Chapter Nineteen - Revelations

60 10 4
                                    

Titus' POV

Now, I was just standing here. Watching this girl whom you'll never expect to be 'that' kind of girl. Habang pinapanuod mo siya, para kang napapako dun sa tinutugtog niya. Nadadala ka sa emosyon nung musika. While I was awestruck with the way she plays, I was not just paying attention to the music but also to the one who's playing. I can see the emotions in her face, walang luha pero alam kong nasasaktan siya. Nakapikit lang siya, pero para siyang sinasaktan ng bawat nota. Titingin ako sa paligid, lahat parang mangingiyak na.

Bakit kaya siya ganyan? Ano kayang iniisip niya? Nakatingin lang ako sa kanya, kaya naman mukhang ako lang yung nakapansin dun sa pagtulo ng luha niya pagkatapos niyang tumugtog, na agad din niyang pinunasan.

Nag-bow na siya. At napangiti sa palakpakan ng lahat. Napangiti sa mga ngiting naibigay niya sa lahat. Hindi lang yung luha niya ang nanunuot, pati na din yung ngiti niya.

Pababa na siya ng stage nung pinigilan ko siya. "Ang galing mo. Congrats." pagbati ko sa kanya.

"Salamat." sagot niya sa akin. Nakita ko ang bahagyang pag-ngiti niya at pagkatapos ay tumalikod na siya.

"Sa wakas, nginitian mo rin ako." muli kong sinabi sa kanya na parang lubid na nagpaharap ulit sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Ano kayang iniisip niya?

Nagulat na lang ako nung sinabi niya. "Titus, may sasabihin ako sayo..." napapa-kunot yung noo ko sa kakaisip. Ano naman kaya. Siguro sasabihin niya na yung dahilan kung bakit niya talaga ako iniiwasan. Nakatitig lang ako sa kanya. Sa bibig niya, kasabay nito ay nakita ko pa ang paglunok niya. Inaantay kong bumuka at sabihin na talaga kung ano talaga. "Titus..."

Sasabihin niya na sana nang biglang may humigit sa mga kamay ko kaya napatingin ako sa may likuran ko at nakita ang mga bata na hinihila ako, ang braso ko at pati na rin ang damit ko para magpapicture. Muli akong tumingin kay Aerith at parang naiwan pa din siyang nakatayo doon na nakatingin lang sa akin na parang hindi pa rin niya ma-absorb na hindi niya masasabi ang talagang gusto niyang sabihin.

Habang hinihila ako nung mga ata eh nakatingin lang ako sa kanya, at nung tila bumalik na siya sa katinuan ay napatingin siya sa akin at sinenyasan ko siya ng next time na lang. Tumango lang siya at ngumiti ng bahagya. Yun ay kung may next time pa, sigurado naman ako na pagkatapos nito ay hindi niya na naman ako papansinin.

Ibinaling ko nang muli yung atensyon ko sa mga batang nagpapa-picture sa akin. Mga ilang segundo lang yun, at pagbalik ko ng tingin ko kay Aerith ay nakita ko na lang siya na pasakay na sa kotse ni Eros.

Bakit kaya ang close na nila? Bakit kaya parang okay na ngayon kay Aerith na kasama ang mokong na yun?  Sila na kaya? Kaya ba hindi ako pinapansin ni Aerith kasi pinagbawalan na siya ni Eros? Yun ba yung sasabihin niya sakin kanina?

 Aerith's POV

"Ang galing galing mo kanina Aerith. Para akong nakikinig kay Pachelbel nung nagtutugtog ka." hangang-hanga papuri sa akin ni Eros habang nagdra-drive siya at nakatingin naman ako sa labas ng bintana.

"Salamat..." sagot ko "..hindi ko ine-expect na pupurihin ako ng isang artista." pang-aasar ko sa kanya at nag-smirk pa.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now