Equinox #10

1.1K 45 0
                                    

#10

Tahimik na pinagmamasdan ni Inspector Neru ang dalawang itim na balahibo sa kanyang harapan. Ito ang mga balahibong tanging ebidensyang naiwan upang matukoy nila kung sino ang lalakeng nakaputi na sangkot sa dalawang magkasunod na nakawan sa siyudad.

'Mahuhuli't mahuhuli rin kita,' sa isip-isip ng inspector.

Nakarinig ng mahinang katok si Inspector Neru mula sa pinto ng kanyang maliit na opisina. Pumasok dito ang isa sa mga kasamahan sa pag-iimbestiga ng hawak niyang kaso.

"Meron kaming nakuha," anito. May inalabas itong CD.

Isinalang nila ang CD sa player. Ang nilalaman ng CD ay ang recorded CCTV footage ng simbahan noong araw na maganap ang nakawan.

Sa loob ng kwarto ng kura paroko ay naroon ang maliit na krusipiho na nakasabit sa pader. Biglang may dumating na isang lalakeng nakaputi at kinuha ang krusipiho. Kitang kita sa video na may kung anong pilit na kinukuha sa krusipiho ang magnanakaw. Sa puntong may dumating na isang madre at nagsisigaw nang makita ang nakaputing nilalang. Mabilis na tumalima ang magnanakaw. Dali-dali itong tumalon sa bintana bitbit ang maliit na krusipiho.

"Nakakapagtakang hindi niya sinaktan ang madre," aniya. "Kung tutuusin ay maaari niya iyong saktan saka ituloy ang kung ano mang kinukuha sa krusipiho. Maaaring napakahalaga no'n sa kanya kaya pinili niya na lang dalhin ang buong krusipiho sa pagtakas."

"Nakamamangha rin ang bilis ng kanyang kilos," dagdag pa ng kasama nito. "Parang hindi tao.."

Natigilan si Inspector Neru. Tunay ngang napakabilis kumilos ng magnanakaw na iyon. Maaari nga kayang hindi ito tao?

Imposible..

Muli siyang napatingin sa kanyang hawak. Dalawang itim na balahibo. Napag-alaman nilang ang balahibong iyon ay tulad ng sa ravena.

"Alam ko na kung anong itatawag natin sa kanya.."

***

Halos mapanganga ako sa nabasa ko sa table ni Ms.Elizalde. Vampire University?!

"Ang ibig sabihin ng V.U. ay Vampire University at hindi Vijandre University?!"

Ngumiti lang si Ms.Elizade. "Yes Ms.Krishna. Ito ay eksklusibong pamantasan ng mga bampira."

"I-Ibig sabihin.."

"..Yes. We're vampires."

Hindi ako nakaimik. Okaay. Breathe Krishna. Inhale. Exhale. Calm down. Panaginip lang 'to. Imposible namang magkaron talaga ng vampire university. Siguro may tv show lang na gusto akong i-prank. Oo tama! Prank lang 'to lahat!

Tumayo na 'ko sa upuan at nagpaalam. "Sorry miss. Mukhang nagkamali 'ata ako ng university na napuntahan."

Tatalikod na sana ako nang biglang may sinabi si Ms.Elizalde. "You think this is just a prank huh?"

I froze. No way! Nabasa ba niya ang iniisip ko?

"You know what?" panimula ko. "Wala akong panahon sa mga kalokohan niyo. Vampire University?! Is this some kind of a joke? Ano 'to online story? What the hell! Wag ako please?"

Tuluyan na 'kong tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Akmang bubuksan ko na ito nang sakto namang biglang may kumatok.

"I think he's here." narinig kong sabi ni Ms.Elizalde. Na-curious ako kung sino mang tao sa likod ng pinto kaya binuksan ko na. I'm going out anyway.

Pagbukas ko ay dalawang nakaitim na lalake na parehong naka-shades ang bumungad sa'kin. Err..Men in black? Ano na naman ba 'to?

Tapos biglang humawi 'yung dalawang lalake. At hindi ko inaasahan kung sino ang nasa likuran nila.

"Welcome to our university, Prince Sven."

Nakatulala lang ako habang pinapanood na nakikipagkamay si Ms.Elizalde sa kamahalan. Bakit nandito ang prinsipe? Don't tell me---

"---Yes. He's a vampire." pagpapatuloy ni Ms.Elizalde sa iniisip ko. I gaped at her and she just smiled.

So, iyon lang 'yun? Pagkatapos niyang aminin na bampira ang prinsipe ngingitian niya lang ako? Gahd! Mababaliw na yata ako dito! Uso mag-explain!

Nanigas naman ako lalo nang mapatingin sa'kin ang prinsipe. Shit! Natatandaan niya kaya ako?

"Both of you, have a seat." sabi ni Ms.Elizalde habang pabalik sa table niya. Inalis ng prinsipe ang tingin niya sa'kin at sumunod na siya kay Ms.Elizalde. So..hindi niya ko natatandaan?

Medyo disappointed na sumunod na lang ako sa kanila at bumalik doon sa inupuan ko kanina. Akala ko maaalala ako ni Prince Sven..

Katapat ko ngayon ang kamahalan. Oo alam ko.. Sabi ko kanina aalis na 'ko dahil wala akong oras sa mga ganitong klaseng prank, pero ang idamay nila ang prinsipe? Malakihang prank ito! Kaya siguro nagkunwari ang prinsipe na hindi pa niya 'ko na-meet dati dahil masisira ang script nila. Hingang malalim Krishna. Tumingin-tingin ako sa paligid para humanap ng hidden camera. Meron sa taas, sa may sulok nitong office. Sabi na eh! Ano kayang channel 'to? Shemss sisikat na 'ko dahil nakasama ko ang prinsipe sa isang prank!

Pagtingin ko kay Ms.Elizalde ay nakakunot na ang noo niya. "Ms.Krishna, I'm sorry to tell you but this meeting is not some kind of a prank. Believe it or not, we're true vampires. And this is a vampire university. Sa totoo lang I'm quiet amused na hindi ka natakot noong ipagtapat kong vampire university ito."

Medyo na-tense naman ako sa sinabi ni Ms.Elizalde, hindi dahil sa sinabi niya na namang bampira sila kundi dahil parang nababasa niya talaga ang iniisip ko. Err..kung gaano kaganda ang directress nila ganon naman ka-creepy.

"Oh, so you think I'm creepy huh?" sabi ni Ms.Elizalde.

Doon na 'ko napatayo. Holy fuck! Nababasa niya talaga ang iniisip ko! May sa-demonyo talaga sila!

Umatras ako ng lakad at naglabas ng rosaryo mula sa bulsa ng jeans ko. "W-Wag kayong lalapit! S-Subukan niyo.."

Tumayo si Ms.Elizalde pero nagulat ako nang pinigilan siya ng prinsipe.

"Let me handle this," rinig kong sabi ng prinsipe sa kanya. Pagkasabi no'n ng kamahalan ay biglang humaba ang mga pangil niya!

Nanlaki ang mga mata ko. Hala totoo nga!

Unti-unting lumapit ang prinsipe sa'kin. Naririnig kong pinipigilan siya ni Ms.Elizalde pero hindi siya nagpatinag. Nanginginig ang mga kamay kong may hawak na rosaryo. Kada hakbang niya ay siya namang atras ko hanggang sa mapasandal na 'ko sa pader. Shit.Inilagay ng prinsipe ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko. Nanlilisik na nakatingin sa'kin ang kulay abo niyang mga mata. Sobrang lapit na ng mga mukha namin na kahit gusto ko na siyang pagnasaan ay hindi ko magawa dahil nababalot na ng takot ang buong sistema ko.

"Sabi nga, to see is to believe." bulong niya sa'kin.

And everything went black.

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now