Chapter 54-3. Seducing Mr. Perfect!

25.4K 229 51
                                    

She sneaks out in the middle of the night,

Tight dress with the top cut low
She’s addicted to the feeling of letting go.

She walks in and the room just lights up
But she don’t want anyone to know
That I’m the only one that gets to take her home

She’s not afraid of scary movies
She likes the way we kiss in the dark
But she’s so afraid of falling in love

Hindi dahil may mga prublema ka sa buhay, hindi ka na pwedeng mag-ENJOY!!! Hindi porket iniisip mong hindi na darating yung taong isang linggo mo ng gustong-gusto makita, hindi ka na pwedeng mag-paka saya!!! You shouldn’t be confining yourself from the wonders of life. Even though your life is all fvcked up, you still have every right to have FUN… at higit sa lahat… may karapatan ka pa ding MAG-SWIMMING!!!

WOOOHOOOO!!!” Eleonor Malicsi Dimaculangan excitedly dived in the pool – doon pa talaga sa pinaka malalim. Akala mo kung sino siyang EXPERT sa paglangoy pero ang higpit naman ng yakap niya sa suot-suot niyang dilaw na salbabida. Yung puting t-shirt niya na may tatak pa ng MUP ang suot-suot niyang pang-swimming, paired with a black jersey shorts na halos hanggang tuhod ang haba. Siya lang ata ang namumukod tanging may PINAGBABAWAL na attire!!! Haha. Ilang beses na siyang sinita nung lifeguard dahil meron daw rules & regulations yung resort at ang pagsuot ng proper swimming attires ang NUMBER ONE sa listahan.

Pero kailan ba nagpapigil ang isang ELLIE?!?!

Patuloy siya sa paglangoy. Hindi man marunong mag-swimming ang dalaga, mahilig naman yan magbabad sa tubig basta meron siyang salbabida!!! Haha. She happily swam around the pool, si Em-Em lang at ang pinsan niyang si Agnes ang kasama niya rito. Si AJ kanina pa nila hindi nakikita. Malamang, busy yun sa paghanap ng mga guys na naka-trunks.

Most of the people in the resort were spending the time at the beach. Yung mga girls na naka bikini at two-piece were tanning and busy placing lotion on their flawless skin. Tapos yung tatlo na lalaking kasama nila eh busy sa panonood ng basketball sa TV. May laban daw kasi ang Ginebra at San Miguel, kaya hindi nila pwedeng ma-miss yun. Pagtapos na lang daw sila susunod.

Yung tatlo na lalaking yun, namely – Mike, Romel at Stan. Mike is Agnes’ current boyfriend, kabarkada ng pinsan nila Ellie na si Kuya Romel at si Stan naman eh common friend nilang dalawa. Sila-sila lang ang magkakasama dito. Pano Mike was the one who made the offer, member kasi siya dito sa resort. They won’t be staying here though, uuwi din sila mamaya sa bahay ng Tito Dan nila Ellie, where the rest of the Malicsi family were staying. They just went here para mag-swimming at talaga namang sinusulit na ito ni Ellie!!!

“Ano kaya… mag-overnight na lang tayo dito?” Agnes started. She looked quite stunning in her blazing red bikinis. “I think we should enjoy this resort. Kulang ang isang araw.”

“Oo nga, Ate Agnes!” Em-Em chirped with uncontainable enthusiasm. “Gusto ko pa naman makita yung itsura nitong resort pag gabi!” Ang kapatid naman ni Ellie, naka-suot ng colorful na one-piece swimsuit which was very suitable for her young age.

“Sige.” Agnes grinned. “Tatanungin ko si Mike mamaya kung pwede.”

Walang paki alam si Ellie, basta relax lang siyang nagflo-float kasama ang dilaw niyang salbabida. Whether they stay or not, it doesn’t make any difference to her… tutal mukhang hindi naman talaga darating si —

EHHHH-LEEEE!!!” Her name suddenly echoed in the entire resort. Parang pati yung mga natutulog na seashells sa dagat nabulabog na sa lakas ng pagkakatawag sakanya ng mahadera niyang pinsan. Dios mio, sino pa nga ba eh di wala ng iba kung hindi si Juan Antonio Malicsi.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon