Equinox #23

1K 34 1
                                    

#23

Dugo..

Wala siyang ibang hangad kundi makainom ng dugo.

"Nauuhaw ka na di ba?"

Napatingin siya sa babaeng nasa labas ng rehas. Napakaamo ng mukha nito ngunit ang boses nito'y tila nagbabadya ng panganib tulad ng kulay abong mga mata nitong seryosong nakatingin sa kanya.

Lumapit sa kanya ang babae at may isinuot sa rehas na isang tungkod.

"Hanapin mo ang may ari ng tungkod na yan. Pag nahanap mo siya ngayong gabi, iyong iyo na siya." wika ng babae habang inaabot sa kanya ang tungkod. "Pero kapag hindi ka nagtagumpay, ako mismo ang papatay sayo."

Napangiti ang Pâgala. Sa wakas at makakainom na rin siya ng dugo.

Nagsuot ng gwantes ang babae at binuksan ang pilak na rehas. Ngiting ngiti ang Pâgala nang tuluyan na siyang makalabas ng kulungan.

Bago siya umalis ay may pahabol pang sinabi ang babae.

"Baka maabutan mong may kasama yung may ari ng tungkod. Iyo na rin ang kasama niya."

Mas lalong naglaway ang Pâgala. Pag sinuswerte ka nga naman..

***

Mula sa pagkakasandal niya sa pader ay tumindig na nang maayos ang kamahalan.

"H-Hinintay mo talaga akong makauwi ng lagay na yan?" I asked on my sarcastic tone.

Hindi sumagot si Prince Sven pero tinititigan niya ako sa mata na parang sinasabing 'oo, hinintay nga kita'.

Dapat ba 'kong kiligin d'on?

Wala anu-ano'y bigla akong niyakap ng prinsipe.

"K-Kamahalan.."

"Ang tagal mo kasing umuwi, akala ko napano ka na."

Oh my freaking gosh! Ano na naman bang nakain ng prinsipe?! Things were really going strange. Masyado na 'kong exhausted sa mga naganap. Ni hindi pa nga ako nakaka-get over doon sa bulaklak na halamaw eh. At matapos ng mga nangyari sa'kin ngayong araw ay wala na 'kong balak makipagbiruan pa sa kanya ngayon. Bukod pa ro'n ay nanghihina na talaga ang katawan ko dahil wala akong kinain buong araw. Pero aaminin ko, ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya. Para akong kinantahan ng isang anghel. Isama mo pa ang init ng mga bisig niyang nakayakap sa'kin. Para akong nananaginip. Bakit ba ito ginagawa ng crown prince sa'kin?

I almost gasped. Hindi kaya...

Naalala ko ang narinig kong usapan nila ni Jiah sa may hagdan. Sinabi ng crown prince na nagkakaroon siya ng missing hours. Anong ibig sabihin niya sa missing hours? Nawawalan na lang siya bigla ng oras, gano'n ba?

Ito ba 'yon ha? Ito bang oras na kasama ko siya ang tinutukoy niya?

Too early to conclude..

Naalala ko rin na sinabi ng kamahalan kanina kay Jiah na nagaalala siya dahil hindi niya maalala ang mga nangyayari sa missing hours niya. Pinapalayo niya ang babae sa kanya dahil baka mapano ito kapag kasama siya. Tapos nakita ko na lang silang magkayakap.

Magkayakap..

Itong ito rin iyon. Yakap yakap niya rin si Jiah tulad ng pagkakayakap niya sa'kin ngayon. 

Bigla kong itinulak si Prince Sven na nakayakap sa'kin. Halata namang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Nag-iwas ako ng tingin sa prinsipe. Nakita ko kasing parang nasaktan siya sa ginawa ko.

"Mukhang may ideya ka na sa nangyayari," mahina niyang wika.

Ideya? Eh wala nga akong maintindihan sa nangyayari! Kaya ko lang naman siya tinulak dahil naaalala kong gano'n din ang ginawa niya kay...Ugh. Nevermind. Pero dahil binanggit niya na rin lang...ibig sabihin may nangyayari nga? Ano?

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now