Chapter 6

18.6K 475 3
                                    

Chapter 6- Father and Son

Stephanie's POV

Nakaupo lang ako sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga si Noah, hindi pa siya gumigising simula ng dalhin siya dito sa kwarto. Kanina pa ko nag-aalala, dahil simula ng dumating kami dito ay wala ng malay si Noah.

Narinig kong may kumatok kaya tumingin ako sa pinto at niluwa nun si Rose na may dalang supot ng KFC. Ngumiti siya ng bahagya saka pumasok at isinara ang pinto.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. " Oh binilhan ko na kayo ni Noah nang pagkain, para kapag gumising siya may kakainin na siya. " Ngumiti ako at ibinalik ang tingin kay Noah.

" Thank you, Rose. " Nagmulat ng mata si Noah kaya tumayo agad ako at mas lumapit sa kanya. Medyo namumula pa ang mga mata niya, marahil dahil sa epekto ng hipon na nakain namin kanina.

" Mommy. " Hinawi ko yung buhok na naka harang sa mata niya. Ngumiti ako para sabihing nandito lang ako.

" Are you okay? May masakit pa ba sa'yo? " Tanong ko, habang hinahaplos ko ang mukha niya.

Umiling naman siya. " I'm hungry. " Ngumiti ako at tinulungan siyang umupo. Inabot ko naman yung supot ng KFC na binili ni Rose, at saka ko siya sinubuan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Noah nang may tumawag sa'kin. Huminga ako ng malalim nang makita ko kung sino yung caller.

** Mr. Antipatiko's calling **

Lumingon ako kay Rose na abala sa pagc'cellphone, malamang ka-text nito ang fiance niya. " Rose? Ikaw muna magpakain kay Noah. Sasagutin ko lang 'tong tawag. " Tawag ko sa kanya kaya nakuha ko ang atensyon niya. Tumango siya at nilapitan si Noah, lumabas naman agad ako ng kwarto saka ito sinagot.

" You're not answering my call since yesterday. Tinakasan mo ba ako? " Halata sa tono ng boses nito na naiirita siya.

" May emergency kahapon kaya hindi ko napansin yung tawag mo. Saka sinabi ko naman sayo na babayaran kita, diba? " Paliwanag ko rito.

" Miss kailangan mong makipagkita sakin, para sa gastos na babayaran mo sa kotse ko. " Bwisit talaga! Kung nasa harapan lang kita ngayon baka sinapak na kita!

" Oo na, pero hindi ngayon. Hayaan mo kapag nagkita tayo babayaran na kita! " Pigil ang boses kong sagot dito at baka pagtinginan ako ng mga tao. Narinig ko yung paghinga niya ng malalim.

" Last time nung tumawag ako may meeting ka. Ngayon emergency? Miss kung hindi ka pupunta ngayon, sa prisinto tayo mag-usap. Madali naman akong kausap eh. "

Tumayo ako nang maayos ng marinig ko ang plano nito na idemanda ako. Prisinto?! " t-teka! Bakit sa prisinto? Gasgas lang naman inabot ng kotse mo ah? " Ang daya!

" Gasgas? Eh pinalitan nga yung back light ng kotse ko, kapag hindi ka pumunta ngayon. I swear I will sue you. " Damn! Ang daming ko ng gastusin. Hindi ko na alam kung saan pa ko kukuha ng pera after nito, baka maubos din yung savings ko.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. " Fine, Na saan ka? " Tanong ko rito. Para matapos na at hindi na niya ako gambalain pa.

" I will send you the address. " Then he hang up. Napatingin ako sa phone ko.

" I will send you the address. " Panggagaya ko dito. " Antipatiko! " Sigaw ko.

" Huyy! " Halos mapatalon ako, dahil sa biglang pagsulpot ni Rose sa likod ko. " Ano ba! Papatayin mo ba ako?! " Sabi ko, habang hawak hawak yung dibdib ko, halos marinig ko na rin ang tibok ng puso ko sa sobrang pagkabigla.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now