Chapter 56-5. Love-Nat Musketeers!

14.2K 282 60
                                    

LOVE-NAT

isang makulit na love story!

by: Elliedelights

56-5. Love-Nat Musketeers!

Dumating agad si Miguel Josef Uy Monteverde pagkakuha niya ng text message mula kay Max na kailangan na ng sundo ni Eleonor. It only took him fifteen minutes to get there. Kung hindi nga lang malakas ang ulan at hindi niya kailangan magdahan-dahan, dapat kanina pa talaga siya nandun. Syempre hindi siya napigilan ng bagyo. Katunayan, kanina pa si Sef sa bahay nila Ellie. Doon niya naisipang tumambay at mag-abang tutal malapit naman ang bahay ng dalaga kanila Max. 

Kanina pa siya nakikipag-kwentuhan kay Eddy tungkol sa mga sasakyan at si Em-Em naman eh panay ang kuwento sa kanya tungkol sa bisita nila kagabi na matalik na kaibigan daw ni Ellie na si Pepita. Natawa pa nga si Sef pagkabanggit ni Em ng pangalan.

“Naku, Kuya Sef! Nakakatawa lang ang pangalan nun pero sobrang ganda niya!” Manghang-manghang sabi ni Em-Em. “At ang galing pa niyang mag-luto! Pero ‘wag mong pagpapalit Ate ko dun pag sakaling nakilala mo na si Ate Pepita!” Natawa lang si Sef sa bunsong kapatid ni Ellie.

“Takot ko lang sa Ate mo.” Sagot pa ng binata.

Ang mommy naman ni Ellie eh panay ang alok sa kanya ng makakain. Samantalang maagang nag-sarado ng talyer ang Papa ni Ellie at nakipag-kuwentuhan naman ito kay Sef kahit kaunti bago ito nanood ng TV. 

Nag-park si Sef sa harapan ng bahay nila Max. Nilabas niya ‘yung payong na pinahiram sa kanya ng Mommy ni Ellie at bumaba ng Pajero. Nabasa agad ang paa ni Sef lalo pa’t naka tsinelas lang ito, kahit ang braso niya ay hindi gaanong naprotektahan ng payong mula sa malakas na pag-anggi ng ulan.

Katunayan, hindi na niya kailangan kumatok o mag-doorbell dahil bukas na agad ang gate nila Max. Pumasok si Sef at sinubukang pagpagin ang tshirt niya para tuyuin ang sarili niya pero hindi na rin siya gaanong nakapag-concentrate sa ginagawa niya dahil agad niyang natanaw na si Ellie na naka-tayo sa may lilim nung garahe. 

For some reason, Sef was confused upon seeing Ellie. Isang tingin pa lang halatang basa ang girlfiend niya mula ulo hanggang paa  tapos namumula pa ang mga mata at patuloy ito sa pag-hikbi at pag-iyak. Pero isang bagay lang ang kinainis bigla ni Sef at yun ay ang mahigpit na pagkakahawak ni Eleonor sa damit ni Max.

Max was standing beside Ellie pero hindi maipinta ang itsura nito. Even though Max wasn’t crying, he still looked like he’s the one in so much pain. 

Sef doesn’t have a clue how to deal with this scene. Pakiramdam niya merong kumukurot sa dibdib niya lalo na sa ganitong itsura ni Ellie. Tumingin sa kanya ang girlfriend niya at kahit naiinis si Sef, nawala agad ang galit nito at napalitan ‘yun ng pagka-awa. Para bang nagsusumbong sa kanya ang girlfriend niya. Ellie looked at him like she’s pleading him, like she’s begging him for help. Even without words, Sef knew what her tears were telling him — ‘Sef, ‘wag mo paalisin ang best friend ko! Sef!’

Kahit labag sa loob niya pero kung kaya lang talaga niya, Miguel Josef Uy Monteverde wouldn’t hesitate about making Max stay. He would have chained Max so he won’t be able to go, sabay pahabol na rin ng isang malakas na suntok dahil sa pagpapaiyak ng ganyan kay Ellie. Kung ‘yun lang ang makakapag-patahan sa girlfriend niya. He’s willing to do it. Hindi siya sanay na makitang ganyan ang isang Eleonor. He hates to see her like this.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum