Equinox #20

1K 36 1
                                    

#20

Bigla na lang bumukas ang pinto.

"Krishna! Ano bang nangyayari dito?!"

Nakakunot ang noo ni Raya. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa'kin o ano. Nasa likuran niya si Yara na naka-cross arms.

"R-Raya.. Ano.. A-Ayos lang ako."

Sumingit si Yara, "Eh ano yung naririnig naming sigawan?"

"Ano.. N-Nagpapractice kasi ako para sa p-play namin." Jusmiyo, sana makalusot!

Pumasok si Raya at umikot-ikot sa kwarto ko. Tinignan niya ang ilalim ng kama, ang loob ng kabinet pati na rin ang likod ng kurtina. Patay na talaga!

"Sigurado akong may narinig akong boses ng lalake kanina. Asan siya?" 

"Anong lalake? E ako ako lang naman ang mag-isa rito. Wala akong kasama," tugon ko kay Raya. Shit sana convincing.

Nagpamaywang ito bago muling nagsalita. "Sa oras na malaman naming nagdadala ka ng lalake rito sa bahay isusumbong ka talaga namin kay mommy."

Hindi ako umimik. Tahimik ko lang silang pinanood lumabas ng kwarto.

"Tsk tsk," rinig kong tunog galing sa itaas. Naroon ang prinsipe, 'nakahiga' sa kisame at naka-cross arms habang pinagmamasdan ako rito sa ibaba. Nasa taas din ang mga nakakalat kong damit na animo'y idinikit sa kisame.

"Tss.. Pwede wag ka nang magpasikat? Alam ko nang nalalabanan niyo ang gravity, kaya bumaba ka na dyan dahil hindi naman ako bumilib."

Nakita kong ngumisi ang kamahalan. Kasabay ng pagbaba niya ay nalaglag din ang mga damit ko mula sa kisame.

"Bago ka pa lang sa V.U. pero mukhang marami ka nang alam sa mga bampira," wika niya. Mukhang hindi na siya galit. Fingers crossed!

"K-Kinuwentuhan lang ako ni Caleb," tugon ko.

His eyebrows furrowed. "Si Caleb?"

Nagkibit balikat lang ako. "Wala naman kayong batas na bawal makipagkaibigan ang mga bampira sa mga tao di ba?"

"Sinusungitan mo ba 'ko?" Naglakad ang prinsipe at pabagsak na humiga sa aking kama. "Tandaan mo, mula ngayon hawak ko na ang buhay mo."

I gaped on him. Hindi pa rin pala humuhupa ang galit niya. Samantala ay napangisi naman ang prinsipe sa nakitang reaksyon ko. How dare him!

Nakita kong iniunan niya ang mga kamay niya at pumikit. "Wag mo 'kong istorbohin, matutulog ako."

Tch.. With that, nagdesisyon akong iwan na lang siya sa kwarto. Mag-aaway lang kami nang mag-aaway kung magkakasama kami. Bahala na siya sa buhay niya!

Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ng tatlo ay hindi ko mapigilang isipin ang nangyari sa'kin nitong umaga. Ang Pâgala, ang pagligtas sa'kin ni Caleb, at ang paglitaw ng prinsipe dito sa bahay. Jusmiyo. Hindi ko na yata kakayanin kung may kasunod pa.

Pagtapos ko sa ginagawa ay sinilip ko ang kamahalan sa aking silid. Nakatulog na nga ang prinsipe. Akalain mo 'yun, natutulog pala ang mga bampira. Napakapayapa niyang tignan, di tulad pag gising siya. Haaayys...

Umupo ako sa may upuan sa may study table. I could stare at him all day if I want. Pramis, nakakarelax. Hindi ko namalayan na pati pala ako hinila na rin ng antok.

Malamig..

Hinila ko pa ang kumot na nagbibigay init sa aking katawan.

Teka.. Bakit may kumot?!

Bigla akong napamulat ng mata. Hala, bakit nakahiga na 'ko sa kama?!

Bakit malamig?

Bakit wala na 'kong suot?!

Bakit--

De joke lang. May damit pa naman ako. At kaya pala malamig ay dahil umuulan sa labas.

Pero di nga? Paano ako napunta rito sa kama? At nasa'n na ang prinsipe?

Napatingin ako sa orasan, alas sais na pala ng hapon. Bumangon ako at agad hinalughog ang buong kwarto. Wala na nga ang prinsipe. Pero may nakita na naman ako sa bintana ko.

Itim na balahibo..

***

Nakatitig lang ako sa print out ko sa Vampire History. Alam niyo 'yung nakakahilo? Eto 'yun eh.

"Ang holy trinity. Si Brahma. Vishnu at Shiva. Tandaan niyong mabuti ang mga pangalang iyan class. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo ngayon. Wala tayong mga bampira," rinig kong sabi ng prof namin.

Marami-rami na rin akong natutunan dito sa aking vampire history class. Si Brahma, Vishnu at Shiva ang ninuno ng mga bampira. Sila ang mga kauna-unahang bampira sa mundo. Ang unang royal blood ay si Brahma, unang pure blood ay si Vishnu at si Shiva naman ang kauna-unahang half blood. Sa lineage ni Vishnu nagmula ang royal family. At ang anak ni Vishnu na si King Ganesh ay ang kauna-unahang hari ng monarkiya.

Bukod sa history, nalaman ko rin ang ilan sa mga batas ng bampira. Mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang pagpaslang ng tao. Hinahatulan ng kamatayan ang sino mang gagawa nito. Ganun pa man ay may mga bampirang hindi sumusunod sa batas. Ang mga ganitong bampira ay itinuturing na barbaro ng monarkiya. Isang dahilan kung bakit pumapatay ng tao ang mga bampira ay dahil nakakabata ang dugo ng isang mortal. At dahil nga imortal ang mga bampira, nais nilang panatilihing bata ang kanilang katawan.

"Ngunit nakagawa na ang maharlika ng alternatibong inumin kapalit ng dugo. Ang tawag sa gamot na ito ay ambrosia. May kamahalan nga lang ang naturang gamot kaya mayayamang bampira lamang ang nakakayanang bumili nito," dagdag pa ng prof.

Nadagdagan na rin ang kaalaman ko sa mga Pâgala. Dalawang klase ang maaaring pagmulan ng isang Pâgala. Una, kapag nagsama ang isang half blood vampire at isang tao, Pâgala ang mgagiging anak nila. Pangalawa, kapag nakagat ang tao ng isang half blood. In short, ang mga Pâgala ay one-forth vampires lamang. Okay, mukha akong nagjo-joke dito pero 'yun na talaga 'yun. Kaya nga nagkaroon ng kautusan na hindi pwedeng magsama ang isang tao at isang half blood para maiwasang makabuo ng Pâgala. Ang mga Pâgala ay itinuturing na salot ng monarkiya dahil sa pagpatay ng mga ito sa mga tao.

Tinalakay rin namin ngayon ang mga half bloods. From the word itself, half, meaning kalahati. Sila ay mga kalahating tao at kalahating bampira lamang. Tulad ng nabasa ko, nakakatagal sila sa ilalim ng araw dahil tao rin naman sila ngunit kapag nagtagal ay masusunog din sila. Iyon nga lang ay malakas ang temptation nila sa dugo ng tao di tulad ng pure bloods. Tinatawag din na converted vampires ang mga half bloods. Nagkakaroon ng converted vampires kapag kinagat ng isang pure blood ang isang tao. So it means kung gusto mong maging bampira, dapat sa pure blood ka magpa-convert dahil magiging Pâgala ka lang kung sa half blood ka magpapakagat.

"Next meeting, tungkol naman sa pure bloods ang pagaaralan natin. Kasama na ro'n ang pagtalakay sa monarkiya at royal family." pagpapaalam ng prof namin. Grabe, di ko man lamang namalayan ang oras.

May isa akong kaklaseng lalake na nagtaas ng kamay.

"Sir, hindi po ba natin idi-discuss ang tungkol sa mga royal bloods?"

Saglit na natigilan si Prof. "Sa kasamaang palad ay hindi na natin iyan mai-di-discuss. Una, walang masyadong impormasyon ang nakalap sa kanila dahil nga maaga silang na-extinct. Pangalawa,  idineklara ng monarkiya na wag na itong pag-aralan pa."

"Bakit po?"

Nagkibit-balikat lang ang prof sa estudyante at tuluyang nang umalis.

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now