Finale: Eroplanong Papel

8.3K 302 297
                                    

First Chapter posted on: July 10, 2010
Last Chapter written: January 10, 2017


Ikaw!

Oo.

Ikaw nga! 

Ikaw na nagbabasa nito!

SALAMAT.

Salamat sa pasensya mo sa loob ng anim na taon. 

Animales, 6 years in the making ang kwentong ito! Haha. Ibang klase 'no? :) 

It was indeed a long, exciting journey. I will miss writing this. For sure.

At salamat sa'yo dahil naging parte ng buhay mo itong nobela ko... lalo na 'yung mga panahong inuumaga ka sa kakabasa lang ng Love-Nat, 'yung mga oras na inuuna mo pa mag-basa nito kesa sa homework o feasib mo, isama na rin natin 'yung mga special moments mo na damang-dama mo 'yung pagbabasa habang pumo-potchi ('wag mo na i-deny! Haha). 'Yung tipong naka-graduate ka na ng highschool at college pero nagaabang ka pa rin ng update, 'yung kahit nasa trabaho ka na lagi ka pa ring nakakahanap ng panahong mag-basa. 

Salamat sa'yo lalo na nung mga sandaling nasa jeep o fx ka at pinipigil-pigil mo pa 'yung mga tawa't kilig mo. 'Yung pati anakshuta at animales ni Ellie eh nakuha mo na rin.

Kaya ikaw! Oo, ikaw nga!

Maraming-maraming salamat sayo! Pakiramdam ko kasi hindi sapat 'yung isang beses na pasasalamat. Hindi naman talaga kasi ito hahaba ng ganito kung hindi dahil sa suporta mo.  

Kaya ito... dito na nagwawakas ang kwento natin.

I know this might sound selfish... but I have to admit... I wrote this final chapter for myself. Sana maintindihan mo. 

Muli... salamat dahil sinamahan mo ko sa mahabang paglalakbay na 'to.

This is it.

Hanggang sa muli, kaibigan.

♡♡ Elliedelights

[[ SOUNDTRACK # 1: Sleep Tonight by December Avenue ]]

[[ SOUNDTRACK # 2: Time to go by December Avenue ]]

.

..

...

Love-Nat, isang makulit na love story!
By: Elliedelights


Good morning, Ellie.

Something echoed in the stillness of my room.

Animales.

Umaga nanaman...

Dahan-dahan kong binuksan 'yung mga mata ko. Ang bigat-bigat nila... parang ayaw magpa-mulat. Dati... ito ang pinaka paborito kong parte ng araw ko... dati... excited ako sa tuwing gigising ako... dati...

-- Good morning, Ellie.

Sinarado ko ulit nang mahigpit na mahigpit ang mga mata ko. Pinilit kong labanan... pinilit kong 'wag isipin... pinilit kong isarado 'yung utak ko... pero malayang umagos na parang rumaragasang tubig 'yung mga ala-alang sinusubukan kong kalimutan.

Dinaig pa 'yung pelikula kung makapag-instant rewind sa utak ko 'yung mga umagang ngiti niya agad 'yung unang-unang babati sa'kin... 'yung mga umagang sisimulan naming dalawa nang harutan at tawanan... 'yung mga umagang hihiga lang din siya sa tabi ko at yayakap sa'kin... 'yung mga umagang bubulong siya ng "I love you, Ellie" sa pagaakalang natutulog pa ko.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon