Solstice #11

776 31 7
                                    

Solstice #11

-RAVEN-

I smell blood.

Nagising akong nakayakap sa'kin si Krishna. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa katawan ko para hindi siya magising. Naupo ako at nilibot ko ng tingin ang paligid. Walang nagbago sa lugar pwera na lang sa mga nagkalat naming damit sa may sahig at kama.

Teka.. Parang may mali.

"Gising ka na pala Sv--Raven?"

Napatingin ako sa bagong gising kong asawa. Ako lang ba 'yun? O parang nagulat talaga siya nang makita ako?

Mariin akong napapikit. Sa itsura namin ngayon alam kong may nangyari. Pero..

BAKIT WALA AKONG MAALALA?!

Marahan kong hinilot ang sentido ko. De putek. Kailangan ko 'yung maalala. Unang gabi namin 'yon. Kailangan ko 'yung maalala!

"Raven.. A-Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Krishna.

"Sabihin mo, nasobrahan ba 'ko sa alak?" patuloy kong hinilot ang sentido ko. "Wala kasi akong maalala."

"H-Ha? Ano.. Oo, marami ka yatang mainom."

Mahina akong napamura. Bwisit. "Tara, magbihis na tayo."

***

Unang beses naming papasok ni Krishna sa V.U. mula nung kasal namin. Kung noon dinadaan-daanan lang nila si Krishna sa hallway, ngayon lahat ay nagbibigay pugay na sa kanya at tinatawag siyang 'crown princess'.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ng aking asawa sa kamay ko. Kahit hindi siya magsalita, alam ko kung bakit. Dahil hindi naman talaga kami ang tunay na crown prince and princess. Magkaiba ang klase namin kaya naghiwalay na kami. Nakangiti ang lahat sa'kin habang patungo ako sa upuan ko.

"So... Nandito na pala ang impostor."

Akala niya siguro hindi ko siya narinig. "May problema ka?" tanong ko nang lumingon ako sa may likuran.

Tumayo si Jiah at lumapit sa upuan ko. "Ikaw. Ikaw ang problema ko."

"Look oh. She's so malandi.."

"Oo nga. Kasal na nga si Prince Sven nilalapitan pa."

"Bitter siguro siya dahil hindi siya ang naging crown princess."

Nakita kong nangilid ang luha ni Jiah. Nakayuko siyang bumalik sa upuan niya. Tss.. Kasalanan niya rin 'yun. Pero kahit ganun nakakaawa din naman. Kung tutuusin naipit lang din siya sa gulo.

Kailangan ko na talagang mabuo ang grail..

***

"Nasaan ang asawa mo?" bungad na tanong ni King Aven kay Krishna. Kakagaling lang ng prinsesa sa V.U. at ipinatawag sila ng hari ngunit hindi naman nito kasama si Raven.

"A-Ang sabi niya lang po sa'kin, itutuloy na niya ang kanyang misyon," kinakabahang tugon ni Krishna.

Tila na-guilty naman ang si King Aven. Hindi niya intensyong takutin ang prinsesa. Pinagmasdan niya itong mabuti. Hindi siya maaaring magkamali. Kamukhang kamukha nito ang babaeng una niyang inibig..

"Pinatawag ko kayo dahil gusto kong pag-usapan natin ang nalalapit na kaarawan ng Inang Reyna. Hindi ko kasi kayong lahat pwedeng ipatawag nang sabay-sabay dahil mahahalata tayo. Gusto ko kasing maging sorpresa ang lahat," saad ng hari. Matapos ay inilatag na niya ang plano para sa ika-dalawang daang kaarawan ng Inang Reyna.

Sa kasalukuyan, ang Inang Reyna na ang pinakamatandang bampirang nabubuhay sa mundo. Ang eksistensya ng mga katulad nilang matatandang bampira ay hindi na ipinapaalam pa sa mga tao lalo na silang mga maharlika. Pagdating ng pitongpung gulang ay papalabasin nilang namatay ang isang bampirang maharlika dahil sa isang malubhang sakit. Hindi man sila tumatanda ngunit ang kalimitang pagkamatay ng isang bampira ay dahil sa pakikipagsagupaan sa mga barbaro at sa mga Hantara o mga vampire hunters.

Mula nang mawala ang ama niyang si King Dareos at nang mamatay ang kanyang Kuya Eustace ay hindi na bumalik pa ang tunay na sigla ng kanyang ina. Hinala ng palasyo na dinukot ng mga barbaro si King Dareos. Sinasabi namang nagpakamatay di umano ang kanyang Kuya Eustace dahil hindi nito kinaya ang responsibilidad ng pagiging hari. Natagpuang wala ng buhay ang kanyang kuya sa silid nito isang buwan matapos isalin dito ang korona. Hindi lingid sa kaalaman ni Aven ang uma-umagang pag-iyak ng Inang Reyna dahil sa sunod-sunod na trahedyang nangyari noon. Batid niya ang labis na pighating nadarama nito kahit pa sabihing labingwalong taon na ang lumipas. Kaya naman naisipan ni Aven na bigyan ng magarbong pagdiriwang ang Inang Reyna upang kahit paano'y maibsan ang pangungulilang nadarama ng ina.

"Iyon lang po ba, kamahalan?" tanong ni Krishna nang mailatag na ng hari ang plano.

"Tawagan mo pala si Prinsipe Caleb. Sabihin mong pumunta sila ng Queen Dowager dito sa palasyo."

"Masusunod kamahalan." Naghanda na si Krishna upang lumabas ng silid.

"Sandali lang," pigil dito ng hari. "maaari mo ba muna akong kwentuhan?"

Nagtaka naman ang prinsesa. Kwentuhan? "Ano po ang gusto niyong ikwento ko?"

"Hindi lingid sa kaalaman namin na bago kayo ikasal ni Raven ay nakatira sa puder ng iyong madrasta. Pero ang iyong tunay na mga magulang, nasaan sila?" tanong ng hari. Pagkakataon na niya ito para makumpirma ang mga bagay-bagay.

"Ang sabi po ng aking ama, namatay po ang aking ina sa panganganak sa'kin.."

"Sorry to hear that.." May isang bahagi ng hari ang nalungkot sa narinig na tinuran ni Krishna. Hindi man niya aminin ngunit umasa siyang si Gaea ang ina ni Krishna at nabubuhay pa rin ito ngayon.

"Okay lang po. Uhm.. Malungkot ang walang nanay pero nakayanan ko rin naman. At kahit hindi ko nagisnan ang nanay ko ay mahal na mahal ko pa rin siya," ani Krishna na mukha namang hindi naapektuhan.

"Ang tatay mo? Nasaan siya?"

Dito na napayuko ang prinsesa. "Iyon po ang hindi ko masasagot. Hindi niya po kasi sinabi ang dahilan ng kanyang pag-alis at kung saan siya pupunta noong panahong iwan niya ko kay Hainra."

"Ganun ba.." pakikisimpatya ni Aven dito. "Gusto mo bang ipahanap ko ang iyong ama?"

"N-Naku hindi na po. Sa tagal niya pong nawala, sa tingin ko po'y may bago na siyang pamilya.."

Mas lalong naawa ang hari kay Krishna. Mahirap marahil ang pinagdaraanan nito. "Kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman ang pangalan ng iyong ama?"

"Gunther. Gunther Aslan ang pangalan ng aking ama."

Pamilyar ang pangalang iyon para sa hari. Doon na tinapos ni Aven ang pakikipagkwentuhan niya sa prinsesa. Pag-alis ni Krishna sa kanyang silid ay siya namang tungo ni King Aven sa library ng palasyo upang hanapin ang isang natatanging record.

'Sinasabi na nga ba't pamilyar ang pangalang iyon', bulong ng hari sa sarili ng makita ang pangalang Gunther Aslan sa isang eksklubong dyaryo ng mga bampira. Luma na ang dyaryo ngunit malinaw pa ring nababasa pangalan ng naturang Hantara.

Midnight Fairytaleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن