Chapter Twenty One - The Good Book

104 4 12
                                    

Library. The only place in the school na halos kapareho na ng bahay namin dahil sa... katahimikan. You can just sit there and read whatever you want. Wala kang pake sa iba at wala din naman silang pake sayo. But this makes a difference, kasi sa bahay, may pake ako sa kanila... tapos sila? Walang pake sa akin.

...

Nagbabasa lang ako. Nagbabasa. Nagbabasa. This is a very good book. Yung kumbaga bawat sinasabi niya e parang isinulat talaga para sayo. So, you smile and cry and frown and get mad on little things while reading. The problem with reading a really good book... is that you want to finish it and not finish it at the same time. Gusto mo ng malaman kung paano matatapos pero ayaw mo siyang tapusin kasi masyado ka ng na-attach sa story. Hayy.

Fifty pages na lang. Matatapos ko na. I don't know what to feel. Kung sasaya ba o malulungkot...

You've got a smile... The only heaven can make...

And I pray fo God everyday... That you'll keep that smile..

Bigla na lang nag-play sa stereo. Na ginagamit lang naman kung may importanteng announcement dito sa school. Pero what the hell is happening? Bakit may nagpapatugtog na? This is supposed to be a ME-TIME.  

You are my dream... There's not a thing I won't do..

I'll give my life up for you... Cause you are my dream..

Gaahd I can't concentrate! Nakakainis naman. This is supposed-to-be-a-library. Kelangan tahimik lang. Tumingin-tingin ako sa paligid ko. Iniisip kung ako nga lang ba talaga ang naba-bother dito. But NO, yung iba eh nagrereview para sa exams nila at nakakunot na ang mga noo na parang Asan na uling part ako? Pythagorean theorem? Ano na ulit yun? Yung iba naman eh. Tuwang-tuwa pa at sinasabayan yung kanta. Yung iba naman e parang wala lang. 

Aalis na nga ako at maghahanap ng ibang peaceful na lugar para magbasa. Another thing about a good book is... when you started reading it. Ayaw mo ng interruptions. So, ayun. Tumayo na ako.

Ahem.. Ahem.. Mic test..

May isang pamilyar na boses ang nagsalita sa may stereo. And in that moment, doon ko lang na-realize na yung pinapatugtog pala na kanta ay yung kinanta niya sa akin sa kwarto ko. Hay naku Eros, ano na naman ba ang iniisip mo? 

Bumalik ako sa kinauupuan ko, binuksan yung libro ko. Kunwari nagbabasa pero ang totoo ay nakikinig ako dun sa stereo.

Hello? Hello? I wonder kung gwapo nga ba ang boses ko sa stereo katulad ng pagmumukha ko. Naririnig na ba ako? 

(Oo. Naririnig ka na! Umalis ka na jan! Lagot ako nito!)  -Rinig na rinig sa stereo pati yung personnel. Galit na galit na siya. Siya din naman talaga ang mala-lagot. Ang kulit talaga nitong si Eros eh noh.

May camera kasi doon sa broadcasting hall na iyon. Kitang-kita niya kami dito sa library. Nakikita kaya niyang natatawa na ako sa kahihiyang ginagawa niya? Kumbaga napapahawak na lang ako sa noo ko. Haynako.

Talaga? Naririnig na ako? Yeees!

Oh Astig. Nakikita ko sila mula dito.

Ibinaon ko yung mukha ko dun sa libro. Grabe. Ngayon lang ba nakahawak o nakakita ng ganun tong lalaking to. And to think, artista pa siya.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now