Chapter 19

15.9K 428 38
                                    

Third Person's POV

Agad umalis sila Eziekel pauwi sa Manila, tumawag si Alice dahil isinugod nila si Noah sa hospital na pagmamay-ari ng mga Javier. Tutok sa pagmamaneho si Eziekel gusto man niyang bilisan ay hindi pwede dahil madilim ang tinatahak nilang daan at kasama pa nito si Stephanie na nag-aalala rin kay Noah.

Hindi rin sila nagkikibuan ni Eziekel, maybe dahil kailangan nila pareho magfocus. Busy si Stephanie sa pagdutdot sa cellphone niya, kanina pa niya tinetext si Alice dahil siya ang kasama ni Noah. Hindi siya naka-duty ngayon sa trabaho kaya ibang doctor ang nag-aasikaso kay Noah.

Maya-maya ay narating nila ang J. Hospital, sinalubong na sila ni Alice na nasa main entrance ng hospital. " Where's Noah? " Tanong agad ni Eziekel ng makita nila si Alice.

" Nasa ward na siya, he's okay now. Thank God at galos lang ang tinamo niya. " Tumigil si Eziekel at nilingon ang pinsan niyang si Alice.

" Ano bang nangyari? " Tanong ulit nito.

" Dinala ko siya sa birthday party ni Annazelle, Michael's daughter. Nagpaalam sakin si Noah na maglalaro lang sila ni Annazelle. Hanggang sa may sumabog sa kusina nila, Michael found Noah and Annazelle in the kitchen. " Inis nitong nilingon si Alice, magsasalita na sana ito ng may pulis na sumingit sa kanila.

" Good evening po, kayo po ba yung magulang nung bata? " Huminga muna si Eziekel ng malalim bago ito sumagot.

" Yes, why? Is there a problem? " Tanong nito.

Inabot ng pulis kay Eziekel ang zipp bag. " Natagpuan po ito sa kusina ng bahay ng mga Montes. At mukhang ayan rin ang dahilan kung bakit may pagsabog na naganap. Sa inyo po ba yan Sir. Javier? " Tanong nito kay Eziekel. Isang lighter ang laman ng zipp bag, at may nakaukit don na Javier. Sa kanya iyon, pero paanong na kay Noah ito?

" Yes, it's mine. " Kinuha ulit sa kanya ng pulis ang zipp bago saka nagsalita.

" Ayon po sa imbestigasyon sa kusina nagmula ang sunog. At si Noah po ang nakagawa noon. Nagbigay na rin ng statement sila Mr. Montes sa prisinto, hindi naman po sila nagsampa ng reklamo laban sa bata. " Reklamo?Hindi ko na nagawang manahimik.

" But it was just a kid, aksidente naman ang nangyari. " Naramdaman ko ang paghawak ni Eziekel sa braso ko upang pigilan ko. Habang ang pulis naman sa harapan namin ay umiling sa amin.

" Mr. Javier kailangan niyo pong bantayan ng maigi si Noah, matalino po siyang bata para magawa niya yung bagay na iyon. Dahil hindi sa stove nagmula ang sunog kundi sa alcohol at may ilan pang chemical apat na taon pa lang po siya para malaman ang bagay na iyon kaya paki subaybayan na lang po siyang mabuti. Mauuna na po kami. " Tumango lang si Eziekel saka hinarap ulit si Alice.

" Iuuwi ko na si Noah. " Pagkatapos ay tinungo nila ang kwarto kung na saan si Noah. Nakasunod lang sa kanila si Stephanie at hinihintay lang nito ang mga susunod na mangyayari. " Noah. " Tawag nito sa anak at halata sa mga boses nito ang galit at pag-aalala.

" Daddy, I'm sorry. Please don't get mad. " Nagsimulang umiyak ang bata, kaya lumapit na si Stephanie, upang aluhin ito.

" Hey, are you okay? May masakit ba sayo? Tell me. " Umiling ito kaya hinaplos na lang niya ang buhok ng bata.

" We're going home. NOW. " May diin ang bawat salita nito kaya mas lalong natakot si Noah.

" I don't want, daddy. " Kahit gustong mangialam ni Stephanie ay hindi pwede. Si Eziekel ang ama ni Noah kaya mas alam nito ang gagawin.

" No! Don't let me get angry at you Noah. " Kinarga na nito si Noah, kaya wala ng nagawa si Stephanie kundi ang sumunod na lamang. " Alice, ikaw na ang bahala dito. " Tumango na lang si Alice bago tumingin kay Stephanie.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now