Interlude: Darren Max Sanchez

8.2K 253 94
                                    

A/N's: Hi guys! Alam kong namiss niyo sila Ellie at Sef, at syempre kahit 'di niyo aminin alam kong namiss niyo rin AKO. Haha. Sana MAS lalo niyo ring mamiss si Ellie after ng chapter na 'to. Medyo matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakapag-sulat so consider this update as WARM UP


Special Chapter ni Darren Max Sanchez

By: Elliedelights

------------------------------------

'Ganito pala... ganito pala ang mundo na walang Eleonor Malicsi Dimaculangan!' Nasabi na lang ni Max sa sarili habang nangingisay siya sa lamig. Wala siyang ibang matanaw sa kapaligiran niya kung hindi puro snow. Walang katapusang snow. Lintek na snow 'yan! Tatlo-tatong makakapal na sweater na nga suot niya pero kumakapit pa rin sa balat niya 'yung tindi ng lamig.

'Ganito pala dito 'pag wala 'yung ilong ni Ellie...'

'Malamig.'

'Malungkot.'

At higit sa lahat...

'Boring.'

"Hurry up, Max!" Sigaw sa kanya nung pinsan niyang si Alfred na halos naka hoody lang at manipis na sweat pants. Nahiya naman bigla si Max dahil parang naiinitan pa sa lagay na 'yan 'tong pinsan niya. Kung sa bagay dito naman na kasi lumaki sa Canada 'tong si Alfred. Half-Pinoy, half-Spanish, half-Italian. At kahit pareho silang lalaki, alam ni Max na mas magandang-lalaki 'tong pinsan niya kesa sa kanya. Aba syempre halo-halong breeding na! May daya! 'Hahahaha... Pakyu ka Darren! Ginawa mo namang aso 'yang pinsan mo!' Bigla niya tuloy narinig 'yung umuugong na tawa ni Eleonor sa isip niya. Sigurado siyang hahagalpak sa tawa 'yung babaeng 'yun pag kinwento niya 'yung tungkol kay Alfred.

Sa katunayan halos 2 buwan na silang hindi naguusap ni Ellie. Ni-hello or simpleng poke sa fb messenger – WALA. Sa sobrang dami ng social media ngayon dapat madali na para sa kanilang dalawa ang magkamustahan. Pero alam ni Max na sa katamarang taglay ni Ellie ni minsan hindi nauso ang pakikipag-chat dun. Lagi naman tamad na tamad 'yun mag-reply. Text nga eh abutin ng sampung-taon bago mag-reply, CHAT pa kaya?

At higit sa lahat, kahit hindi na nila pag-usapang dalawa, para bang meron na silang kasunduan na WALA na munang pansinan. Mas madali para kanilang dalawa 'yung walang kamustahan. Magkaibigan talaga sila sa ganung paraan.

"Yo, man!" May itim na binatilyong bumati kay Alfred mula sa natatanging bahay na punong-puno ng tao. Darren wasn't being racist, hindi niya lang talaga kayang i-identify basta sa kanya 3 lahi lang meron dito sa Canada. Itim, puti at Asian. "Thought you'll never come."

"Nah, man! I ain't missing any parties tonight." Sagot naman ni Alfred at sinamahan pa ng mala-gangster na fist bump. "By the way Doug, this is my cousin Max. Fresh from the Phil."

"Ehy," Ngiting-ngiting bati ni Doug kay Darren. This guy reminded him of those hoodlums on those Hollywood movies Ellie forced him to watch every single time. Doug did the same thing and gave Max a warm fist-bump and a friendly tap on the shoulder. "Welcome, my man! Come in, come in, it's freezing out here!"

Tumango lang si Max at sumunod papasok nung bahay. Dios mio, alam naman nating lahat na hindi ma-social na tao 'tong si Darren Max Sanchez. He was never in a mood to any gaddamn party. At aminado naman ang binata na hindi rin siya marunong makipag-kaibigan. 'Yun nga lang ang namumukod tanging trabaho ni Eleonor sa buhay niya. Ellie does all that work for him. Kung sino kaibigan ni Ellie, iinstant kaibigan na rin niya.

Dahan-dahang pumasok si Max, samantalang parang prinsipeng dire-diretso sa loob ang pinsan niyang si Alfred. His cousin pretty much greeted EVERY HUMAN BEING inside.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon