Chapter Seven - Reunited

92 15 7
                                    

Isang linggo na din ang nakakalipas mula nung first day of school. Yung seatmate ko lang yung kilala ko, si Tamica , tapos yung iba't iba naming professors sa mga subjects. Dahil late akong nag-start nitong semester e ayos lang dahil binigay sa akin ng mga profs yung mga handouts at nagseself study ako sa bahay, minsan naman nagvovolunteer si Tamica na turuan ako.

School for me is - papasok, kakain, uuwi. 

Kakatapos lang ng klase namin sa history. Sa sobrang dami ng dates, names, places, events, at kachu-chuhan ay hindi na kinakaya ng utak ko na i-absorb lahat. Ang boring pa magturo nung prof, so it was like sasakit talaga yung pwet mo at utak mo. Para ngang hinigop lahat ng energy ko eh at lalabas ako sa classroom na to na gutom na gutom. Buti na lang kamo at lunchbreak.

Diretso kaagad ako ng canteen. Ang daming tao. At ang haba pa ng pila but I need to be patient to have my reward - food. Gutom na talaga ako. Ang ingay pa. Nakaka-stress. Hanggang sa after 123456789 years. Ako na din. Nag-order ako ng fried chicken tapos buttered vegetable tapos tatlong rice tapos mushroom soup tapos softdrinks. Okay na yun. Habang nilalagay nila yung order ko dun sa tray, natutuyo na ung lalamunan ko napapalunuk-lunok na ako. 

Nung tapos na. Gusto ko ng kumain dun sa counter mismo sa sobrang gutom ko. Pero syempre. Tiis lang. Maiskandalo na naman ako dito. Hambalusin na ako ng Daddy ko. XD

Naghahanap na ako ng mauupuan para makakain na. Lumingon ako sa kaliwa ko, grupo ng magbabarkada naghahalakhakan ay nagchichismisan na halos ibroadcast sa buong school ang pinagkwekwentuhan, sa katapat naman nila ay ang mga loner na walang pakialam sa iba basta kumakain sila, pagkatingin ko naman sa kanan ko ay grupo ng mga lalaki na tinitignan ang bawat babaeng dumadaan tapos irarate nila ng 1-10 tapos magtatawanan (asar lang). Dun naman sa tapat nila ay yung mga nice guy look na guy. Napatingin ako dun sa isa na nakangiti sa kin. Familiar yung face niya.

"Crush! Crush!" sigaw niya. "...Blockmate mo ako. Dito ka na lang umupo. Dito oh." tapos tinuro niya yung upuan niya. Parang mabait naman siya hindi naman yung nakakairita na nag aalok. Pero mukhang uusisahin ako ng mga kasama niya. At crush niya din daw ako. Hmm Ayoko magbigay ng motibo. When you care less, you will be less stressed.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumingon na sa ibang direksyon at pagkatalikod ko ay hinarang ako ng isang babae. Medyo mahaba ang buhok, madyo chubby, medyo matangkad, naka-smirk siya sa akin at mukhang hipon na ewan yung pag-ngiti niya. Haynako. Kung ano mang problema nito sakin, ipagpaliban mo muna please kasi gutom na ako.

Natatandaan ko siya. Blockmate ko din siya. Siya yung laging maingay na parang lima ang bunganga na nakakairita pero hindi ko na lang pinapansin. Nakita ko siya nung isang araw na binully si Tamica pero nakasakay na ako sa kotse nun kaya hindi na ko nakababa.

"Sino ka ba sa tingin mo sa school na to? Bat lagi kang nang-iisnob? Sa tingin mo, maganda ka? Excuse me. sa tingin mo lang yun! You're just a new little brat here kaya ayus-ayusin mo yang ugali mo. Wag kang magsungit dahil ako lang ang may karapatang gawin yun! Huwag kang mag-malaki dahil ang tingin ko sa iyo. Ang liit liit!..."

Wala akong panahon para diyan. Gutom ako. Ang nasa isip ko "gutom ako. gutom ako. gutom ako." Kaya wala akong pakialam sa sinasabi niya. Pero pinatapos ko naman siyang magsalita para hindi naman nakakabastos.

Nung matapos na siya. Tinignan ko lang siya tapos tinalikudan ko siya at nagsimula ng maglakad papalayo. At nagsimula nang mangantiyaw yung ibang mga asa Canteen na nakikita kong tutok na tutok sa panunuod ng isang Live show na ganto. Hindi pa ako nakakalayo eh hinawakan niya ako sa balikat at ipinaharap sa kanya.

"Don't turn back when I'm talking to you! Baka hindi mo ko kila~"

"Hindi. Hindi kita kilala..." I interrupted her. "...And I would never care to know you. Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo. Wag mo na lang pakialaman yung buhay ko..." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "...kasi ako, gutom na gutom na ako. At mas gugustuhin ko pang kumain kaysa pag-aksayahan ng oras ang isang kagaya mo..."

At lumakas ang kantiyawan sa canteen. Yung totoo? Fliptop lang ang peg? Nakikita kong naiirita na yung mukha nung babae na to. Sige lang. Nakaka-enjoy yung view ng naiiritang mukha mo. Nag-smirk ako."...Don't you judge me. You don't know my story and I won't even dare to take you as a part of it because you don't belong." dagdag ko pa. Hindi ako papatol dahil alam kong ibababa ko lang ang lebel ko kung ginawa ko iyon kaya binabalahan ko na siya.

"Wow. Alam ko naman na hanggang salita ka lang eh." bigla niya akong tinulak. Napaatras ako at muntik ng nahulog yung chicken ko at yung mushroom soup ko medyo nabuhos. Pinilahan ko ito tapos pag ito nabuhos lahat, mapapatay ko talaga tong babaeng to. "...Ano? Bat di ka lumaban?" hamon pa niya. Tss. Nababadtrip na ako ha. Gusto ko na talagang kumain.

 "Gusto mo ba talagang sagutin ko? Baka masaktan ka lang pag sinabi ko yung sagot." sumbat ko sa kanya. 

"Sige. Wala lang naman sakin yan eh." ngumiti pa siya na parang asong nakakaloko. I mean parang hipon. Ang haba kasi ng bunganga niya. Nako. "..O ano? Bakit hindi ka nga lumalaban?" pangungulit niya pa.

Sabi niya eh. Odi sasagutin ko na siya "Kasi yung mga katulad ko pag may nakaharap na katulad mo. Alam mo kung anong gagawin ko? ..." ngumiti ako at tumawa ng mahina parang nang-iinsulto sa kanya. "...Hihinga lang ako ng malalim, dahil hindi ako pumapatol sa mga taong walang breeding." tumalikod na ako. Pinilit niya kong sabihin yun e. Fine. 

Nakatalikod na ako at  inaasahan ko ang kamay niya ay sasaktan na ako. At tama nga ako. naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko. Sasabunutan niya na ako.

Pero hindi natuloy. Nag-antay ako ng ilan pang segundo pero wala pa ding pananabunot.

Lumingon ako sa likuran ko para makita kung ano na ang nangyayari. At nagulat ako sa nakita ko.

Isang lalaki. Na may mga matang parang magnet ang dating sakin. Matangos ang ilong. Matangkad. Gwapong-gwapo ang postura sa uniform. 

Bat parang attracted ako sa lalaking to kung magsalita ako.

Pinikit-pikit ko uli yung mata ko para makasiguro kung nagmamalikmata ba ko o hindi. Pero totoo nga. Totoong nasa harap ko si Titus. At nakahawak siya sa kamay nung babae kaya hindi natuloy yung pananabunot. Ibig sabihin ba nun, yung nakita ko sa building nung first day ko dito. Siya iyon?

"Salamat." sabi ko sa kanya. Hindi pa siya nakakasagot pabalik e nagsimula na akong maglakad palabas sa canteen.

Malapit ng matapos ang lunchbreak. Kailangan ko na talagang kumain at gutom na gutom at stress na stress na ako.

Nakakita ako ng isang bench sa tabi ng building namin. At umupo na dun at nagsimula ng kumain. Sino kaya yung babae kanina? Ano bang problema niya sakin? Iniirita niya lang yung sarili niya. 

Subo pa rin ako ng subo habang nag-iisip. Pero hindi naman yung parang patay-gutom na pagsubo. Sakto lang.

Sarap na sarap ako sa pagkain ko nang biglang may kumalabit sa akin.

Ano ba naman. Interruption na naman ba ito.

Lumingon ko at nakita ko ang isang maamong mukha na nakangiti sakin na parang anghel. Taliwas sa unang pagkakakilanlan ko sa kanya.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now