Equinox #1

2K 61 10
                                    

Equinox - derived from the Latin aequus (equal) and nox (night), because around the equinox, night and day are about equal length.

#1

Malayo palang ay narinig ko na ang tili ng stepbro-- este stepsister ko. Naku lagot! Bigla akong inatake ng kaba. Ano kayang nangyari sa bahay? May magnanakaw? Sunog? Rapist?! Ayy erase erase. Imposible kasing rapist iyon.

Pagdating ko sa bahay ay nagtatakbo sa likuran ko si Rayan --ahh este si Raya.

"Krishnaaaa! Patayin mo ang ipis dali!" paghi-hysterical niya.

Tinulak ako ni Raya papunta sa may kusina, at hayun nga, nandun nga ang flying ipis na feeling butterfly na akala mo hardin ang kusina namin kung makadapo sa pader. Ibinaba ko agad ang mga pinamalengke ko at humagilap ng dyaryo. Nirolyo ko ito sabay hinabol ko ng hampas yung kuracha.

"Ump! Yan ang bagay sayong ipis ka!" sigaw ko habang hinahambol ng hampas ang ipis. Hindi ko 'yun tinigilan hangga't hindi nagki-kikisay ang ipis sa sahig.

"Ayan wala na," baling ko kay Raya with matching ihip effect sa hawak kong dyaro.

Para namang nakahinga nang maluwag si Raya. Sa puntong iyon ay biglang dating naman ni mommy na galing sa aerobics.

"Raya anak! Ayos ka lang ba? Nasan ang rapist?!" nagaalalang tanong ni mommy sabay niyakap si Raya.

"Walang rapist," ako na ang sumagot. "ipis ho, hindi rapist."

Nakita kong nakahinga ng maluwag si mommy. "Akala ko rapist na."

"Asa namang may mang-rape sa anak mo," I murmured. Nakita kong kumunot ang noo ni mommy kaya binawi ko agad ang sinabi ko. "Ah eh ang ibig ko pong sabihin pinatay ko na yung ipis."

"Panong hindi tayong iipisin sa kusina tambak pa ang mga hugasan kagabi!"

Pare-pareho kaming napatingin sa may lababo sa sinabing iyon ni Raya. Nandun pa nga ang pinagkainan nila kagabi. Naku yari.

Napatakip ako sa tenga. Alam ko kasing sesermunan na naman ako ni mommy in three.. two.. one..

"KRISHNA! BAKIT HINDI KA NA NAMAN NAGHUGAS NG PINAGKAINAN? WAG MONG SABIHING NAGTINDA KA NA NAMAN NG MANI KAGABI?! SABI KO NAMAN SAYO TIGIL-TIGILAN MO NA ANG PAGBEBENTA NG MANI MO, BUTI SANA KUNG IBINIBIGAY MO SA'KIN ANG PINAGBEBENTAHAN MO! PERO HINDE! NAKAKAISTORBO LANG YANG PAGBEBENTA MO DITO SA MGA GAWAING BAHAY! ASDMGLIBWTHCVROFL.."

Lagi na lang. Lagi niya na lang pinagdidiskitahan ang pagtitinda ko ng peanut tuwing gabi. Palibhasa kasi nagbebenta rin siya ng peanut noon, kaya lang hindi yata masarap ang peanut niya kaya nalugi ang negosyo niya. Inggit siguro siya sa'kin dahil mabenta ang peanut ko. Masarap kasi ang peanut ko. Maalat-alat pero matamis. Hindi sa pagmamayabang pero mabenta talaga ang peanut ko pag gabi. Sulit ang pagod sa paglalako. At in fairness, malaki kinikita ko sa pagbebenta ng peanut. Konti na lang makakapagaral na ulit ako.

Habang nagtata-talak si mommy ay sinimulan ko nang maghugas ng pinggan. Somehow tama rin naman siya na hindi ko na nga nagagawa sa oras ang mga gawaing bahay dahil sa pagbebenta ng peanut pag gabi. Pero pagkagising ko naman naghuhugas naman agad ako ng pinagkainan, nagkataon lang na maaga nila akong inutusan mamalengke ngayon araw kaya hindi ko pa nahuhugasan ang mga 'to. Saka pinagkainan naman nila ang mga 'to eh, kaya kung tutuusin sila na dapat ang naghuhugas ng mga 'to. Hindi na nga ako nagrereklamo na hindi nila ako pinaghahapunan, pero sana naman wag na nilang pakialaman ang pagbebenta ko ng peanut.

Nagluto na agad ako ng agahan pagtapos maghugas ng pinggan. Good for 5 persons ang niluto ko ngayon, ang sabi kasi nila may darating daw ngayon na bisita.

"Wow! Ang bango naman!"

Boses iyon ni Yara, dumating na siguro mula sa pag-e-exercise (na useless rin naman kasi hindi naman marunong magdyeta). Pagtingin ko sa may lamesa ay halos maubos na yata ang amoy ng mga nakahain sa kasisinghot doon ni Yara.

"Tigilan mo nga yan, para kang baboy," sita ni Raya sa kapatid at umupo na sa hapagkainan.

"Mommy oh! Si Kuya sabi para daw akong baboy!" sumbong ni Yara.

"Mommy oh! Si Yara tinawag akong kuya!" sumbong naman ni Raya.

Nakakunot ang noo ni mommy na pumasok sa kusina. "Pwede ba umayos nga kayong dalawa? May dadating tayong bisita ngayon. Yara, wag mong tatawaging kuya ang kapatid mo. At Raya, wag mong tatawiging baboy ang kapatid mo."

"Yes mommy.." sabay na sagot ng dalawa.

"Krishna, magtago ka muna sa silid mo pagdating ng bisita," baling naman sa'kin ni mommy. "Wag na wag kang lalabas. Maliwanag?"

"Pero---"

Bago pa 'ko nakapagtanong kung bakit ay narinig na namin ang doorbell. Nagkatinginan kaming apat. Tapos ay mabilis akong itinulak ni mommy papunta sa kwarto ko habang ang magkapatid naman ang lumabas para papasukin ang bisita.

"Tandaan mo. Wag kang lalabas dyan hangga't hindi ko sinasabi," bilin ni mommy at isinarado niya na ang pinto ng kwarto ko.

Nang marinig ko ang papalayong yabag ni mommy ay binuksan ko ng kaunti ang pintuan ng aking silid, sapat na para silipin kung anong kaganapan sa kusina. Isang lalake ang bisita nina mommy. Nakasuot ito ng uniporme ng palasyo at may dala-dalang sulat.

Kinuha ni mommy ang sulat. Kitang kita ko mula rito sa maliit na awang ng pintuan ang galak sa mukha ni mommy habang binabasa ang sulat. Para siyang highschool student na nakatanggap ng loveletter. Nang makiusyoso naman sa sulat ang dalawang magkapatid ay nagkiki-kisay rin sila pareho sa kilig. Ano kayang meron?

Matapos ay nakita kong pilit pinapaupo ni mommy ang mensahero para saluhan sila sa agahan. Mahaba-habang pilitan ang nangyari pero sa huli ay si mommy pa rin ang nagwagi. Nang matapos silang kumain ay sama-sama silang lumabas para ihatid sa may gate si kuyang messenger. Doon na 'ko lumabas ng kwarto. Nakita ko sa may mesa ang naiwang sulat. Confirmed, galing nga sa palasyo ang sulat. Meron itong selyo ng Ishvara Palace.

And curiousity killed the cat, kinuha ko ang sulat at excited itong binasa.

You are cordially invited to Prince Sven's Masquerade Ball.

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now