

" Hello Rose? " Katatapos lang rin naman ng klase ko kaya't malaya na kong sagutin ang mga tumatawag sakin.

" Oh Best! Pauwi ka na ba? " Tanong nito, pinulot ko yung nakakalat na libro at saka nilagay ito sa book shelf. Nakita ko din ang assistant ko na nagwawalis na rin ng sahig.

" Oo, nasa bahay na ba kayo? " Ani ko. " Nandito pa kami, nagutom yung anak mo. " Napailing na lang ako, pati si Rose sineseryoso ang pagiging ina ko kay Noah.

" Baliw ka, haha sige pupuntahan ko na lang kayo. Saan ba? " Agad naman niyang sinabi kung na saan sila kaya, pagkatapos namin maglinis ay agad akong nagpaalam at pumunta agad ako sa lugar na sinabi no Rose.

After 20 minutes nakarating na ko sa MOA at saka nagpark. Tinext ko si Rose na malapit na ko. Nasa KFC daw sila dahil dun gustong kumain ni Noah. Maraming tao kahit 5pm pa lang, palibhasa akinse kaya maraming pera. Natanaw ko naman agad sila Rose na abala sa pag-aasikaso kay Noah.

" Hi baby. " Agad ko siyang niyakap at umupo sa tabi niya.

" Mommy! " Sigaw niya, at saka nagpunas ng bibig. " Kumain ka pa. " Sabi ko at saka siya sinubuan.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now