Equinox #27

972 43 5
                                    

#27

'Nasaan ako?'

His eyes wandered around the room. Nasaan nga ba siya? Bumangon siya at napahawak sa kanyang sentido. Pakiramdam niya'y lasing na lasing siya sa sobrang tulog.

"Gising ka na pala.." isang boses ang kanyang narinig. Nakakita siya ng batang babae na nakatayo sa may pinto ng silid. Lumapit ang bata sa kanya at umupo sa kama.

And the brat kid kissed him on his lips.

"Buti gising ka na..." wika ng bata nang bumitaw ito sa halik.

"S-Sino ka?!" sa wakas at nakuha niya ring magsalita.

Imbis na sumagot ay ngumiti pa ang bata. Hinaplos nito ang kanyang pisngi na tila ba nang-aakit. "Hindi mo na ba 'ko naaalala, Gunther?"

Ang ngiting iyon. Parang may isang parte ng kanyang puso ang nakakakilala sa ngiting 'yon.

Siya nga..

Agad niyakap ni Gunther ang bata. Mas lumapad ang ngiti ng babae at muli siyang hinalikan. Sa pagkakataong ito ay mas malalim na ang halik. Gaano katagal niya nga bang hindi nakita ang babaeng ito? Marami siyang gustong itanong kaya siya ang unang bumitaw sa halik.

"Sabihin mo, anong---" ipinatong ng bata ang hintuturo sa labi ni Gunther upang pigilan magsalita.

"May mas mahalaga akong tanong sayo." anang batang babae na ngayon ay napakaseryoso na ng mukha. "Nasaan ang anak natin?"

***

Matamang tinititigan ni Inspector Neru ang balahibong nakuha sa aking kamay. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala naman akong kasalanan di ba?

"Sabihin mo, ito ba ang unang pagkakataon na nakakuha ka ng ganitong klaseng balahibo?" tanong ni Inspector. Napalunok naman ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba?

He intently stared at me waiting for my answer. By the look on his face ay masasabi kong exhausted na talaga siya. Eh ikaw ba naman ang maghintay ng tatlong oras di ba? Hinintay pa kasi muna 'yung permission ng doktor bago pumayag si fairy grandfather na magpa-interview ako. Pero kung alam ko lang na ganito ka-tense ang interview sana kinontrata na lang namin iyong doktor na wag pumayag.

"Uhm.. Ano eh.. M-Meron na 'kong nakuhang ganyan. Every morning paggising ko may nakikita akong ganyan sa bintana ng kwarto ko.."

Walang pagbabago sa reaksyon ni Inspector Neru, same serious face, pero at least inalis niya na ang tingin sa'kin at nagsulat sa kanyang mini notebook.

"Hindi mo ba natatandaan kung sinong naglagay niyan sa kamay mo?" panibago niyang tanong.

Sasabihin ko ba ang nalalaman ko?

"Uhm.. Sabi nila," I glanced at Noknok who's sitting on a white couch across the hospital bed. "nakita raw akong walang malay na yakap ni Prince Sven na wala rin namang malay."

"Hmm.." napahawak si Inspector Neru sa kanyang baba. "Kung gano'n ay malaki ang posibilidad na kay Prince Sven galing ang balahibong ito. Tama ba?"

Nag-iwas ako ng tingin sa inspector. Bakit ba pakiramdam ko eh inuutakan niya 'ko kahit hindi naman? And what's this alien feeling na parang gusto kong pagtakpan si Prince Sven? Ugh..

"Ms. Aslan," he said, eyeing me. "aware ka ba na ang balahibong ito ay katulad ng balahibong iniiwan ni Black Raven sa ginagawa niyang krimen?"

This time ay tumayo na si Noknok. "Sir, sa tingin ko kailangan nang magpahinga ng pasyente."

"Hindi ikaw ang doktor para magsabi niyan," sagot ni inspector, giving Noknok a smug smile.

"Pero na-s-stress siya sa ginagawa mo!" asik ni Noknok ngunit hindi siya pinansin ni inspector.

Midnight FairytaleKde žijí příběhy. Začni objevovat