Chapter 54-2. Seducing Mr. Perfect!

25.9K 241 31
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Naranasan niyo na din ba yung feeling na parang napaka anti-social mo? You don’t feel like conversing with anyone kahit mga kaibigan mo pa? Yung feeling na parang gusto mo lang mapag-isa? Well, I am in this kind of mood tonight.

I want to be left alone.

Pagkatapos na pagkatapos naming isarado yung booth namin kanina, I went straight home. Isa nga palang Photo Booth ang itinayo naming business. Nag-click siya, infairness. Pero hindi ko naramdaman yung college week namin… I wasn’t myself the entire week. Like I said, I preferred to be left alone.

I sat in front of my study table, sa loob ng kwarto ko. I tried to keep myself from thinking about how messed up my life is for this entire week. I need to FOCUS!!! Oo, kailangan kong subukang mag-aral dahil exam week na namin next week. Yung makakapal na libro nila Guerrero, Peralta at Valix sa Accounting ang nakabukas sa harap ko ngayon, oo tatlo-tatlong libro kasama na din yung scratch notebook ko na siyang ginagawa ko lang sulatan ng mga solutions ko sa tuwing sasagot ng mga accounting problem. The main light of my room was off, and the only thing opened was the lamp shade on my study table.

Sa hinahaba-haba ata ng tinakbo ng istorya natin, ngayon ko lang nabanggit na naga-aral ako!!! Hahaha. Kahit ako naninibago eh, I don’t usually do this kind of stuff… but the good thing about accounting is that once I started solving it, I just can’t stop. It automatically consumes me… Lalo na sa isang kagaya ko na hindi nakukuntento hanggang hindi ko alam ang tamang kasagutan. It gives me a taste of satisfaction… yung bang pakiramdam na kahit sobrang HIRAP nung problem, kahit na pakiramdam ko na napaka imposible masagutan, kahit na parang out of this world yung tanong… pag nakuha ko na yung technic or nasagutan ko siya’t nakuha ko yung tamang SOLUSYON… ang sarap lang sa pakiramdam.

Naisip ko kasi, lahat naman talaga ng prublema eh may solusyon… applying that to reality, to my own messed-up life right now… I just don’t know what problem to solve first… hindi kagaya nitong libro ni Valix, mula sa madaling problem hanggang sa pahirap na ng pahirap… Eh yung akin? Sabay-sabay!!! And it’s suffocating me!!!

Sa buong linggo na toh, hindi ko nakausap si Sara Louisa dela Rama. We never talked. Halatang iniiwasan din niya ako – kami nila Borge. As for Max, we’re actually okay kapag kasama namin ang barkada… pero pag kaming dalawa na lang? There’s a huge barrier between us… like we’re not the way we used to be… Now my PROBLEMS in life kept piling up, from Max, to Sara… and then to… Sef.

Yeah, si Sef. Hindi na ulit siya nagpakita o nagparamdam sakin right after our conversation back in Tagaytay. It’s been a week now. Oo, one week! I paused, dropped my favorite yellow mechanical pencil on my notebook and stretched my arms.

Deym.

I stared at the yellow Rotring pencil. I remembered bigay sa akin ito ni Meg noong mga first year pa lang kami. Ever since, ito na ang lagi kong gamit-gamit sa tuwing magre-review ako. Ayokong gumamit ng iba, ito na ang kasa-kasama ko sa pagsosolve gabi-gabi ng accounting. I realized ganun pala talaga ako… when I’m attached to something, to someone, it’s hard for me to let go… to move on. Pag hindi ito yung gamit kong lapis, it feels like I can’t focus right… parang may malaking kulang sa buhay ko.

Well, hindi na rin naman ako magtataka kung hindi na nagparamdam ulit sa akin si Sef. He said something about going – about leaving – right? Hindi ko naman siya pinigilan eh… I didn’t do or say anything to make him stay.

I reached for my calculator and kept on pressing the C button, rinig na rinig sa buong kwarto ko ang paulit-ulit kong pagpindot dito. I love the sound of it. Pakiwari ko sa bawat pindot ko nun, lalabas sa screen nung calculator yung mga sagot. Hahaha. Ganito talaga ako, habit ko ng pindutin ng pindutin ang C button na ito lalo na habang binabasa ko ang accounting problem na dapat sasagutan ko… Katulad nung mechanical pencil, I’ve been using this calculator since I was a freshman. Wow. Personality ko na ata talaga mag-hold on sa mga bagay, more or less… sa past.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon