Equinox #3

1.3K 59 6
                                    

#3

Talagang pwede nang sabitan ng kawali ang nguso ko sa sobrang haba. Bukod sa paasa si lola na isa siyang fairy godmother, eh napakalayo naman pala ng bahay niya!

"Noknok malayo pa ba?" pang-27 na tanong ko. Si Noknok lang kasi ang nakakaalam kung saan ang lugar na sinabi ni lola. At oo, binilang ko talaga kung nakaka-ilang tanong na 'ko kay Noknok.

"Malapit na tayo," walang lingon naman niyang sagot. Shems! Praise the Lord! Malapit na kami.

Maya-maya pa ay tumigil na kami sa harap ng isang napakalaking gate. Halatang magara ang lugar, turn off lang dahil sobrang daming nagkalat na posters ng mga kandidato.

"Lola Luz nandito na po tayo sa Vijandre Homes," sabi ni Noknok na obvious na obvious naman dahil ang laki-laki ng nakasulat dun sa gate na VIJANDRE HOMES. Nalaman din nga pala namin kanina na Luzviminda ang pangalan ni lola, pero sabi niya, her amigas call her Luz daw. Sosyalin may nickname!

"O pano ba yan la, mukhang hanggang dito na lang kami, mukhang strikto kasi dito at hindi kami papapasukin sa loob." ang tinutukoy ni Noknok ay ang sekyu sa may gate na kanina pa kami tinitignan ng masama. Hmp. Sabihin niyo, itong mukhang 'to gagawa masama?

Nagpasalamat ulit sa'min si lola at pareho kaming hinalikan ni Noknok sa pisngi. Matapos no'n ay tumalikod na kami at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na 'ko nagtangkang lumingon pa para panoorin ang pagpasok ni lola sa gate. Wala lang. Clichè kasi 'yun.

Pero hindi pa kami nakakalayo ay bigla naman akong nakaapak ng tae ng aso. Pupu ng ina mo! Bwiset!

As usual tawa ng tawa si Noknok. Sa sobrang badtrip hinubad ko 'yung tsinelas kong may jebs tapos umamba akong ibabato iyon kay Noknok. Ayun dun lang tumigil sa pagtawa ang loko.

Pero shems pa rin! Kadiri talaga 'tong tsinelas ko, ang baho pa!

"O pamunas," may iniabot sa'kin si Noknok. Poster ng kandito. Ayos. Siguro kung makakapagaral 'tong si mokong matalino siguro 'to.

Akmang ipupunas ko na 'yung poster sa tsinelas ko nang may mapansin ako. Hindi naman 'to poster ng kandidato eh! Nananawagan!

Tinititigan kong mabuti ang babae sa poster. In fairness, maganda 'yung babae. Parang ka-edad namin ni Noknok. Pagtingin ko sa pangalan, Missing: LUZVIMINDA VIJANDRE. Ang makakahanap sa babaeng ito ay makakatanggap ng three wishes. Honest 'to, Promise!

"PUTANG 'NA! HABULIN NATIN SI LOLA!"

***

Sobrang cute ng bahay ni Lola Luz. Bakit kamo cute? Ang mansion nila ay parang katulad sa mga doll house. May cute na swimming pool, cute na garden, cute na furnitures, cute na mga maids, basta lahat pang doll house! Pagpasok ko sa napakalaking gate pakiramdam ko ay isa akong manika na may naglalaro sa akin at ipapasok ako sa loob ng cute na bahay-bahayang ito. Syempre feel na feel ko, cute din ako eh.

"So kayo pala ang tumulong sa aking asawa para makabalik dito," anang matandang lalake, sige Mr. Vijandre na lang for short. Nakaupo kami ngayon sa may couch ng kanilang napakalaking sala.

"Dolfo, binigyan din nila ako ng tinapay," dagdag pa ni lola na kasalukuyang ka-holding hands na ni Mr. Vijandre. "Masarap yung tinapay. Nalalasahan ko pa rin hanggang ngayon."

"Talaga?" biglang kinabig ni Mr. Vijandre si lola at hinalikan. Torrid men! Napanganga na nga lang kami ni Noknok mula sa kinauupuan namin.

Mga limang minuto rin bago sila nagbitaw. Tagal 'no? At hindi ko 'yan sinasadyang orasan. Masyado lang kasing malaki 'yung pendulum nila rito sa sala kaya alam ko kung g'ano katagal.

"Masarap nga..yung biskwit," shems ang nasty ng pagkakasabi ni Mr. Vijandre! "at may asim ka pa talaga. May nalasahan kasi akong maasim."

"Ikaw ba naman ang hindi mag-toothbrush ng 50 years ewan ko na lang kung hindi mangasim yung bibig mo," sagot naman ni lola tapos nagtawanan silang dalawa. Uhh..dapat din ba kaming tumawa?

"Uhm..excuse me lang po," singit ni Noknok. "ang ibig sabihin po ba nun ay 50years nang nawawala si lola?"

"Ganun na nga," sagot ni Mr. Vijandre. Niyakag niya si lola at pareho silang umupo sa harapan namin. "Limampung taon na ang nakakalipas nang mawala ang aking asawa. Kaya nga dalaga pa siya dun sa picture sa poster. Pansin niyo?"

Napa-"ahh" na lang kami ni Noknok sa sinabi ni Mr. Vijandre. Jusmiyo! 50years?! Hindi ko kayang hindi mag-toothbrush ng gano'n katagal!

"Ah mawalang galang na po, pero totoo po ba yung nakasulat sa poster na makakatanggap ng three wishes ang sino mang makakapagdala rito kay Lola Luz?" nakatingin lang ako kay Noknok habang tinatanong niya 'yon. At pramis, may nakikita talaga akong red na sports car sa mga mata niya! Kumikislap men!

"Three wishes? Oo naman. Ano bang mga wishes niyo?" tanong ni Mr. Vijandre.

Nagkatinginan kami ni Noknok, tapos tumayo kami at nagsisigaw sa tuwa na parang mga tanga! Grabe! Dizizit pancit!

Nagta-tatalon pa rin si Noknok. "Gusto ko po ng sports car, yung red!" sigaw niya.

"Ako po gusto ko ng..ng..uhm..gusto ko ng.." napatigil ako sa pagtalon. Holy mother of cheese!

Hindi ko pala kayang sabihin..

"Sige lang. Take your time hija," sabi naman ni Mr. Vijandre. "wala namang expiration date yung three wishes."

Umupo muna ulit kami ni Noknok calming down ourselves. Mukhang kumalma naman na ang katabi ko. Kaso ako 'yung hindi mapakali.

Actually I already had this one wish in my entire life. Hindi ko lang akalain na mahirap pala.. Mahirap palang humiling kung alam mong malaki ang tsansang hindi iyon matupad. At ayokong masaktan. Ayoko..

"Teka," napatingin ako nang magsalita si lola. "kung tig-isa kayo ng hiling, pano yung natitirang isa? Paano nila yun hahatiin?"

"I think it would be better if both of you will have the same wish for the remaining one," sabi naman ni Mr. Vijandre. "Meron ba kayong isang bagay na pareho niyong gustong makuha?"

This. Alam kong hindi ako mahihirapan dito. Nagkatinginan na naman kami Noknok at alam ko, nababasa ko sa mga mata niya na pareho kami ng naiisip.

"Gusto po naming mag-aral!"

Midnight FairytaleΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα