Chapter Twenty Three - Say You Like Me

77 3 3
                                    

Lunchbreak. Tulad ng araw araw na nakasanayan e sabay kami ni Tamica. Bibili ng kung ano mang matipuhan ng tiyan namin sa mga ibinebenta. Pero pare-parehong kombinasyon sa araw araw- meat, veggie, soup, rice, dessert at syemplre drinks. At pagkatapos naming mag order e diretso na kami sa lamesang paborito naming pwestuhan, sa may tabi ng bintana.

Kapansin-pansin na tila bawat lamesa ay tila may 'label' na nakalagay. I don't know exactly why do they... I mean we (because I got used to it too).. have to draw these lines from each other. Gumagawa lamang ito ng barrier amongst us.

May kanya-kanyang territory bawat kind of people in school. May table para sa mga campus royalties,queenbees, sosyalera, geeks, bullies, average class, religious peepz, bookworms, video games addicts, at iba naman e simply group of friends. Etcetera etcetera. Ganun kami ni Tamica sa dulo. Same with Titus na kasama lang ang mga barkada niyang lalaki.

"Di ko pa pala nakwekwento sayo yung nangyari sa akin nung exam noh?" wika ni Tamica sa akin habang nagsusubo ng lunch niya "...Grabe! Para akong nanalo sa lotto nun. Salamat talaga dun sa... Ano na yun? P..PTC Ayun!" at bakas sa mukha niya ang tuwa habang nagkwekwento. At halatang halata sa mga mata niyang nakangiti na sobra siyang nagpapasalamat.

Gusto kong sabihin na 'Walang anuman Tamica. Walang anuman.'

Pero hindi pwede. Hindi pa din pwedeng ma-reveal ang identity ko. Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon. Pero alam kong hindi ko to maiiwasan o matatakbuhan. Haharapin ko din to... pero hindi pa ngayon.

"Okay yan. Kaya ka din pala late nun. Buti yan. Deserve mo naman yung scholarship eh. Ang sipag mo kayang mag aral." sunud sunod kong sinabi sa kanya. Sabay kaming napapangiti sa bawat salitang sinabi ko. Alam kong masaya siya dahil may naka-appreciate ng mga ginagawa niya. Bilib talaga ako sa sipag niya.

Kumbaga she was born to study and study. To study really hard. And change something that seems to be unchangeable.

"Hoy ikaw!.." nagulat ako sa pagsigaw niya habang nakaturo pa siya sa akin gamit ang tinidor niya. "...Smile ka lang ha. Nakakahawa e. Nakaka-good vibes. Saka gusto ko talaga na nakangiti ka lang lagi. Ayoko ng nalulungkot ka, Aerith." naka-smile siya habang sinasabi to pero ramdam ko yung sincerity mula sa kanya.

Nagulat ako. Dahil hindi naman tipo ng tao si Tamica na magsasabi ng ganyan. Napangiti na lang ako.

"O ayan! Ayaaan! Ngumingiti ka na naman." inaasar niya ako. Pinigilan kong ngumiti pero hindi ko kaya. Yung ngiti ko, para na din yung luha ko dati na hindi ko mapigilang ilabas.

"...Sino ba yang dahilan ng mga ngiti mo?" dagdag pa niya.

"Sino ka diyan!"

Bakit kasi kailangang sino. Pwede namang Ano. Napangiti ako lalo sa thought na pwedeng sino at pwede ding ano.

"Sino ngaaa?..." ang kulit kulit naman ng babaeng ito "...Sino mas gusto mo? Si Eros o si Titus?"

"Ha?" sinagot ko din siya ng tanong. Hindi ko din kasi alam isasagot ko.

"Eros o Titus?" at nakaduro pa din sa akin yung tinidor na hawak niya. Nakangiti lang siya. At nakatingin sa akin na parang nagsasabing sumagot-ka-na-Aerith-ano-ba.

"Sinoooo?..." hindi talaga ako titigilan nito "...Sino ngaaa?!" at nagpout pa siya. "....ano? Eros o Titus?"

"SI TITUS!" naisagot ko sa kanya. Pero hindi naman sobrang kalakas na mapapatingin ang mga katabi naming mesa. Napahawak ako agad sa bibig ko the moment na masabi ko yung pangalan niya. Kumbaga parang nagmura ako ng napakabigat. Nako!

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now