Chapter 60-2. Eroplanong Papel

12.2K 391 296
                                    


I'm done making excuses. Ito na yung kasunod. Hahaha. Kayo na bahala. Kaunting pasensya pa sa'kin. Hindi madaling magpaalam.

xx Elliedelights xx

------------------------------

Hindi ko naman sinadyang gawin 'tong horror. Haha.

Katunayan hindi ko isinulat ang nobelang ito para takutin ka. Para sabihin sayong nakakatakot mag-mahal.

Hindi.

Hindi 'yun 'yung dahilan.

Don't get me wrong, my friend. I wrote this story to make you realize that getting hurt is just a part of loving someone.

Mag-mahal ka.

'Wag kang matakot.

Don't waste this lifetime with regret and with fear. Natakot kasi ako noon... I was scared of rejection. I was scared of getting hurt. And most of all... I was scared that I wasn't good enough for him.

If you love someone, tell him – tell her.

If you like that person, let them know.

Ano 'yan habang-buhay mo na lang ibubulong sa hangin? Kagaya ko na kailangan pang umabot sa halos isang-libong kabanata at milyun-milyong salita para lang maparating yung nagi-isang bagay na ni minsan hindi ko nasabi sa kanya.

Mahal kita.

Habang-buhay ka na lang hihiling na sana malaman niya? I'm telling you, my friend, that love is meant to be felt, to be shared. Kahit sa salita, kahit sa gawa. It doesn't matter how. Hindi pala 'yan dapat pinagdadamot para lang protektahan ang sarili mo. If you get hurt, then it must be a good kind of hurt. You should have been proud of yourself for doing something so bold. Nagpapaka-totoo ka lang naman. And there's nothing to be scared about that.

Mahal kita.

Ako? Nakakatawa. Dahil kahit ilang notebook, at kahit ga'no pa karaming tinta ng ballpen ang ubusin ko. Kahit ilang tula, ilang nobela pa, at ilang chapter pa ng Love-Nat ang isulat ko... iisa lang ang gusto kong iparating.

Mahal kita.

Mahal kita.

Mahal kita.

Mahal kita.

At ito na, sa wakas... umabot na rin tayo sa puntong 'to...

"I've finally learned to let go of what's been hurting me for a long... long... time."

-------

Love-Nat

By: Elliedelights

-------

Chapter 60-2. Eroplanong Papel

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Nandito kaming dalawa ni Enzo sa parking lot sa mismong tapat ng Mercury Drugs. Naka-upo ako sa motorsiklo niya, habang naka-tayo siya sa harap ko na parang isang higante. Pero kahit na may maliit siyang pasa sa mukha eh nakuha pa rin niyang asikasuhin 'yung kamay ko.

"You've never punched a face before, huh?" Enzo Ruiz Monteverde had observed while gently wrapping a bandage on my sprained hand – 'yung mismong pinansuntok ko sa kanya.

Hindi ako nakaimik. Hindi naman sa dinededma ko si Enzo. Hindi rin naman ako galit sa kanya, medyo lang. Medyo lang talaga. Pakiramdam ko nga sinadya niyang galitin ako... he did it on purpose to make me feel better.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon