Chapter Nine - Eros Bustamante

86 16 18
                                    

"O pirmahan mo niyo po to." sabi ni Manager Lee pagkaabot niya sa akin ng isang papel na nakalagay sa isang green na folder.

"Ano to?"

"Tignan mo."

Binuksan ko ito at...

"MANAGER LEE! TOTOO BA TO? TOTOO BA TONG PINAPAPIRMAHAN MO SAKIN NGAYON? O GINO-GOODTIME NIYO NA NAMAN AKO!" gulat na may kahalong tuwa na may kahalong pagdududa kong sinabi kay Manager Lee ang mga sunud-sunod na katagang ito.

"Opo."

"Ballpen! Ballpen! Akin na dali!!!" at dali-dali niyang iniabot ang kanyang ballpen at dali-dali ko din namanng pinirmahan ang kontratang nasa harap ko ngayon.

YES KONTRATA. As in contract. Alam ko hindi kayo bobo pero inuulit ulit ko lang kasi napakasaya ko. Natupad na ang pangarap ko. :) 

Ito ang pinakaunang movie na gagawin ko na bida ako. Hindi yung laging supporting lang. Akala niyo masakit yung huli ka? Mas masakit kaya yung pangalawa, cause you're a step closer to the top and yet di ka makatunton-tunton dun. And nooooooow. This contract :)

"After three months pa po mag-iistart yung taping Eros. Anong gusto mong gawin? May mga nakapila na pong mga pictorials and shoots mo. Or mag-rest ka naman."

Rest? Good Idea Manager. "I'm taking the second option."

"So, saan niyo po gusto pumunta?"

"I think Baguio would be nice."

After two days ay nag-travel na kami to Baguio. Ang ganda kasi ng climate, tapos I heard madaming pwedeng puntahan dun, and my place there will be so refreshing. Less stress.

L...l...less stress? 

Nagulat ako sa nakita ko sa may gilid ng kalsada. Isang babae na sinisipa-sipa yung picture ko. WTF. Srsly? Nakaka-stress pala lalo dito. Nakakainsulto at nakakainis.

"Manong! Itigil niyo ang kotse!"

"Bakit po?"

"BASTA ITIGIL MO TONG KOTSE!" 

Nataranta si Manong at dali-dali niyang itinigil sa may gilid ng kalsada ang kotse. Agad naman akong bumaba. Nakakainis. Parang yung usok dahil sa galit ko eh lumabas na sa mga butas ng ulo ko. Ilong Tenga. EWAN!

Wala akong pake sa mga taong nakapaligid. Nakatingin lang ako dun sa pesteng sumisipa sipa sa picture kong napaka-gwapo. Nang napalapit ako sa kanya ay paalis na siya kumbaga parang nagsawa nang sipa-sipain ang walang kamuwang muwang kong pagmumukha.

Hinigit ko kaagad yung mga braso niya at ipinaharap sa akin. Mukhang nagulat siya. "Anong problema mo sa picture ko?..." sigaw ko sa kanya with matching nanglilisik pa na mga mata. "...Alam mo bang madaming nagpapantasya sa picture na iyon tas sisipa-sipain mo lang?..." Hindi pa din siya sumasagot. Na-starstruck siguro. "....Ano ba talaga problema mo?!" sigaw ko pa sa kanya.

Natahimik na lang ako sa sinabi niya. "Fine. Panget."

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now