Equinox #4

1.3K 51 5
                                    

#4

Nakarinig ako ng busina ng kotse sa labas. Ang aga naman!

Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa'kin ang pulang sports car ni Noknok. Ganda boy! Hinintay kong lumabas si Noknok ng sasakyan kaya lang mukhang walang balak bumaba ang loko.

"Kainis 'to, napaka-ungentleman! Di man lang ako pinagbuksan ng pinto," reklamo ko sa kanya pagpasok ko sa kotse.

"Sorryyyyyy pooooooo!" tapos tumawa lang siya ng tumawa. Badtrip. Nagulat pa 'ko nung walang kaabog-abog na pinaandar niya ang kotse. Napa-sign of the cross talaga ako sa aking kinauupuan. Sigurado ba sila sa pagrerelease ng driver's liscense sa mokong na 'to?! Juskupo! Sana makaabot ako sa party ng buhay!

Habang nasa byahe ay hindi ko napigilang magmuni-muni. Hulog ng langit para sa'min ni Noknok si Mr. Vijandre a.k.a. fairy grandfather. At dahil nga siya na ang magpapa-aral sa'min ni Noky boy, ginastos ko na ang perang inipon ko sa pagbebenta ng peanut. Ipinangbili ko ng gown, sapatos at syempre 'yung maskara para makapunta sa masquerade ball ni Prince Sven! Aba, once in a lifetime lang ito 'no. Unang beses bubuksan sa publiko ang Ishvara Palace para lang sa ika-labingwalong kaarawan ni Prince Sven kaya naman ayokong sayangin ang ganitong pagkakataon.

Isa lang ang inaalala ko sa party, baka makita ako ni mommy at ng aking evil stepsisters. Kanina pa sila nakaalis sa bahay kaya malamang nandoon na sila sa palasyo. Ang ikinakatakot ko, baka kapag namukhaan nila nila 'ko ay ipahiya nila ako sa madlang people at sabihing ako'y isang muchacha. Well subukan lang nila! Di hamak namang mas maganda ako kay Raya at Yara para mapagkamalang muchacha! Kahit pa nagpatahi talaga sila ng gown, kung ang mga magsusuot ay isang binabae at isang baboy, wala rin! Kahit mag-maskara pa sila hindi naman no'n maiitago ang itim ng mga kili-kili nila!

Mga bente minuto rin bago kami nakarating sa Ishvara Palace. Hindi na lumabas ng sasakyan si Noknok dahil kung gaano kaganda ang kotse niya eh 'yung damit niya naman mukhang..pfsh nevermind. At dahil nandito na kami ay sinuot ko na ang maskara ko. Ayan, perfect! Hindi kasi makakapasok sa party kung hindi nakamaskara.

"Nga pala," palabas na ako ng kotse nang biglang magsalita si Noknok. "ang ganda mo ngayon Krishna."

Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Bigla akong namula. Eh kasi naman o, ngayon na lang ulit may lalakeng nagsabi sa'kin na maganda ako. Mula nang mamata--este mawala si daddy wala nang nagsabi na maganda ako. Binuksan ko na ang pinto at tuluyan na 'kong lumabas ng kotse. Huminga ako ng malalim paglabas ko. Breath in.. Breath out! Yikes! Dizizit! Magkikita na kami ng aking Prince Charming! Prince Sven here I come!

Kaso unang hakbang ko palang muntikan na 'kong nasubsob sa sahig! Anak ng! 'Yung gown ko naipit sa pintuan ng kotse!

***

Laking pasalamat ko na sobrang dami ng tao kaya hindi ako makita nina mommy. Actually hindi ko rin naman sila dapat makikita sa dami nga ng tao, kaya lang itong si Yara eh napakalaking bulas kaya ang bilis ko silang nai-spot-an. Mamaya ay nakatakdang mamili ang palasyo ng limampung mapapalad na babae na isasayaw ng prinsipe kaya kuntodo balandra ang mga kababaihan sa gitna ng bulwagan para magpapansin. Kaloka.

Pinili kong libutin na lang ang palasyo imbis na bumalandra sa gitna. Eh juskupo naman kasi, obvious naman na ang mapipili ay iyong mga anak ng businessman at maharlika. Masyadong hopia lang itong mga babaeng ito. Pangarap ko lang talaga makita si Prince Sven sa personal. Pero ang makasayaw siya? Abusado na 'ata ako no'n. Uhm..pero pwede rin, hehe.

Sa gilid ng bulwagan ay maraming nakasabit na larawan ng royal family. Doon ako pumunta. Nakakatuwa ang mga litrato. Mula sa kauna-unahang hari na si King Ganesh at ang pamilya nito hanggang sa pamilya ni King Aven, ang kasalukuyang hari ng monarkiya ngayon. Ang alam ko wala rito sa Sudura si King Aven dahil marami siya inaasikaso sa ibang bansa. I wonder kung magpapakita ngayong gabi ang Inang Reyna at si Queen Alijha (pronounced as Aliyah).

Tinitigan kong mabuti 'yung pinakamalaking litrato ng royal family. Grabe, ang gwapo talaga ni Prince Sven! Bagsak ang buhok, grayish ang mga mata, matangos ang ilong at mapupulang labi na parang masarap halikan. Actually kamukha niya si King Ganesh, mas masigla nga lang ang aura ng nasirang hari sa mga litrato hindi tulad nitong si Prince Sven na malamlam ang mata. Kung sabagay, mukha kasing malungkot ang itsura ng tao kapag abo ang kulay ng mga mata. Ayy ewan. Ganun kasi ang tingin ko eh.

Maya-maya pa ay sinimulan ng i-announce ang limampung mapapalad na babae na mabibigyan ng tsansa makasayaw ang prinsipe. Gahd. Limampu?! Katamad makinig, alam ko namang wala ako dun. Lumabas na lang ako ng bulwagan at nagpahangin. Buti pa dito sa labas, fresh air. Di tulad sa loob naghalo-halo na ang pabango ng mga babae.

Naglakad-lakad ako sa may hardin ng palasyo. Sa may fountain ay may nakita akong lalake. Namumukhaan ko siya. Siya 'yung naghatid ng invitation kena mommy sa bahay. Si kuyang messenger!

Mula sa kung saanman ay may narinig akong babaeng sumigaw.

"Yahoo!"

Napatayo agad si kuya tapos lumapit siya doon sa babaeng nakasuot na pang-maid at nagyakapan sila. Aaauh, ang cute. Pero mas cute 'yung pangalan ni kuya.

Kaya lang hindi na cute ang mga sumunod na pangyayari. Naghalikan na kasi 'yung babae at 'yung Yahoo. Aba, mukhang dito pa yata balak mag-make out ng dalawang 'to. Nangalay ang dalawa at umupo doon sa may gilid ng fountain. Si kuyang messenger sumesecond base na kay ate. Naku! Scandal ito! Isang messenger at isang maid ng palasyo, nagmimilagro sa mismong kaarawan ng prinsipe! Kailangan ko itong ma-cover!

Lumapit pa 'ko doon sa may fountain at nagtago sa mga halaman. Sakto. Kakabili ko lang kanina ng bagong cellphone, Chiko Mobile. Tatskrin 'to mga dre! Di ko lang talaga akalain na sa ganitong pagkakataon ko 'to mabibinyagan. Ipapang-blackmale ko ito sa kanilang dalawa kapalit ng isang buhok ni Prince Sven! Bwahahaha! Kaya naman nila siguro 'yun dahil dito sila nagtatrabaho. Tapos ibebenta ko sa dalawa kong stepsister iyong buhok, tiba-tiba ako no'n!

Kaso habang vine-videohan ko ang dalawa eh biglang nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong napatigil sila sa paghahalikan.

"HOY SINO KA!"

BULLCHEESE!

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now