Chapter Twenty Four - A or B

78 4 5
                                    

Titus' POV

Nakahiga lang ako. Pumipikit at bumubuka ang mata. Humihinga. Inaantok na hindi inaantok. Nakatitig lang ako sa blangko at puting kisame ng kwarto ko. Pinipilit kong huwag mag-isip... pero hindi ko mapigilan.

Mahirap talaga pag mag-isa mo lang. Madaming pumapasok sa utak mo... Kahit yung mga ayaw mong alalahanin at yung mga pilit mong iniiwasan ay pilit sumisiksik na tila sardinas. Habang ikaw, nakatunganga at nag-aantay ng sagot na hindi na darating o di kaya'y nakatingin lang sa sagot na nasa harapan mo na pero ayaw mo lang tanggapin.

Naguguluhan ako. Parang umiikot ang mundo sa harap ko at tanging ako at ang hinihigaan ko na lang ang hindi. Parang mayroon akong claustrophobia pero wala naman talaga... Yun bang parang paliit ng paliit at papalapit ng papalapit sa akin ang apat na dingding ng kwarto ko. Pero wala... wala akong magawa kundi tumunganga na lang at antaying lamunin ako ng kaisipan ko. 

Hindi ko na alam ang tama o mali. Ang oo at hindi. Parang naging sarado na yung utak ko... At ang tanging nasa isip ko lang ay ang magawa ang mga dapat kong gawin. Masyado na akong pre-occupied ng mga gagawin ko sa future kaya hindi ko na masyadong mapag-isipan ang present.

"Hoy!..." nagulat ako sa boses ni Darren. At ang boses niyang ito ang siyang nagpababa sa akin mula sa lumilipad ba mga bagay sa isipan ko.

"...Nag-overtime na nga ako sa part-time ko ngayong gabi tapos pagkauwi ko dito e gising ka pa rin?! Ibang klase ka, Titus..." hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung wala ako sa mood sumagot o di kaya'y hindi ko alam isasagot ko o baka naman I'm just physically listening to him but not mentally. Ay ewan. Nakatingin lang din siya sa akin na parang nag aantay na may lumabas na mga sagot sa bibig ko.

"..Hay nako Titus! Kapag puyat ka sa gabi at madaming iniisip. Dalawa lang naman yan eh..." at ngumiti siya na parang nakaisip siya ng isang napaka-henyong bagay "...Babae o babae?"

Ano pa nga bang isasagot ko doon. E di  babae nga. Tama siya. Roommate ko nga talaga to. Napangiti ako sa sinabi niya. Siguro dahil humanga ako dahil tama siya. At dahil siguro, bilang roommate ko, kilala niya na talaga ako.

"Magkinig ka sa akin. Nobela to. At sasabihin ko na sayo habang hindi pa ako dinadatnan ng antok ko..." nawala na yung ngiti niya sa mukha. I know by this time na I have to take everything seriously. Minsan lang magseryoso tong si Darren. And when he does, you must do it too. 

"...Kahit gabi at weekends lang tayo usually magkasama. Parang nababasa ko na kung ano man yang problema mo. Lalaki tayo eh. At magkaibigan. At magka-roommate pa..." maybe enough info to prove that he knows me so well. Darren is like my only family now.

"...Hindi ko alam kung pano ko pasisimplehin ito pero ihahalintulad ko na lang siya sa buhay-estudyante. Isipin mo na lang na kunwari magsasagot ka ng exam..." umupo na ako. Bumangon na mula sa pagkakahiga ko. Maybe he's words could help me or not. But either way, I have to listen. "...Nasa multiple choice portion ka na. At may isang tanong. Mahirap na tanong. Hindi ka sigurado sa sagot mo pero ang first instinct mo ay letter B. Pero nung binasa mo ng paulit-ulit yung tanong, parang letter A naman yung sagot. Pero malakas yung feeling mo na B kaya ang lakas ng kapit mo sa sagot na yun at nasarado na ang utak mo sa iba pang sagot. You want to stick to letter B though you know that it's not the only choice you have..." parang dalawang palaso na tumama sa utak at puso ko yung mga salita niya. Unti-unti. May namumuong mga imahe sa utak ko. A or B.

"...Pero malay mo. pala talaga yung sagot. At kung A,B,C,D ang pagpipilian. Parehas naman silang may 25% chance na tumama. Pero may iba pa ding dating yung sayo kasi yun yung nauna..."

"...At malalaman mo lang kung tama yung naisagot mo o kung itinapon mo ang tanging pag-asang tumama ang sagot mo sa huli. Sa huli... which means it could either be, ang huli ang simula ng lahat o huli na ang lahat para magsimula..." mas naging seryoso pa yung mukha niya. I knew it. I can see from the sadness in his eyes. Na pinagdaanan na ito ni Darren noon. "...Ang problema kasi sayo, puro ka what-ifs.. Bat di mo subukang sabihing I will. Take the risk or not take the risk, it's up to you... Na sayo pa din ang desisyon. Alam kong gasgas na to pero payo ko lang na galingan mo sa pagpili sa kung anong papakinggan mo, kung yang utak mo ba o yang puso mo. Kasi sa huli, kung naging mali ang desisyon mo, wala kang karapatang masaktan o mag-inarte kasi wala ka naman talagang ginawa. Dahil alam ko na may sagot ka na bago pa man din kita tanungin ngayon kung sino ang pipiliin mo. "

Mind blown. That's how I feel. His words were like the exact replica of my thoughts that I can't contemplate... that I can't put into words.

Parehong nakakagaan at nakakabigat ng damdamin yung mga sinabi niya. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang mas nakakalamang pero nararamdaman kong pareho. 

"Sana nakatulong yung mga sinabi ko Titus. O syaa, ikaw mag-isip. Ako pagod na. Kaya matutulog na ako. Good night." at humiga na siya sa higaan niya. Ni hindi pa nga siya nakakabihis e. Pagod na pagod nga siya. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas e humihilik na siya. Salamat Darren kasi kahit pagod ka eh naglaan ka pa din ng oras para payuhan ako. And I don't want that to be wasted.

...

Kinuha ko yung phone ko dahil gagawin ko na ang pinakaunang pumasok sa utak ko na dapat kong gawin. Itinype ko na yung number niya. Nag-ring ng dalawang beses saka siya sumagot.

"Hello?" sinagot niya yung tawag ko. Bakit kaya gising pa din siya?

"Hello Aerith." sagot ko sa kanya sa hindi maintindihang tono ng boses ko. Dahil sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Tatanungin ko na ba siya? Alam kong handa na akong gawin to. Pero pagkarinig ko ng boses niya ay tila nag-back out lahat ng courage na naipon ko.

"Bat ka napatawag ng dis oras na ng gabi, Titus?"

Bakit? Sige, sasabihin ko na agad dahil ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. "Aerith Kristen Park. Kaanu-ano mo ang may-ari ng Park Travel Company?" ayun. Nasabi ko din. Para akong nabunutan ng tinik.

Tahimik lang sa kabilang linya. There was a long pause. Pero nag-aantay pa din ako ng sagot.

"A..aa.. sorry. Pinulot ko lang yung ballpen kong nahulog. Ano ulit yun?sunud-sunod na sinabi ni Aerith sa akin.

"Ang sabi ko, kaanu-ano mo ang may-ari ng PTC?" 

Medyo matagal pa bago pa man siya makasagot. 

"Aa..ah.. Ka..Ka-apelyido ko lang sila.sagot niya.

And right at that moment she answered my question. Alam ko na kung A or B nga ba ang isasagot ko. Alam ko na kung ano ang pipiliin ko at kung anong gagawin ko.

Love is a Fallacy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon