Equinox #21

1K 34 0
                                    

#21

"Kamusta na, Hainra?"

Sa kabila ng maamong mukha ng babae ay nakaguhit sa labi nito ang isang tusong ngiti.Nagdadalawang isip na umupo si Hainra katapat ng babae.

'Wala pa rin siyang pinagbago', sa isip isip ni Hainra. Gano'n pa rin kasi ang itsura ng babae noong huli silang magkita. Kulay abong mga mata. Manipis na labi't kilay, at buhok na maayos na nakabuknay.

Isang napaka-among mukha.

"Ano ang iyong kailangan?" tanong nito kay Hainra.

"Gusto ko lang malaman kung ano nang balita sa paghahanap niyo sa aking asawa," aniya.

Nawala ang ngiti sa labi ng kausap. "Wala.. Hindi pa namin siya nakikita."

Malungkot na napabuntong hininga na lamang si Hainra. Pitong taon na rin ang nakakalipas mula noong mawala na parang bula ang kanyang pangalawang asawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahahanap.

"Nakahanda kaming bigyan ka ng pinansyal na pangangailan at hanapin ang iyong asawa sa isang kundisyon." tanda niya pa ang sinabing iyon ng babaeng lumapit sa kanya, pitong taon na ang nakakaraan.

"Ano hong kundisyon? Pangako, gagawin ko lahat!" pagmamakaawa ni Hainra.

"Ang anak ni Gunther. Patayin mo ang anak niya," wika ng babae.

Natigilan si Hainra. Hindi niya kayang pumatay ng isang inosenteng bata lalo na't itinuring niya na rin itong parang tunay na anak. "H-Hindi ko po magagawa ang ganoong klaseng kundisyon.."

Batid ni Hainra na nadismaya ang babae sa kanyang tinuran. Saglit na nag-isip ang kausap.

"Kung gayon, dalhin mo na lang sa'kin ang bata. Ako mismo ang kikitil sa kanya kung hindi mo kaya."

Natigilan si Hainra. Mukhang desperada na talaga ang babaeng kaharap niya. Kailangan niyang tapatan ang pagiging tuso nito.

"Pangako. Papatayin ko ang bata oras na mahanap niyo ang aking asawa."

Ngumiti ang babae. "Magaling. Maayos ka rin palang kausap."

"Basta po ipangako niyong hahanapin niyo ang aking asawa."

"Mukhang mahihirapan kami, pero oo. Nangangako akong gagawin ko ang lahat upang mahanap ang asawa mo. Susuportahan ko rin ang pinansyal na pangangalaingan ng iyong pamilya. May nais lang akong mangyari."

Hindi sumagot si Hainra at hinintay ang susunod na sasabihin ng babae.

"Habang hinahanap namin ang iyong asawa, pahirapan mo ang anak ni Gunther. Gawin mong miserable ang buhay niya.."

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now