Chapter Eight - Titus John Lopez

95 15 13
                                    

Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Nag-iipon ng lakas ng loob para makalapit sa kanya. Nag-iisip ng sasabihin... kung paano ko nga ba siya i-aapproach... ano isasagot ko kung tinanong niyang ganito o ganyan. E basta! Bakit ko nga ba iniisip ang mga yon? Bakit nga ba ako nakatayo dito ngayon? Bakit gusto ko siyang lapitan? Imposible namang attracted ako sa kanya. Pero bakit?

Hindi ko talaga alam.

Naalala ko nung una ko siyang nakita. Hindi ko ikakaila na maganda siya una ko pa lang siyang nakita. Pero syempre kasama ko nun si Iris kaya nasasapawan yung ganda niya. 

Sino si Iris?

Ang mahal at tanging babaeng mamahalin ko. Maganda, maalaga, mapagmahal, matalino, mabait. Lahat na ng pwedeng gustuhin ng isang lalaki sa babae, nasa kanya na. Isa lang talaga ang pinroproblema ko, ayaw sa akin ng mga magulang niya.

Hindi naman kasi kami ganun ka-yaman. Motor lang ang ginagamit ko kumpara sa kotse ng iba pang nanligaw sa kanya. Simple lang yung paraan ko, pero ako yung pinili niya. Na sadya namang ikinainis ng pamilya niya. Kaya naman kung magkikita kami, laging patago. Pero handa akong magtiis sa ganito lang kaysa naman mawalay siya sa akin.

Ayokong mawala siya. Hindi ko kakayanin.

Nagdecide kaming pumunta sa Pangasinan sa aming seventeenth monthsary. Pero syempre, patago uli. Ang sabi niya, fieldtrip. 

Sumakay na kami sa bus ng Park Travel Co. Pagkasakay namin e naghanap kami ng bakanteng upuan at ang natabihan namin ay ito ngang si Aerith. Unang kita ko pa lang sa kanya, parang napukaw niya yung atensyon ko. Which is so unlikely, hindi naman ako ganito. Wala akong pinagmasdang ibang babae sa buhay ko kundi si Iris lang. Kaya naman nabadtrip ako sa sarili ko kung bat ako nagkaganun. At nahawa pati si Aerith.

Hindi naman talaga ako masungit. Kay Aerith lang. Sa katunayan niyan, approachable talaga ako pero yung mundo ko umiikot lang sa akin at kay Iris kaya di ko pinapakialaman ang buhay nila.

Pero hindi ko alam kung bakit nung pagsakay namin sa bus na iyon e hindi lang yung mundo kong si Iris ang nakikita ko. May isa pa. Pero hindi kasinglaki ng larawan ni Iris sa mga mata ko. Pero habang pinagmamasdan ko siyang sumasagot sagot sakin at nagsusungit. Ramdam ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. 

Tapos biglang nagsimula na ang bangungot nung tumigil yung bus.

“Hala. Bakit tumigil yung bus? Bakit?” alalang-alala na sabi ni Iris. Ang kanyang malambing na boses na ngayon ay takot na takot.

“Sorry po, ititigil lang po namin pansamantala itong bus dahil ito yung order ng boss namin sa amin. Ipagpapatuloy po natin uli tong byahe kapag sinabi na nila.” sabi nung konduktor.

What? Bakit?

“Bakit daw po?” tanong ni Aerith sa konduktor. Exactly. Why?

“Pinapahanap niya yung anak niya. Baka daw kasi sumakay sa isa sa mga bus dito e.” sagot ni Kuya. Sa dami ba naman ng mga bus. Malalaman pa ba nila yun.

"Ano pong pangalan?" 

Hindi ko na masyadong narinig yung sagot ni Kuya. Dahil bigla na lang may kung anong malaking  sasakyan na bumangga sa may likuran ng bus na sinasakyan namin.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now