Solstice #3

794 32 1
                                    

All rites are based on Viva Sanskar --Hindu sacraments performed at during the wedding.

Solstice #3

-Sven-

"Saksi ang mga taong naririto, ay tinatanggap namin ang isa't isa nang bukal sa puso at walang halong pag-aalinlangan. Tulad ng ilog na dalisay na umaagos, ang pag-ibig namin ay patuloy na mananahan sa puso ng bawat isa. Walang katapusan. Walang iwanan. Hanggang sa kabilang buhay."

Bakit..

Ganun ba talaga dapat? Kailangan ba lahat ng tanong ay may sagot? Bakit? Pati ako nabibiktima na ng kagaguhan ko.

"Pero bakit nga ba?" tanong sa'kin ni Raven.

"Manahimik ka dyan.."

"Ang gulo kasi ng utak mo Sven. Overflowing thoughts. Hindi sinasadyang nasasagap ko ang ilan."

"Pwede mag-concentrate ka na lang sa kasal mo?"

"Paano ako makakapag-concentrate kung nadi-distract ako sa---"

With that ay hindi na talaga ako nakapagpigil. Daming reklamo. Nakakainis.

Nakita kong nabigla si Krishna nang makita niya ang itsura ng katipan. Ang kulay lilang mga mata ay naging pula. Pasalamat nga siya at hindi ko ginawang kulay abo ang mga mata ko. Lalo siguro siyang nag-freak out kung ganun.

"R-Raven, i-ikaw pa ba yan?" tanong sa'kin ni Krishna. Tumango na lang ako para wala nang maraming tanong. Sa maliit na parte ng utak ko ay alam kong nagwawala si Raven. Kasalanan niya rin 'yun. Mamaya ko na lang siguro siya palalabasin.

Bakit..

Kayo? Gusto niyo nga bang malaman kung bakit? Bakit? Bakit kailangan niyo pang malaman? Gaano kahalaga ang kasagutan?

Dahil ako na ulit ang may hawak ng katawang ito ay malaya na ulit akong makakapag-isip. Medyo mas madalas na kasing si Raven ang hinahayaan kong gumamit ng katawan ko nitong mga nakaraang araw para mapaghandaan niya ang kanyang kasal. Ang gago ko lang 'no? Mismong sa kasal pa niya ako nag-inarte. Di bale. Sandali lang naman 'to. Kailangan ko lang talagang huminga, at syempre, tignan ang sitwasyon.

Pinagmasdan ko ang katipan ni Raven. Maganda siya sa suot niyang puting gown na gawa sa seda. Batid kong may kakaibang nakita ang alter ko sa babaeng ito kaya niya ito minahal. Oo, mahal talaga ni Raven si Krishna. Ngunit lingid sa kaalaman ng alter ko, hindi biro ang pinasok niya. Hindi niya dapat minahal ang babaeng ito. Napagkagulo. Napakakumplikado. Ngunit ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan ko silang dalawang iligtas..

Pumayag ako sa kasalang ito hindi dahil suportado ko ang love story ng gagong alter ko, kundi dahil kailangan ko silang iligtas. Lalo na ang nasa harapan ko ngayon. Wala kaalam-alam ang babaeng 'to sa mga nangyayari, at mga mangyayari pa. Kung sa bagay, wala namang nakakaalam ng lahat. Wala, noon.. Minsan iniisip ko, sana hindi ko na lang nakita. Sana hindi ko na lang nalaman kung sinong tunay na kaaway. Pero wala eh. Nakita ko. Nalaman ko..nang hindi sinasadya.

"May problema ba, Raven?"

Umiling ako bilang tugon sa tanong ng Purohit, si Lolo Zelus. Bilang punong ministro, siya ang magkakasal kay Raven at Krishna.

Pinigilan kong magtagis ng mga bagang sa harap ni lolo. Shit. Relax, Sven. Huminga ako ng malalim upang malabanan ang bugso ng emosyon. Sinundan ko ito ng isang ngiti bilang iparating na ayos lang ang lahat.

Walang dapat makaalam na may nalalaman na 'ko...

***

"Di bale. Rak tayo mamaya. Black Horse para malakas ang sipa."

Nais nang sikuhin ng Lancer si Saber ngunit hindi niya itinuloy. Ayaw niya nang patulan ang pang-aasar nito. Itinuon niya na lang ang pansin sa naghihintay na si Krishna. May ginagawang ritwal ngayon si Raven sa loob ng mandap --isang altar, kung saan papainumin ang lalakeng ikakasal ng pinaghalo-halong gatas, pulot at asukal.

"Tss.. Daming eklat pag kinakasal ang bampira. Korni talaga ng monarkiya," narinig niyang komento ni Saber. "Dapat kapag naibalik na sa ating mga royal bloods ang karangalan at tayo na ang namamalakad ng monarkiya, wala nang ganyang ganyang ritwal, honeymoon agad!"

"Wag mo ngang mabanggit-banggit ang salitang royal blood dito. Baka may makarinig sayo," naiinis na saway rito ng Lancer.

Natatawang napailing naman si Saber. "Bad mood. Palibhasa heartbroken. Tsk."

"Mukhang may maganda kayong pinag-uusapan?"

Nagulat ang dalawang SangReal sa pagsulpot ni Clydar sa kanilang likuran. Si Clydar ay miyembro ng konseho at ang masasabing pinakamakapangyarihang Rayearth na nabubuhay sa kasalukuyan. Nagkatinginan ang Lancer at si Saber. Alam nilang ang angkan ng Rayearth ay tapat na naglilingkod sa monarkiya.

"Prince Caleb, hindi ba dapat kasama mo ngayon ang Queen Dowager?" tanong ng ministro.

"Ipagpaumahin niya po, Ginoong Clydar. Ngunit isa po ang aking ina sa punong abala ng kasalang ito," magalang na tugon ng prinsipe.

Napatango naman si Clydar sa narinig na sagot sabay baling naman kay Saber at kinilatis ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "At ikaw? Tanging kamag-anak at malalapit na kaibigan ng mga ikakasal lamang ang pinahihintulutang manood ng kasal."

"Kaibigan ko ho si Krishna.." sagot naman ni Saber na halatang nagpipigil ng inis.

"Nandito ka pala uncle." pare-parehong silang napatingin sa direksyon kung saan galing ang boses. "What brings you here? Nandun ang konseho di ba?"

"Wala naman Vera. Gusto ko lang siguraduhing walang manggugulo sa kasalang ito," ani Clydar sa pamangkin na sadyang diniinan ang salitang 'manggugulo'.

"Ano ka ba, uncle. Mga estudyante sila ng V.U.. I assure you they won't do anything stupid. Right guys?"

Ngumiti na lamang ang dalawa bilang tugon sa kanilang school directress. Mabuti na lamang talaga at dumating ito kung hindi ay baka hindi na nakapagtimpi si Saber.

"By the way guys, have you seen Krishna's friend? His name is Noknok.." bakas sa mukha ng school directress ang pag-aalala. "Bisita siya dito. Kanina ko pa siya pinapahanap kay Jiah. Ngayon pati si Jiah hindi ko na rin mahagilap.."

"Wag mo na 'yung pag-aksayahan ng panahon, Veqa. Baka nagliliwaliw lang 'yon dito sa palasyo," komento ni Clydar.

"Hindi pwede. May nakitang pangitain sa kanya si Jiah. M-May mangyayari.."

"Ah sige mam. Kilala namin 'yun si Noknok. Tutulong kami sa paghahanap," Caleb volunteered. Vera thanked them at kasabay ng uncle nito ay nagmadali na itong umalis para ituloy ang paghahanap. Batid ng Lancer na mula nang mamatay ang mag-asawang Vijandre ay ang mga Rayearth na ang tumatayong guardian ni Noknok. He never met Noknok before, pero madalas itong kinukwento ni Krishna sa kanya.

"Tss.. Bakit ka naman nag-volunteer hanapin 'yun?" nayayamot na tanong ni Saber.

"Wala ka bang naaamoy?" Saglit na natigilan si Saber sa tinuran ng Lancer. Bilang SangReal, mas higit na matalas ang pang-amoy nila kaysa isang pure blood. Batid ng Lancer na kanina pa rin naaamoy ni Saber ang tinutukoy niya at pareho lang nilang dalawa itong hindi pinapansin.

Nagkatinginan ang dalawa bilang kompirmasyon sa kanilang nalaman. Mabilis silang tumalima upang hanapin kung saan nagmumula ang amoy na iyon. Ang amoy ng dugo ng isang mortal..

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now