Chapter Eleven - Clinic Panic

91 17 11
                                    

"Miss Aerith Kristen Park. Pinapatawag ka sa Clinic?" sabi ni Ma'am pagkatapos niyang basahin ang isang papel na iniabot sa kanya ng student nurse.

 

Pinapatawag sa Clinic? Parang Dean's office naman yang clinic na yan. "Bakit daw po?" tanong ko sa kanila.

"Your daddy told the university physician na pumasok ka kahit na nilalagnat ka." paliwanag nuung teacher namin. "You better go to the clinic." dagdag pa niya. Srsly? Hindi ako makapaniwalang may fever ako, kahit sumayaw sayaw pa nga ako dito para makiita nilang buhay na buhay ang katawang lupa ko e. Pero... MAS HINDI AKO MAKAPANIWALA NA SI DADDY ANG NAGPAPASABI. Since when did he actually care? 

Pero wala ng panahon mag-isip dahil nasa harap ko na ngayon ang student nurse at tinutulungan na akong tumayo. "Kaya ko." ano ako? lumpo? Sumama na ako sa student nurse papunta sa clinic.

Pagdating namin sa clinic. Isang nakangiting mukha ang sumalubong sa akin. Hindi na naman nakikita yung mga mata niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. In a galit tone but not with a galit face.

"Ganito kasi yun. naka-leave this day yung Doctor niyo dito so I volunteered as a substitute." paliwanag niya tapos ngumiti. "...Kaya pinatawag kita dito."

"Wow naman Mario..." wag ko daw kasi siyang tawaging Doc. "...Baka madami akong ma-miss na lessons niyan." sabi ko. Pero actually okay lang sa akin kasi ang boring dun.

"Ma-miss. Ma-miss. Hayaan mo na yan, na-miss lang kasi kita. Di ka na pumupunta sa ospital." ang korni ng doktor na to. Pero syempre lagi kasi akong na-oospital. Ako yung lagi niyang nakakausap doon pag naka-confne ako.

"So, kelangan ma-ospital ako?" tapos tumawa ako ng maikli at mahina.

"Kapag sinabi kong pupunta ng ospital, ma-coconfine agad? Pwede ka namang bumisita."

"E busy ako. Nag-aaral na uli ako Mario eh." 

"At kailan ka pa nagkahilig sa pag-aaral?" tapos tinawanan niya ako. Ay nako. may mga pangarap naman ako sa buhay nnoh. Akala neto. Porke matalino siya. Nag-bitter bigla.

"Ikaw na. Ikaw na matalino at nag-graduate ng Med School ng 20 years old. Hiyang hiya ako." sunud sunod kong sinabi sa kanya.

Tumawa lang uli siya. Wala man lang akong na-aaninag na bad vibes sa taong to. Lagi siyang masaya. "Kamusta ba grades mo?"

"Ewan ko pa. Wala pang results. Pero nag-aaral naman akong mabuti e." kumindat pa ako like saying Ako pa"...Pa-meryenda ka na Mario." bigla akong siningit. Kasi kung grades din lang ang pag-uusapan eh wala akong maipagmamalaki kumpara sa mga naabot nitong halimaw sa katalinuhan na to.

 "Osige. Bibili lang ako ha. Iwan ka muna dito."

"Okay po." 

Lumabas na siya ng pinto at naiwan na akong mag-isa dito. Buti pa tong clinic hindi kulay white yung mga dingding dito. Kulay light green. Pwede na. Kaysa naman yung para akong nasa langit.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now