Solstice #7

722 26 1
                                    

Solstice #7

-Krishna-

Buong buhay ko ay ngayon lang ako nainip nang ganito...

I heaved out a bored sigh. Haayy. Gustong gusto ko nang pumasok sa V.U.. Gusto ko na ulit makita si Saber at Caleb. Tapos ang balita ko sa V.U. na rin daw nag-aaral si Noknok since bampira na rin ang mokong. Yay! Mas lalo ko na tuloy gustong pumasok! Dumapa ako sa kama at kinapkap sa ilalim ng unan ang aking Chicko Mobile. Napangiti ako nang masilip ko sa calendar na dalawang araw na lang pala at papasok na ulit ako. Yizz!

Gumulong ako sa kama at tinitigan ang kisame. Haays. It's been a week since nung ikinasal ako. Sa isang iglap ay hindi ako makapaniwalang isang na akong prinsesa. Mwahaha! Feel na feel ko ang mainit na pagtanggap sa akin dito sa palasyo. Wala daw kasing prinsesa dito kay todo asikaso sila sa'kin. Malayong malayo sa trato sa akin ng aking evil stepmom and stepsisters. I wonder kung kamusta na sila ngayong wala na silang muchacha?

Iyon nga lang sadyang nakakapanibago nga lang ang buhay rito sa palasyo. Halos lahat nang nandito sa palasyo ay tulog kapag umaga at nagigising lamang tuwing tuwing alas sinco ng hapon. No choice tuloy ako kung di magpaka-feeling bampira na din.

As for pagiging buhay may-asawa. Ayun. Okay naman. Inaalagaan naman ako ni Raven. Hindi pa naman ako obligadong gawin ang responsibilad ko sa kanya bilang asawa niya kaya wala pang pressure. Hehe.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto. "Kamahalan. Pinapatawag na po kayo para sa hapunan."

"Sige, susunod na 'ko." Ibinulsa ko na ang cellphone ko at bumangon mula sa pagkakahiga. Haayy. Ang bilis ng oras hapunan na agad. Well agahan talaga 'to para sa amin. Halos lahat ay medyo kakagising pa lang.

Paglabas ko ay saktong kakalabas lang din ni Raven sa kabilang silid. Oo. Hindi pa kami nagsasama sa iisang kwarto. Katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi pa naman ako obligadong gawin ang responsibilidad ko bilang asawa niya.

"Good morning! Este, good evening pala," pagbati ko kay Raven.

Ngumiti naman siya habang lumalapit sa'kin. "Kamusta? Masarap ba ang tulog mo?"

"Oo. Ang lamig kasi. Ewan ko ba.."

"Kaya pala 'yung hilik mo rinig na rinig ko sa--ARAY! Eto naman joke lang."

Nag-asaran lang kami nang nag-asaran ni Raven habang tinutungo ang dining hall ng palasyo. Ganito lang talaga kami mag-usap ni Raven. Nag-aasaran. Nagsisikuhan. Nagbabatukan. Parang tropa-tropa lang. Pero siyempre hindi kami ganito kapag kaharap na ang royal family. Malilintikan ako lalo na kay Queen Alijah. Ang sabi niya kailangan ko na raw kumilos nang naaayon sa aking katayuan --ang pagiging prinsesa. Nabanggit ko na bang mayroon akong private class sa pag-aaral kung paano kumilos ang isang miyembro ng royal family? Oo, meron nga. Tindi 'no?

Nandoon na silang lahat pagdating namin sa dining hall. Nakahain na ang mga nakakatulo-laway na pagkain sa isang napakahabang lamesa na mas mahaba pa sa isang tourist bus pero uupuan lang naman ng limang tao. I mean, bampira.

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon