Chapter 55-1. Fifty Shades of Pepita!

29K 313 100
                                    

AUTHOR'S NOTES: Sorry po sa matagal na update. Haha. :) Pero ito naman sobrang haba ng kinalabasan. Haha. Namiss ko ang mga friends ni Ellie eh, so maraming kulitan at harutan sa chapter na ito. :) Anyhow, I just want to make a shout out to the accountancy students of Saint Mary's University, Bayombong, Nueva Vizcaya. Thank you for reading Love-Nat. Power hugs y'all. :*

Love-Nat: isang makulit na lovestory!
by: Elliedelights

---------------------------------------------------
Chapter 55-1. Fifty Shades of Pepita!
---------------------------------------------------

May mga ilang eksena sa buhay ng tao na hindi na kailangang pang idaan sa salita. Yun bang nagkakaintindihan na agad kahit wala ng masinsinang paguusap. Tulad na lang nung dalawang tao na takot umamin sa mga nararamdaman nila... para bang gets na nila ang iniisip ng isa't isa at hindi na kailangan pang pag-usapan pa.

Tipong hindi na kailangang magbigay ng dahilan ni Miguel Josef Uy Monteverde sa tuwing darating siya sa MUP para sunduin si Ellie. He doesn't need to explain himself whenever he would reach out his hand just to hold hers – kahit na parang matutunaw lagi ang dalaga sa tuwing ginagawa niya yun. Hindi na din kailangan magpaalam ni Sef sa mga magulang ni Ellie sa tuwing yayain niya ang dalagang kumain ng dinner sa labas. Hindi na rin nagugulat ang mga kapatid ni Ellie na halos gabi-gabi ng nandoon sakanila si Sef, nakiki-gulo sakanila. Hindi na rin nag-tanong ang mga kaibigan ng dalaga kahit na wala silang sawa sa pang-aasar at pang-tutukso.

There was no need for reasons and excuses. Cupid knows, and that was enough.

Pero kahit ganun, wala pa rin namang gaanong nag-bago sa takbo ng relasyon nilang dalawa. Lagi nga silang magkasama pero aso't pusa pa rin kung mag-usap. At mukha ngang mas malala pa ngayon ang bangayan at kulitan at asaran nilang dalawa. Walang lambingan, WALA pa ring sabihan ng I love you or take care or good night. Walang tawagan ng beh, babes or honeypie or sweety pie o kahit ano pang may pie... Siguro nga, maraming WALA o kulang and clearly it wasn't the usual or typical relationship between two people... siguro nga mejo malabo pa din... pero yung totoo?

Masaya sila... at yun lang naman ang mahalaga, hindi ba?

***************

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Ngayon ko lang napatunayan, mas okay pala yung malabo, yung magulo, yung walang kasiguraduhan. Mas okay yung hindi mo masyadong pinagiisipan ang lahat ng bagay... na minsan, okay din pala yung hindi nagbabangayan yung puso't isip mo sa tuwing nakikita mo yung tao na siyang dahilan kung bakit laging nagha-hyperventilate yung puso mo. Oo, aaminin ko, medyo nakakapanibago... hindi kasi ako pamilyar sa katagang: Follow your heart. Tss. Tuwing naririnig ko yun, nababaduyan talaga ako eh. Haha. Nakshutang love life toh, nakaka-praning!!! AMP.

Teka! Naka ng toots Ellie!!! Akalain mo yun, may love life ka na ngayon?!?!?! CONGRATULATIONS!!! DAHIL DIYAN LET'S DO THE RUBADABANGO!!! Wahahahaha. TOINKS!!! Eh samantalang dati, hanggang PAGKAIN at JOHN LLOYD CRUZ lang ang laging tumatakbo jan sa isip mo!!!

Oo nga nuh!!! WWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAHHH!!! Teka nga lang... PAKI SAMPAL NGA AKO NGAYON?!?! Parang di kasi totoo ang lahat ng toh eh. Hahahaha.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon