Solstice #10

697 32 1
                                    

Solstice #10

-KRISHNA-

"Tumabi ka na dito."

Napalunok ako. Nalintikan na. Mukhang gagawin na talaga namin.

I should have known this. Kanina, pinamper ako ng Inang Reyna. As in lahat. Full body massage, facial, hair and make-up, shopping at kung ano-ano pa. Para pala 'yun sa paghahanda ngayon. At kaya pala ganun na lang ang ngiti niya nung sinabi niyang umuulan na ng nyebe. Argh! Bakit ba hindi ko agad naisip 'yun?

Para akong tuod na lumapit sa kama. Nakatitig naman siya sa'kin. Ohmygahd. Eto na nga talaga 'yun. Tumigil ako sa tapat ng kama. Shems. Talaga bang eto na talaga 'yon? Pero bata pa 'ko. I just turned eighteen nung kasal ko. Pero..asawa ko na siya. At gagawin at gagawin naman talaga namin 'to.

"Tatayo ka lang ba d'yan? Di ba sabi mo antok ka na?"

"Ah.. T-Teka wait.." nauutal kong sabi habang nagtatanggal ng sandals. Shit ang lamig ng sahig! Pinlano talaga 'to ng mga elders.

"Dami pa kasing arte," rinig kong side comment ni Raven.

"Sa ayaw kitang katabi eh, bakit ba!" asik ko naman. 'Ba!

"Bakit, sa tingin mo ba gusto rin kitang katabi?" Natigilan ako sa sinabi niyang 'yon. Woah. That was very unRaven. Excited 'yun sa honeymoon namin eh! Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Holy fuck.. Sana mali ako ng iniisip.

Wala na 'kong nagawa kundi ang mahiga sa kama katabi niya. Darn, this is really awkward. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Tensyon nga ba? O pananabik? Ewan.. Hindi ko alam. Tahimik dito sa apat na sulok ng kwarto, pero 'yung puso ko, pakiramdam ko naririnig ng katabi ko sa lakas ng kabog nito.

"Krishna.. Mahal mo na ba 'ko?"

Okay. Inhale. Exhale. Very good Krishna.

Loading..

WHAT THE?! ANONG KLASENG TANONG 'YUN?!

Napalunok ako nang maramdaman kong tumagilid siya paharap sa'kin. He's waiting for my answer. Fucketty fuck.

"Ahh..Uhmm.." shit wala talaga akong maisagot. Una, hindi ko kasi alam kung anong isasagot. Pangalawa..kasi baka hindi siya si...UGH! Bakit ba kasi ang dilim dilim sa kwartong 'to, di ko tuloy makita ang kulay ng mata niya.

"Silence means yes," mahina niyang sabi.

"N-No! I mean..uhmm..Hindi naman sa h-hindi. But it's not yet a yes okay? Sheez! Di ba napagusapan na natin 'to Raven?" ARGH! Stammermouth! Could this get even worse?! Napa-facepalm na lang ako then suddenly I heard him chuckled. Wait. He did chuckled! Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Di ba nga dapat naiinis siya kasi ganun lang ang sagot ko?

"Can I kiss you?"

Ayun. Dun na talaga 'ko nanigas sa tinanong niya.

Bakit?

Dahil ang Raven na kilala ko ay isang dakilang KISS.STEALER.

Naramdaman kong lumapit pa siya sa'kin. Oh bloody hell. I can feel his warm breath on my nape. "So...silence means yes?" he whispered in my ear.

Magsalita ka Krishna! Tumutol ka!

But it's too late. Before I knew it, his lips are already in mine.

Smack lang 'yon but I almost gaped at him. Siya naman nakangisi lang. Oh God! That smirk. I knew it, he's Sven!

"Nasan si Raven!?" pagwawala ko.

"I don't know. Kahit ako hindi ko siya mahagilap sa utak ko," sagot naman niya. My heart skipped a beat nung makumpirma kong hindi nga siya ang asawa ko. Nawala ang antok ko. Shit ba't ganito?

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now