Equinox #24

1K 34 1
                                    

#24

Isang tauhan ni Inspector Neru ang nagmamadaling pumasok ng kanyang opisina.

"Inspector, meron kaming nakalap.."

Nakuha naman agad ng tauhan ang atensyon ng inspector. Pinaupo niya ito sa kanyang tapat at hinayaang isiwalat ang nakalap.

"Holy grail ba kamo?" tanong ni Inspector Neru.

"Ganun na nga po.. Ayon sa alamat, magkakaroon ng tsansang matupad ang kahilingan ng isang questor kung sakaling mabuo nito ang holy grail," saad ng tauhan. "Ang nasabing holy grail ay di umano'y mabubuo kapag nakumpleto ang labindalawang piling mga dyamante."

Sa kasalukuyan ay mayroon nang anim na artifacts na nanakaw ang Black Raven. Apat sa mga ito ay na-recover din naman nila ngunit wala na ang dyamanteng nakadisenyo sa mga ito. Sandaling binasa ng inspector ang papel na niresearch ng kanyang tauhan. Panay ang kanyang pag-iling na tila natatawa na lang sa mga nabasa. "Hindi ko akalain na naniniwala ang Black Raven sa mga ganitong klaseng alamat.."

"Pero hindi pa po iyan ang nais naming idulog. May isa pa kaming impormasyon na nakalap," wika ng tauhan. Minuwestra nitong basahin ng inspector ang ibabang bahagi ng papel. Naningkit naman ang mata ni Inspector Neru pagkabasa ng huling talata.

"Kahit nga po ako ay hindi makapaniwala na may mababasa ako tungkol sa mga bampira," wikang muli ng tauhan. "Sinasabing nabuo ng isang nagngangalang Brahma ang holy grail at hiniling niyang magkaron ng buhay na walang hanggan. Ang sabi raw ay naging bampira 'yung Brahma matapos nitong humiling. Sinubukan kong magresearch pa ng impormasyon tungkol sa Brahma na 'yon ngunit isang file lang ang nakita ko. Sa kasamaang palad ay hindi ito ma-access. Ang nakakaintriga pa rito ay nang tinignan ko ang source ay nalaman kong gobyerno ng Sudura ang nagmamay-ari ng file.."

Nagkatinginan ang inspector at ang tauhan sa huling katagang sinabi nito. Sa tingin niya'y pareho sila ng iniisip ng kanyang tauhan.

May itinatago ang gobyerno sa mga tao..

Ibinaba ng inspector ang hawak na papel. Isang tusong ngiti ang naglaro sa kanyang mga labi.

"Ako mismo ang tutuklas kung totoo ba yang holy grail at mga bampirang yan.."

***

Halos matapilok na 'ko sa pagbaba ng hagdan. Tang igit talaga, mahuhuli nila 'ko!

"Ayun, dali habulin niyo!"

Nang makababa ako ng hagdan ay pumasok agad ako sa unang pintuang nakita ko. Pikit mata akong naghabol ng hininga. Naririnig ko pa ang mga yabag ng mga taga-jail booth sa labas ng pinto. Bwisit talaga, para-paraan para makapanghuli lang! I let out a sigh of relief nang marinig kong lumagpas sila. Mukhang wala silang ideya na pumasok ako rito.

Pero nang imulat ko ang mga mata ko ay nagulat ako sa tatlong pares ng mga matang nakatingin ng masama sa'kin. At pagtingin ko sa ginagawa nila...

Holy cow!

Matic na napatakip ako ng mata. Bakit naman sa lahat ng mapapasukan ko, sa men's restroom pa?!

"N-Naku, sorry po..." nauutal kong sabi. Eeeehk! Epic fail talaga! Dali-dali akong lumabas ng restroom, kaso paglabas ko naghihintay pala ang mga kumag na taga-jail booth!

"BITAWAN NIYO KO, ANO BA! WALA AKONG PAMBAYAD!" I protested when they started to drag me. ARGH! Bakit ba 'ko napasok sa gulong 'to eh hinahanap ko lang naman si Caleb. Itatanong ko lang naman sa kanya kung may alam ba siya sa tali na nakita ko kina Lola Luz kahapon, wala naman talaga akong balak umattend ng school fest na 'to! Sadyang si Caleb lang pakay ko!

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now