Chapter Twelve - Feels like Insomnia

95 16 17
                                    

Titus' POV

"Kasi... Ewan ko. Nagseselos ata ako. Sige. Bye."

Bat ko na naman nasabi yun? Ano ba namang klaseng bunganga to oh. Palibhasa kasi walang utak. At itong utak ko naman, hindi na naman nag-iisip.

Anong gagawin ko? Tawagan ko kaya siya uli? Ay hindi. Mali-mali.  Baka sabihin niya masyado akong nagpapaapekto o kaya masyado kong binibigyan ng meaning. O di kaya ay ipahiya niya pa ako o kaya hindi siya sumagot tulad ng lagi niyang ginagawa. Teka teka. Huwag ko na lang siyang tawagan uli, baka kasi hindi niya sagutin kasi nahimatay na siya sa sobrang kilig dun sa sinabi ko. Hmmm. Mabuti pa. Itutulog ko na lang. Tama. Ipagpapabukas ko na nga lang.

Ipinikit ko na ang aking mga mata baka sakaling mapatahimik ng tulog ang aking utak. Pikit lang Titus. Pero hindi ako makatulog. Every time that I try... 

"Titus, nagseselos ka? Type mo ako noh?" sinabi ni Aerith sa harap ko in very charming tone  and facial expression at kumindat pa. I can't believe this.

Muli kong ibinuka ang aking mga mata. Clear your thoughts Titus, clear your thoughts. Pumikit akong muli. "Hoy lalake! Anong nagseselos? Gusto mong masapak?" ngayon naman ay ang masungit na Aerith with a facial expression na mas nakakatakot pa sa mga napapanuod ko sa horror movies.

From horror e biglang nagkaroon ng transition to Romance. Nasa harapan ko siya ngayon with the sweetest smile mankind could ever taste. "Nagseselos ka?" she asked and then she hugged me. "Okay lang yan. You still have me." 

And now we are face to face. Looking at each other passionately. With lips drawing nearer and nearer and...

"What a nightmare." naibulong ko na lang sa sarili ko.

Ano ba naman tong mga nag-flaflash sa utak ko. Nakaka-gago. Ang sarap i-flush sa toilet at nang makatulog na ako ng matino. Aerith please don't mess up with my mind. Go away. Lemme sleep.

"Magbabasa na nga lang ako." naisip ko din. Para magbusy-busyhan at para mapunan ng ibang thoughts yung utak ko. At para pag napagod na yung mata ko e kusa na itong pipikit.

Kinuha ko yung libro ko in Greek Mythology. Ang heavy ng text, ang liliit ng letters at super compact pa sila yun bang tipong pagkabukas mo pa lang ng libro e aantukin ka na.

At unti-unti, nakaka-dalawang paragraph pa lang ako ay bumibigat na ang aking mata. Hanggang sa tuluyan na itong napapikit at hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising na lang ako ng narinig kong may tumatawag sa phone ko. "H..hello?" may pagka-antok kong sinagot ang aking cellphone.

"Hello."

"Aerith?" biglang namulat ang dalawang mata ko ng narinig ko ang boses niya. Muling nagising ang katawang lupa ko.

"Ako nga."

"Bat ka tumawag?"

"I can't sleep."

"Ako din e." at pareho pa pala kami nito.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now