Chapter 56-3. Love-Nat Musketeers!

15.1K 273 58
                                    

Chapter 56-3. Love-Nat Musketeers!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Walang papalag.

Bawal ang kumontra.

IN LOVE AKO!!!

Oo, ako nga. Si Eleonor Malicsi Dimaculangan, ang babaeng takot sa ipis, multo at pag-ibig. In love talaga ako. Alam kong nakaka-pangilabot, alam kong di kapani-paniwala, alam kong nakakayanig. Pero wala eh, wala na kong kawala pa dito sa gagung ‘to. At baka akala niya, pakakawalan ko pa siya? Puwes, nagkakamali siya! Haha. 

“So,” Sabi ni Sef habang naglalakad kami papunta sa Pajero niya. He was walking ahead of me kaya kailangan pa niyang tumigil sa harapan ko para ipakita ‘yung sobrang laking ngiti sa mukha niya. Ngiting-ngiti ang loko, para bang gusto niyang tumawa pero pinipigilan lang niya. “Did you have fun today?”  Medyo mamula-mula pa nga ‘yung mga labi niya eh. Nag-init tuloy yung pisngi ko nung naalala ko yung eksena kanina dun sa may lawa. Paksyet! Maka-halik naman kasi ‘tong gagung ‘to parang wala ng bukas eh. Haha. Pero aminin Ellie, nag-enjoy ka! Haha. BOOM! 

Shhh. Sabing walang papalag eh. Haha.

“Oo.” I barely heard myself. Paksyet na tanong ‘yan! Syempre I had fun. Lalo na ‘yung nandun kami sa lawa kanina. Wahahaha. Tagumpay nanaman ang lola niyo! 

Sef placed his hand in his pocket and he was still wearing the watch that I gave him. He looked and grinned so wide. ‘Yung itsura niya para bang nagmo-model lang siya. “Well, me too.” He then stared at me for a second before looking away from me and randomly brushed a finger on his cheek. He seemed slightly embarrassed and I could tell that his ears were turning bright pink. “Thank you… for this watch and for going with me today.”

Sus. Kahit naman saan, kahit kailangan ko pang lumipad sa kabilang parte ng mundo basta ba siya kasama ko eh game na game ako! 

“Tsk.” I frowned to hide the blush on my face. “Wala ‘yun! Mc Donald’s ka talaga!” 

He glared at me. “McDo, nanaman? I still don’t get why you keep calling me that.” 

I laughed. Mabuti na talagang hindi niya alam ‘no! At wala akong balak sabihin kung ano ang dahilan!  

“Is this your way of getting back at me for calling you a Clown before?” He asked, habang binubuksan ‘yung pinto ng passenger seat nung Pajero. Hindi naman masyadong obvious na ayaw niyang tinatawag ko siyang McDo. Akala kasi niya merong hidden joke sa salitang ‘yun at ako lang ‘tong nakakaalam. Haha. Kung alam lang niya. 

Tumawa lang ulit ako habang sumasakay dun sa Pajero. Pagka-upo ko, I realized Sef was still standing beside me, one hand holding the door and the other leaning against the roof. “Hindi mo talaga sasabihin?” He then asked in a serious tone, like he’s taunting me.

I glared back at me, although I could feel myself melting under his gaze. “Ayaw,” I shook my head to say no. Paksyet! Hinding-hindi ko sasabihin! Bahala talaga siya d’yan.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon