Chapter 51-1. Nasaan ka Ellie-sa?

32.1K 304 46
                                    

If love is a storybook,
We’ll meet on the very first page.

Trinoma
11:00 AM

Present day!

She stood by the escalator, sa may 4th floor ng Trinoma. Sa may sinehan. She was waiting for her cousin, si AJ. May schedule kasi sila ngayon, they’re going to watch AVENGERS – yung 3D. Lagi talaga nilang gawaing dalawa yan. Ganyan sila mag-bonding na magpinsan. Parang routine na nila. Twice or thrice a month nila yan ginagawa, walang palya.

“Cuz!” AJ called hawak-hawak yung ticket nila. “Oh! Kumain muna tayo ng lunch!! 5:00 pa yung nakuha kong time!!”

“Ano?!” Ellie barely screamed. Ilang araw na siyang excited manood ng Avengers tapos ngayon ilang oras pa silang magtitigang magpinsan bago niya mapanood yung movie. “Seryoso? 11 AM pa lang oh!!”

“Wag ka ngang choosy!” AJ rolled his eyes. “Buti nga nakabili pa ko ee. Halos wala na ngang slot sa ibang oras! At pasalamat ka VIP tong pinsan mo!! Naka- A CARD ata ako!!” Oo, yun yung rason kung bakit hindi na nila kailangan pang pumila ng pagkahaba-haba para lang makabili ng ticket.

Ellie glared at him. “Fine!! Edi ikaw na! Tss.” Sabay hablot nung ticket.

“Oh, saan mo ba ko pakakainin?” AJ then asked. “Palabasin mo naman yang pera mo sa bangko Cuz! Ano bang balak mong gawin jan, ipa-laminate??!!”

“Gaga.” Ellie hissed, smiling. Kahit kelan itong pinsan niya, hindi na nagbago!! “Sige, doon tayo sa Mc Donalds!”

“Animales ka naman!!” AJ frowned. Kulang na lang maglumpasay siya doon. “Purgang-purga na ko sa kaka-Mc Donalds natin aa!! Ayoko jan nuh!! Konti na lang tlaga MC DONALDS na din spelling ng potchi ko!!”

Hindi kinaya ni Eleonor yun, sobrang lakas ng tawa niya!! “HAHAHA. OK. PRUBLEMA  BA YUN? EDI SA JOLLIBEE NAMAN TAYO!! Para bubuyog na itsura ng potchi mo!!”

“Grrrr… Choserang palaka ka talaga!!” nagtaas tuloy ng kilay si AJ.

After half an hour or so… Tapos ng kumain ang magpinsan… syempre sa Jollibee talaga silang dalawa nauwi. When AJ brought out his laptop – yung notebook version. “Cuz,” Sabi niya, habang nguya-nguya yung yelo ng coke niya. “Wag ka sana magagalit… pero ano toh?” Pinakita ni AJ yung latop niya kay Ellie… & there by the screen flashed the familiar page of her Elliedelight’s Facebook Page.

“ANAK NG SAMPUNG KABAYO!!!” Nabulalas ng dalaga, panic was etched all over her face. Pinaghirapan na itago ni Ellie yun. She hid her identity well… ni ayaw nga niya umamin sa mga readers niya kung sino talaga siya… because of the fact that she doesn’t want her friends or her cousins or her relatives to find out that she’s… writing… this online story – yung Love-Nat nga. “PAPANONG–” Ellie’s lips were now turning pale. Pakiwari niya hinahampas ng martilyo yung dibdib niya ngayon!!

“Relax ka lang, teh!” AJ said. “Pinakialaman ko kasi yung laptop mo. Nakita kong naka-log in tong account na toh sa facebook… kaya ayun…”

Ellie’s cheeks were now turning red. She was all flustered. “Wala lang yan.” She said casually. “BINASA MO BA?”

“Hindi nuh!” AJ shook his head. He knew better to lie, kesa naman umuwi siya ng walang buhok!! Halatang kakalbuhin na siya ng pinsan niya ngayon kahit walang gamit na gunting!! “Ee bakit ko naman babasahin? Alam ko naman na yung istorya!! And besides, nakita ko yung picture na ginamit mo saken!! Di ko feel!! Mas di hamak na maganda pa ko nuh! Mabuti pa i-post mo na lang yung totoong picture ko!!”

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon