Chapter 52-1. AyosDito.ph

29.1K 262 17
                                    

Thursday
Around 6:30 PM 


Eleonor Malicsi Dimaculangan

 

It’s been three days, eighteen hours, thirty minutes & seven seconds since I’ve seen Miguel Josef Uy Monteverde! Galing ko nuh?! Talagang inorasan ko? Haha.

Huling pagkikita na namin yung sa ospital, last Sunday… when his cousin, Enzo drove me & AJ home. Sa totoo lang, maliit ang mundo para samin ni Sef… marami na talagang pagkakataon na dapat nagkita na kami… pero ewan ko ba!! Parang automatic button na bigla akong MATATARANTA, MAGTATATAKBO at MAGTATAGO!!!

Hindi ko talaga alam kung anong sumapi sakin… basta ever since nung gabi sa ospital… nung napaiyak ako sakanya… tapos idagdag pa yung ligaw effect niya at yung malupit kong TANONG kung Ok lang siya… mas lalong AYAW ko siyang makita!! GAAAAAH!! Wag na kayong magtanong kung bakit!! Minsan, talaga may mga ilang bagay na hindi na kailangan pa ng detalyadong eksplenasyon!! Haha. Basta!! AYOKO!! Period.

Nung isang araw nga, halos tumalon na ko ng building namin pababa sa ground floor para lang mataguan siya ee that I ended up going to a different classroom!! Buti na lang talaga kilala ko yung prof, kung hindi naconfiscate na yung ID ko!!

Tapos kahapon naman I literally hit my head against our classroom door dahil sa sobrang nerbyos!! Narinig ko kasi yung kaklase ko na tumitili like she saw some hot actor walking across the hallway!! Malamang si Sef na yun!! Kaya ayun, kumaripas ako ng takbo papalabas ng room… sa kakamadali ko, ayun isang malakas na KABLAG ang gumulat sa buong klase namin! Tae talaga!! Haha. Para ngang tumigil ang oras dahil nakatingin sakin ang lahat ng mga kaklase ko, pati na din syempre sila Borge!!

Ang unang pumasok sa isip ko ee ang pumanik sa rooftop o kaya pumasok sa girl’s CR… basta kahit saan na hindi ko masisilayan ang anino ni Sef!! Nagtagumpay naman ako sa pagtatago ko kahapon, yun nga lang ito, may BUKOL na kapalit sa noo ko!! Buti naman at nagkasilbi na din ang mga bangs ko!! Haha.

Actually, ipinagpapasalamat ko na nga lang din ang pagkawala ng cellphone ko!! Talaga naman Eleonor, sa lahat ng nawalan ng cellphone ikaw lang ata itong nagdidiwang!! Haha. Malamang, kita niyo nga? Look at the bright side!! Kung may phone ako, magkakaroon pa ko ng means of communication kay Sef!! Mabuti na nga din itong wala akong magamit ee, mas madaling magtago!! Haha.

Pero sandali nga lang…

HUWEYT FOR JUAN MADAPAKING MINUTE BEYBEH!!

Hanggang kelan mo ba balak magtago??

SSSSSssssshhh… Tsk. Wag ka nga munang magulo diyan Ellie… Can’t you see? Busy ako ngayon… Oo na, ikaw na!! Ikaw na ang busy… busy sa pagtatago!!

Ee ano pa nga ba?? Uuwi na nga lang ako ng makita ko ang pamilyar na Pajero ni Sef sa car park!! Nasa loob pa siya, kakarating lang niya kasi tinutulungan pa siya ni Butchoy sa pagpapark!! Malalamig na pawis ang pumapatak sa noo ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko!! My heart practically stopped!! Oh sheet! Oh sheeeet!! Anakshuta ELLIE!! Magtago ka na!! Animales yan!! WAAAAAAAAAAAAAAHH!!!

I turned around, papasok ulit sana sa loob ng MUP… kung anu-anong lugar na agad na pagtataguan ko ang pumasok sa isip ko!! But on second thought, kakarating lang ni Sef… ibig sabihin he will enter the school grounds… kaya mas maiging wag na kong bumalik sa loob!! Umikot ulit ako facing the numerous cars parked right outside our University!! Tama, ang galing mo talaga Eleonor!! I better stay here, magtatago sa likod ng mga kotse… that way… kapag nakapasok na siya sa loob, makakatakbo na ko pauwi!! O kaya diretso na ko sa St. Mercy’s para dalawin si Max. Mas okay ng doon tumambay at magpalipas oras. At least naka aircon pa ko!! Hahaha.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon