Equinox #14

1K 37 1
                                    

#14

Kung papipiliin siya ng tadhana, hindi niya gugustuhing maging crown prince..

Buong buhay ni Sven ay ginugol niya sa loob ng palasyo. Hindi siya pinapayagang lumabas dahil lubha raw mapanganib. Kung ano mang panganib ang tinutukoy nila ay walang ideya ang prinsipe.

"Ikaw ang Crown Prince. Iniingitan ka lang namin." paulit-ulit nilang sinasabi sa kanya.

Sa kabila ng pagkakakulong sa palasyo ay hindi lumaking ignorante si Sven. Nandyan ang libro, ang internet, at si Jiah na walang sawang nagkukwento tungkol sa mga tao.

"Mababait ang mga tao. Likas sa kanila ang pagiging masayahin. Masarap silang kasama," wika ng kanyang kababata.

Hindi itatanggi ni Sven na malaki ang pagkainggit niya kay Jiah. Pinalaki itong malaya ng mga Rayearth. Hindi tulad niya...habambuhay nakakulong sa palasyo.

Ngunit nagbago ang lahat sa buhay ni Sven buhay isang gabi. Nagdaos ng malaking piging ang monarkiya para sa ika-labingwalong taong kaarawan niya. Sa araw ring iyon ay ganap nang ipoproklama ng monarkiya ang kanyang pagiging crown prince. Inimbitahan lahat ng dalagang bampira at nag-imbinta rin ng mangilan-ngilang tao bilang panauhin.

"Wala ka bang napupusuan upang maging kabiyak?" tanong ni Queen Alijah habang pinagmamasdan ang mga babaeng nakahelera sa bulwagan.

Hindi sumagot si Sven. Ang totoo niyan ay wala naman talaga siyang napupusuan. At kung meron mang babae na gusto niyang pakasalan, iyon ay walang iba kundi si Jiah.

Ngunit may hindi inaasahan nangyari sa pagdiriwang. Huling natatandaan ni Sven ay kausap niya ang kanyang ina sa loob ng bulwagan, ngunit laking gulat niya nang makita ang sarili sa hardin ng palasyo.

"Anong ginagawa ko dito?!" bulalas niya sa sarili nang ganap siyang matauhan. Hindi niya natatandaan na nagtungo siya sa hardin. Nasa piging lang siya kanina!

Magmula noong piging ay doon na  siya nagkaron ng missing hours. Malimit niyang nasusumpungan ang sarili na nasa ibang sitwasyon. Minsan siya'y kumakain, sa isang iglap matatagpuan niya na lang ang sarili na nasa shower. May pagkakataon din na siya'y tumutugtog ng piano, ngunit sa hindi malamang dahilan ay mapupunta na lang siya sa may gate ng palasyo. Kung paano siya nakapunta r'on ay wala siyang matandaan. Wala siyang maalala..

Ngunit ang pinaka malalang nangyari sa kanya ay nangyari nitong nakaraang linggo. Sa pagkakatanda niya, tahimik siyang nagiinternet sa kanyang silid. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakahandusay na pala siya sa kalsada, duguan ang katawan at may tama ng baril.

"Anong pumasok sa utak mo at nagawa mo kaming suwayin?!" hindi maipinta ang mukha ng kanyang ina.

Buong oras na sinesermonan siya ni Queen Alijah ay hindi siya umiimik. Wala siyang maisagot. Alam niyang hindi maniniwala ang reyna kung sasabihin niyang wala siyang maalala.

"Apo.." wika ng Inang Reyna nang sila'y magka-sarilinang magusap. "dama ko ang iyong paghihirap. Labingwalong taon ka nilang ikinulong dito sa palasyo. Batid kong nais mo nang makalaya. At dahil ikaw na ang ganap na crown prince, marahil panahon na siguro para tumayo ka sa sarili mong mga paa.

"Hindi mo na kailangan pang magrebelde. Pinapayagan ka naming lumabas. Katunayan ay in-enroll ka ni Queen Alijah sa pamantasan ng mga bampira. Tiyak kong magugustuhan mo r'on.."

Hindi alam ni Sven kung matutuwa ba siya sa winika ng kanyang lola. Dalawang dahilan. Una, hindi naman kasi siya nagrerebelde. Ikalawa, dahil nagdesisyon na naman ang mga ito nang hindi man lang siya tinatanong kung gusto niya bang magaral. Hahayaang tumayo sa sariling mga paa? Kalokohan.

"Ayos ka lang ba?" tila nagbalik sa kasalukuyan ang lumipilad niyang isip sa dahil sa boses ni Jiah. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo."

"Wala 'to.." matipid na sagot ng prinsipe.

Kung mayroon mang isang dahilan kung bakit hinayaan niya ang sarili na magaral sa unibersidad na ito ay dahil kay Jiah. At least mabibigyan siya ng pagkataong makita ito araw-araw.

"Gusto mo bang mamasyal pagtapos ng klase?" pagyayaya nito.

Hindi sumagot si Sven, ngunit ibinaling niya ang tingin sa mga bodyguards niya bilang tugon kay Jiah.

Isa pang kalokohan sa pagiging 'malaya' niya ay ang pagkakaroon niya ng bodyguards. Binubuntutan siya ng mga ito kahit saan, mapwera na lang pag pumasok na siya sa room o kaya'y kapag tutungo siya ng C.R.

"Ooh.. Pwede naman siguro natin silang takasan di ba?"

He cocked his head sidewards looking at Jiah. Hindi siya makapaniwala na ang kababata pa niya ang magyayaya gumawa ng kalokohan.

But he liked the idea of escaping..

***

Nagmamadali akong bumaba mula sa pulang sports car ni Noknok. Late na 'ko sa Algebra class ko!

"Hoy Krishna, salamat ha. Salamat!" sigaw ni Noknok. Hehe.. Basta na lang kasi ang bumaba ng kotse niya. Di bale, ililibre ko na lang siya bukas ng kalamares para sa paghatid niya sa'kin ngayong gabi. Hindi kasi ako nakapagdelihensya ng pamasahe.

Tinakbo ko na ang daan patungong 3rd floor. Ugh! Five minutes na 'kong late!

"Late ka 'no?" may narinig akong nagsalita sa tabi ko. What's with this guy at sinasabayan niya 'kong tumakbo? 

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa room ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng room pero hinawakan niya ang braso ko.

"What do you think you're---"

Natigilan ako. Si Saber pala 'to.

"Hindi dyan ang room mo," sabi niya at binitawan ang braso ko.

Tinignan ko 'yung room number. Shocks, A16! Hindi nga ito ang room ko!

"S-Salamat.." nahihiya kong sabi.

Nginitian niya lang ako. Okaaay. Kung hindi siguro siya babae ang gwapo niya siguro.

Pero baka naman lalake talaga siya?

Bago ko makalimutan na late na nga pala ako sa algebra ay tumungo na 'ko sa kabilang room. Siya naman ay parang pinanood pa 'kong makapasok sa A17 bago siya pumasok sa room na papasukan ko sana kanina.

As expected late na nga ako sa first subject ko ngayong gabi. Kasalanan itong lahat ni Raya, ang arte-arte, ayaw niya ng niluto kong ulam para sa hapunan kaya nagpaluto pa ulit siya ng bago. Pisti.

Mabuti na lang talaga at mabait ang prof ko. Pinaupo niya lang ako at ipinagpatuloy ang discussion niya.

Wala pang limang minuto noong pumasok ako sa room ay may isa pang late comer ng pumasok. And to my surprise..

..si Mr.Hazel Nut!

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon