Chapter Twenty Two - You Smile, I Smile

49 3 4
                                    

Today is a no-to-frown-face-day. Tandang-tanda ko pa yung mga salita at pangaral ni Eros kahapon. Nakakintal na sa isip ko yun. Hindi kailangan ng kontrata para maging masaya. Kahit expire na yung kontrata namin nun, susundin ko pa din siya. I was born to smile. It has always been an option. And will always be.

 Kapag kinulong mo yung kalungkutan sa puso mo... Everything will be black and white. Pero kapag binuksan mo na pala yung puso mo at hinayaang unti-unting makalabas ang mga tinik e... unti unti na ding babalik ang kulay ng mundo.

Today is not like any other day in my life. Ngayon ko lang napansin ang ganda ng pagka-luntian  ng mga puno at pagka-asul ng kalangitan... Pati na din yung mga rosas na tila kinikilig sa pula at panay ngumingiti sa akin.

I smiled. Sobrang nakaka-GV ang araw na ito.

The world has got brighter. Sunnier. Naniniwala ako na... unti-unti... mabubuo din ang mga kulay na ito... katulad ng pagkulay ng isang Coloring book - kung saan magsisimula sa isang guhit ng dilaw, pula, asul... hanggang sa matapos na mabigyang buhay ang buong larawan. Tag-ulan pa lang ngayon, alam kong magiging isang bahaghari din ang buhay ko balang araw. 

"Iba na talaga ang nagagawa ng date eh noh?" may boses na nagsalita sa may likuran ko.

Ang boses na yun. Matagal ko ding hindi narinig. That voice...brought me a smile on my face. 

Lumingon ako. Naka-ngiti siya. Parang natunaw yung kaloob-looban ko. Pero syempre kelangang hindi ko ipahalata. Nakatingin lang ako sa kanya... Yung buhok niyang medyo nakataas na bumagay naman sa mukha niya, yung mata niya na hindi mo maintindihan kung brown or black pero ang pogi pogi pa ding tignan ng pagka-ewan ng kulay... Yung ilong niya na matangos pero hindi ganoon katangos na ewan pero bagay na bagay naman sa ngiti niya na... na... na... Bakit ngayon ko lang napansin na ang gwapo-gwapo ng ngiti niya? Na near-to-perfect na ang pagmumukha niya... Sa mata ko lang ba? Ay ewan. Ewan ko talaga. Nakaka-ewan yung mukha niya. Gwapong ewan. 

OMG. Mentally distressed na ako.

"HOY!" sigaw niya sa akin. Nagulat ako.

"Ano na yun?" sagot ko sa kanya. Ganun ba talaga yun? Kung naka-focus ka sa kanya e hindi mo na napapansin ang iba pa. Like... parang nagdidisappear na lang ang lahat?

"Nakipagdate ka kay Eros kahapon tapos nakatulala ka sa akin ngayon?"

"WOW. Lahat na lang ba ng lalaki e gwapong gwapo sa sarili?"

"Excuse me? Sigurado akong hindi lang ako ang nagwagwapuhan sa sarili ko.he got me there. Ow yes. Hindi lang ikaw. Pati ako. Oo na. Gwapo ka na. Happy now? Syempre sa utak ko lang to sinasabi. Baka kiligin pa siya eh.

"Sigurado ka?" I smiled.

"Oo naman..." he smiled. Omg. He was smiling. I am smiling. "...Osige, late na ako. Smile ka lang lagi ha. Nakakahawa e" and then he smiled again.

Tumakbo na siya palayo. Habang naiwan akong nakatayo doon. Nakangiti. Na parang tanga.

....

Umalis na din ako dahil male-late na din ako. Naglalakad papunta ng classroom. Nakangiti pa din. Ang gaan gaan sa pakiramdam kapag punung-puno ng positivities ang buhay mo.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now