Chapter Fifteen - Painful Truth

73 13 8
                                    

"Aerith. Pinapatawag ka sa Dean's Office."

This days talaga e napaka- in demand ko. Bakit naman kaya? Nagsalubong na naman yung dalawang kilay ko. "Bakit daw po?" tanong ko kay Ma'am.

"Hindi ko din alam Aerith. Basta pumunta ka na lang doon para malaman mo. Okay?" paliwanag ni Ma'am pagkatapos ay ngumiti.

"Okay po." tumayo na ako sa kinauupuan ko at pupunta na sa Dean's office.

Ano na naman kayang nagawa ko? Wala naman akong matandaang nagawa ko. Pagkadating ko sa office, first time kong pumunta dito. Kumatok ako at narinig ko ang isang boses ng babae. "Come in."

Binuksan ko yung pinto at tumambad sa akin ang isang babae na siguro around 50 na ang age. Maganda pa din kahit medyo may edad na. Nginitian niya ako. Mukhang napakalambing niyang  tao. Siya siguro yung Dean. Malamang dito siya nag-ooffice e.

May dalawang upuan sa gilid niya. Sa may left side. Nakaupo si. Si Titus.

OMG. Kaya ba ako pinatawag dahil dun sa halik? Bawal ba yun? Public Display of Affection? May CCTV ba sa music room kaya nakita nila? Hala. Malalaman ng nanay at tatay ko. Patay na naman ako neto. 

Eto na naman ako. Wala pang nangyayari. Wala pang sinasabi. Ang dami ko ng iniisip. 

"Upo ka." at itinuro ng Dean ang upuan sa may right side niya na katapat naman ni Titus. Hindi pa din ako makatingin ng diretso sa kanya. Iniiwas ko pa din yung tingin ko. Pero kahit nakatingin ako kay Dean e ramdam kong nakatingin pa din siya sa akin. Nagpatuloy nang magsalita ang Dean nung nakita niya na nakaupo na ako. "Um. Miss Aerith. Our school will be holding an outreach program next week. Now I request you to perform with Mister Lopez in front of cancer patients. I heard that you're a great pianist." at ngumiti pa siya sa akin. Na parang umaasa talaga siyang papayag ako.

"But Ma'am~" hindi ako pinatapos ni Ma'am sa sinasabi ko at biglang nagsalita.

"If you say NO, para mo na ring tinalikuran ang isang daang mga bata ma lumalaban para mabuhay. But the choice is still up to you." at hinawakan ni Ma'am yung kamay ko na nakapatong sa may table niya.

Buhay? Lumalaban para mabuhay? Parang may tumaga sa puso ko. Ang sakit. Muli na namang bumalik yung ala-ala nung aksidente. Buti pa sila, nabigyan ng pagkakataon na ipaglaban yung buhay nila. Pero yung mga namatay sa aksidente. Wala. Wala. Ni wala nga silang kaide-ideya na huling araw na pala nila iyon. Biglang nanikip yung dibdib ko sa naalala ko. 

Nakakapanghina. "S..sige po." naisagot ko na lang.

"Okay you may go back to your classes now." nakita ko siyang ngumiti sa akin kaya bahagyang ngumiti din ako sa kanila.

At nagdire-diretso na ako palabas ng office. Nanghihina talaga ako. Napapabuntong hininga na lang ako sa naalala ko. Parang gustong mapaluhod ng tuhod ko sa panghihina ko.

May humawak sa balikat ko. Napalingon ako. Si Titus. "Uy. Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"Oo. May naalala lang ako." nakabusangot pa din ako.

"Ha? Ano? Yung kiss ba Aerith? Huwag mo na masyadong isipin yun."

"Sige. Pero hindi yung kiss."

Love is a Fallacy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon