Chapter 57-3. Truth Bites! Rawr!

10.3K 351 101
                                    


Hi guys! Remember me? Haha. Actually umabot 'tong chapter na 'to sa 20 pages sa MS Word, sobrang haba nung nasulat kong update kaya lang napaisip ako't napagdesisyunan kong putulin. Haha. Kasi pinopost ko rin 'to sa FB eh. Mahihirapan naman mag-basa 'yung mga fb users. XD 

Sana lang pala naaalala niyo pa 'yung simulang chapters ng Love-Nat. Medyo babalikan kasi natin 'yung mga ilang eksena sa chapter na 'to. :) Anyhow, I hope magustuhan niyo 'to. 

SORRY TALAGA KUNG SOBRANG TAGAL. XD

At kung mapapansin niyo 'yung ibang characters tulad nila Japo at Borge eh laging puro "HINTS" lang 'yung binibigay ko tungkol sa kanilang mga love story. Gusto ko kasi 'tong love-nat eh para lang talaga kanila Ellie at Sef. If ever na mabigyan pa ko ng chance na makapag-sulat in the future, balak ko talaga gumawa ng Love-Nat series na kung saan ikikwento ko 'yung ibang love story ng mga friends ni Ellie. 

Pero ito dapat (sana) yung magiging flow ng Love-Nat Series:

1.) Love-NAT, isang makulit na love story!
2.) Love-NOT, ang pag-ibig kong ayaw na ayaw mo!
3.) Love-NUT, crazy in love! 

Tapos meron lang mga side stories for Sara, Meg, Em-Em, Kuya Matt, pati sila Tata Perding kasama. Hahaha. 

Oh 'di ba bongga? Ganun sana kahaba!!! HAHAHAHAHAHA. Pero hanggang plano na lang 'yun. Nasa utak ko na lang 'yung istorya. Anyway. Medyo napahaba na 'tong litanya ko. On with the story. :) 

Sana ma-enjoy niyo. Hehehe. <3

------------

Chapter 57-3. Truthe Bites! Rawr!

-------------

Eleonor Malicsi Dimaculangan

The moment Sef let go of my hand…

Pakiramdam ko binitawan ako mula sa ere and I’m free falling from the sky with nothing - no one - to catch me. I felt my heart just broke into thousand pieces… and I have no idea how I’m still standing in his room and still breathing.

I leaned against Sef’s bedroom door, my eyes casted down my feet. Tahimik kaming dalawa, nakaupo siya dun sa sofa sa kabilang sulok nung kuwarto niya.

We let the sound of rain drown us.

We let the whistle of the wild wind outside fill in the silence between us.

I wanted to shout and to yell at Sef. Gusto ko siyang awayin! Pero hindi ko mahanap ‘yung boses ko. Gusto kong mag-walk out palabas nung kuwarto niya, kaya lang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ilang beses na kaming nag-away ng gagung ‘to. Katunayan, nag-simula naman talaga kaming laging nagaaway. Pero iba ‘yung ngayon… iba ‘yung itsura ng mukha ni Sef habang naka-upo siya, habang nakatitig siya sa’kin na tila ba naghihintay lang sa kung anong gagawin o sasabihin ko.

Ibang-iba talaga ‘yung away namin ngayon kasi… nasasaktan ako.

Anakshuta naman!!!

Pa’no ba gumulo ng ganito ‘yung mundo ko? Isa lang naman akong hamak na accounting student mula sa Matute University of the Philippines. Katunayan tahimik lang ang takbo ng buhay ko noon at kadalasan lang umiikot sa pagkain, pangongopya at kay John Lloyd Cruz. Oh ‘di ba? Kaya kong ikuwento ang talambuhay ko sa loob lang ng isang pangungusap… pero ngayon… ANG GULO-GULO! Animales na ‘yan! Ang gulo-gulo talaga!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon