Chapter Ten - The 'Gay' Pay

101 16 12
                                    

Aerith's POV 

Napakaganda ng sikat ng araw ngayon, sadyang nakaka-good vibes kaya naman ganadong-ganado akong pumasok ngayon. Hinatid ako ni Kuya Driver. Habang papunta kami sa school. Nadaanan namin si Tamica. 

"Manong, patigil saglit." pakiusap ko kay Manong. Itinabi niya yung kotse sa may gilid ng daanan at binuksan ko yung bintana ko para kausapin si Tamica.

"Tamica..." at tumingin siya sa akin. "...sabay ka na sa akin." at ngumiti ako. Really? Ngumiti ako? Sabi sa inyo eh. Iba talaga ang naidudulot ng magandang weather. :)

"Hindi wag na, Aerith. Okay lang." malumanay niyang sagot na parang nahihiya pa.

"Tamica sige na. Minsan lang ako magrequest." sumeryoso yung mukha ko.

"S..sige na nga. Salamat ha." at sumakay na siya sa may tabi ko. Nginitian ko siya uli. After ilang seconds of silence. She broke it by saying "...Salamat talaga ha. Hindi ko kasi naagahan ngayon. baka ma-late ako."

"What do you mean?" I eagerly asked her.

"Naglalakad lang kasi ako everyday papunta sa school. So, kailangan kong gumising ng maaga para hindi ma-late. Medyo malayo kasi yung bahay namin." paliwanag niya. Eto yung unang beses kong makarinig ng ganoon. In reality. Madami sa TV e. "...Kaya salamat talaga. Dahil sayo, hindi ako mala-late."

"A..eeh... Walang anuman." hindi ko talaga alam kung pano mag-respond sa mga ganitong sitwasyon. Kaya yan na lang nasabi ko. Hindi naman kasi ako mahilig makipag-usap noon pa. Ngayon lang. 

Di ba nga kasi. When you care less, you are less stressed. Motto ko yan sa buhay ko.

Pero ngayon bat parang yung pagka-introvert ko ay unti-unti ng nababawasan. I now talk to my seatmate,  kay Doctor Mario, dun sa mahanging antipatikong artista na mafeeling at dun sa lalaking masungit na masayahin pala na baliw na baliw sa girlfriend niyai. Ay ewan.

Kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko hanggang sa makarating na kami sa school. Bumaba na kami agad ni Tamica at umalis na din si Kuya Driver.

"Aaah Aerith. Una ka na muna Aerith. May 15 minutes pa naman eh bago mag-start yung klase. May kailangan lang akong bilihin sa School Supplies Center.  Pwede? Thank you talaga ha." pakiusap ni Tamica sa akin.

"Ahh. Sure. Okay lang."

Pagkaalis ni Tamica e alangan namang dun pa rin. Odi go-gora pa  din ako.

Nakita kong nakasandal sa may gilid ng gate ang isang lalaki. Matangkad. Medyo maputi. Yung buhok niya. Ganun pa rin sa ayos nito araw-araw na nakataas yung likuran at medyo nakababa yung harapan. Nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa niya at nakasabit naman sa isang balikat niya yung backpack niya. At nang napansin niya na may paparating na tao ay agad siyang tumango at nakita niya ako. Hinawi niya yung buhok niya papunta sa gilid at ngumiti. Maygaaaahd! Stop doing that Titus. -__- Ang gwapo kasi e.

ANO BA TONG SINASABI KO?

"Good Morning Aerith!" he smiled with that smile so charming. He waved. And I... I... fell for that. JOOOOKE. Dinaanan ko lang siya hindi ko siya pinansin. so, ako pala yung inaantay niya? Bakit? May kailangan siguro? Pero I don't care.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now