Chapter Two - Lost Souls

154 18 17
                                    

Nagising ako ng sinag ng araw na tumutulak sa mata ko na bumukas na. Ibinuka ko ang mata ko pero ang blurry ng lahat ng nakita ko. Pikit-buka lang ang ginagawa ko sa mata ko hanggang sa luminaw na ang lahat.  At nang luminaw na ito, eh nasinag ako ng araw na napakataas na. Kaya't inilayo ko ang tingin ko at nakita ang mga katawan sa bus na wala nang malay.

Tumulo ang luha ko.

Ganun na lang ba kamali lumayo sa magulang. Bakit kailangang napakarami pa ng dapat madamay? :(

Naipit yung paa ko sa kabilang upuan. Kaya hindi ko maalis agad. Pero sa tingin ko hindi naman siya napilay. May sugat lang sa may tuhod. Pinilit kong umalis. Ginagamit ko ang dalawang kamay ko. At nang itinulak ko ang sarili ko para makaalis. Doon ko lang nalaman na napilay pala ang kaliwang kamay ko. At namamanhid . Hindi ko maramdamang may kamay pa ako.

"Aah. Ang sakit." bulong ko sa sarili ko. Pero dahan-dahan sinusubukan ko talagang i-alis ang sarili ko sa kinalalagyan ko. Hanggang sa nakaalis na nga ako. Pero ika-ika naman ako maglakad. 

Wala na din yung magkasintahan na katabi ko. Siguro lumabas na din sila. Sana okay lang sila.

Konti na lang yung mga tao sa bus. Mga sampu. At patay na ata sila lahat. Ang sakit sa puso. Nang dahil sa kin. Haaay :(

Nasan kaya yung iba? Bakit wala pang nagrerescue?

Nakaabot na ko sa labas. 

Una kong nakita. Yung dalawang katabi ko. Nakahiga yung babae sa lap nung lalaki.

At yung iba naman. Ginagamot nila yung sarili nila. Puro dugo. Nakakapanghina.

 "Buhay ka pa pala." sinabi nung lalaki sakin. Umm. Yung. Ayun. Titus ang pangalan. Pagkatingin ko sa kanya. Nag-smirk siya sa kin tapos hinipo hipo niya yung noo nung girlfriend niya na nakahiga sa lap niya.

"Sana nga namatay na lang ako." 

"Ano?" medyo malayo pala siya kaya hindi niya narinig. 

Though this accident thing kills me so much. That it pricks to the deepest part of me. I have to be a strong girl, as I have been seen through all this years. I am strong. And I hope, invincible. 

"Eh buhay nga ako e. Magagawa mo? Pero namamanhid tong left arm ko. Napilay ata. At obviously naman, madami akong sugat..." at naglakad na ako unti-unti papalayo sa kanya. Naghahanap ng mapwepwestuhan para magamot ko na din mga sugat ko. Napalingon ako dun sa babae na ang himbing ng tulog sa lap nung Titus. "...aaah Oy! Kamusta naman siya?"

Ngumiti siya. He's pretty good looking when he smiles. Yeah. "Nagising siya kanina tapos nakatulog naa din." 

"Oh good. :)" ngumiti ako pabalik sa kaniya. Hindi ito panahon para magpakabitter. Ngumiti siya, odi ngingiti na din ako. Naglakad na ako, ika-ika pa din, papunta dun sa malaking batong pwede kong upuan. Nang makaupo na ako. "... Ahmmm. Wala pa bang dumadating na rescue team?"

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now