Chapter Twenty - Examination

88 4 19
                                    

Maaga ako ngayon. Examination day namin ngayon. Hindi ako masyadong nakareview. At hindi din ako masyadong nakatulog kagabi. Madami na naman akong iniisip. Bakit kaya ganun? Bago ako matulog sa gabi. Imbes na matulog ako agad ay kung anu-ano pa ang iniisip ko. At sa kakaisip, hindi na makakatulog. O kung minsan pa, yung iniisip mo. Yun din mapapaniginipan mo. I mean... hindi pala 'yun'... dapat..siya

Nakatunganga lang akong naglalakad. Hindi ko man nakikita sarili ko pero nararamdaman kong nakatunganga na nga ako. Lutang na lutang sa mga nangyayari sa buhay ko. Um. Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? 

"Sige na po, Ma'am. Sige na po. Please." isang pamilyar na boses ang nagbalik sa akin sa katinuan. Naririnig ko sa kanyang tila nabibiyak na boses ang pagsusumamo...Pagsusumamo? Para saan?

Lumapit ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Tamica na nakikipag-usap sa Cashier. Tama nga ang hinala kong kay Tamica ang boses na iyon. Nakita ko siyang umiiyak. Lalapit na sana ako. Nang biglang tumakbo papalayo si Tamica.

"Ano pong problema dito?" tanong ko sa cashier.

"Um. Hindi po kasi pwedeng makapag-exam si Miss Tamica dahil hindi niya pa po nababayaran yung kulang sa tuition niya." kaya pala. Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin.

"Um. Magkano po ba?"

"7000 po."

Kinuha ko yung wallet ko. Buti na lang at sakto lang tong nadala kong pera. "Ito po..." inabot ko sa Cashier ang pera "...Okay na po ba? Makakapag-exam na po ba siya? May contact info naman po siya sa inyo di ba? Pa-contact na lang siya na pwede na siyang mag-exam. Huwag niyo na lang pong sabihin na ako ang nagbayad. Sabihin niyo may bagong nag-offer ng scholarsip kaya galingan niya sa exam niya. Okay po ba iyon? sunud-sunod kong tanong at bilin sa Cashier na napatango lang sa sinabi ko. "Okay. Good."

Papasok na ako at baka ma-late pa ako sa exam ko. 

Naalala ko kung papaano magmakaawa si Tamica sa cashier kanina. Iyak siya ng iyak. Naalala ko ang sabi sa akin ni Daddy na matuwa daw ako kasi maganda ang naging takbo ng buhay namin.  Pero hindi. How can I be happy when I know that other people is not? Napaka-selfish ko naman. Kasi alam ko na not all people are blessed with a nice life. Nice life is different from good life. Every life is good. But not every good life is nice. And so is mine. :/

Nakatunganga na naman ako habang naglalakad. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may nakabangga ako. Ang amoy na ito. Ang pamilyar na amoy na ito. Tumango ako para makita... pero sana hindi na lang ako tumango ara hindi ko na nakita. Ang mukhang niya...

"K..kanina ka pa nandiyan?" tanong ko.

"O..oo." narinig kong muli ang boses na ito.

Nakatingin lang ako sa likuran niya dahil hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya at ganun din naman siya sa akin.. At.. nakita ko yung orasan. "sht. 7:05 na. late na ako." bulong ko.

"Titus. Basta wag mong ipapaalam kahit kanino yun ha." 

Bilin ko sa kanya at saka ay tumakbo na papalayo. Di ko na inantay ang sagot niya pero may tiwala naman akong gagawin niya ang sinabi ko.

Nakarating na ako sa classroom. Kumuha ng test paper at nagsimula na agad. Wala pa din si Tamica. 7:15 na.

7:20...

7:23... Hindi ako maka-exam ng maayos.

7:25.

7:27... Dumating na din siya wakas.

Pagkaupo niya sa tabi ko.

"Akala ko hindi ka na makakarating. " sabi ko sa kanya habang nakangiti at tahimik na napa-buntung hininga. 

"Akala ko din hindi na ako makaka-exam." sabi niya sa akin habang bakas pa din sa mata niyang namamaga ang problema. "..Buti na~"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya, "Mamaya mo na lang ikwento sa akin yan. Simulan mo na kayang mag-exam para makahabol ka pa."

"Sssh. No talking."  sambat ng KJ naming professor. "Always remember that excellence is not about where you excel but how you excel. Okay?"

Isang hugot na hugot na linya ng aming propesor na tama na naman talaga. :)

Titus' POV


Maaga akong pumasok ngayon dahil magbabayad pa ako sa cashier bago ako makapag-exam. Mahirap na baka hindi pa ako maka-graduate on time. 

Pagdating ko doon ay nakita ko si Tamica na umiiyak at nagmamakaawa. Pero hindi yun ang nakakuha ng atensyon ko. Kundi ang babae sa may di kalayuan... si Aerith. 

Nakatitig lang ako sa kanya. Sa bawat galaw niya.

Hindi ko na napansin ang pag-alis ni Tamica. Napansin ko lang na wala na siya nang lumapit si Aerith sa  cashier at kinausap siya.

 "Ano pong problema dito?" 

"Um. Hindi po kasi pwedeng makapag-exam si Miss Tamica dahil hindi niya pa po nababayaran yung kulang sa tuition niya." 

"Um. Magkano po ba?"

"7000 po."

 "Ito po..." inabot niya sa Cashier ang pera "...Okay na po ba? Makakapag-exam na po ba siya? May contact info naman po siya sa inyo di ba? Pa-contact na lang siya na pwede na siyang mag-exam. Huwag niyo na lang pong sabihin na ako ang nagbayad. Sabihin niyo may bagong nag-offer ng scholarsip kaya galingan niya sa exam niya. Okay po ba iyon? sunud-sunod niyang tanong at bilin sa Cashier na napatango lang sa sinabi niya. "Okay. Good."

Nakatulala lang siyang naglalakad at tila may malalim na iniisip. Habang ako naman ay nakatulala lang na nakatitig sa kanya, ni hindi ko na nga naisip na papalapit ng papalapit na siya sa akin. Hanggang sa nabangga niya ako at bumalik kami pareho sa katinuan.

"K..kanina ka pa nandiyan?" tanong niya.

"O..oo." sagot ko sa kanya. Hindi ako makatitig ng diretso sa mga mata niya at alam kong gayun din siya sa akin. May kung ano na akong nararamdaman kapag kausap ko siya. Parang ayaw na gustong kausapin siya. Hindi ko maintindihan. 

"sht. 7:05 na. late na ako." napabulong siya. Nataranta siya bigla. "Titus. Basta wag mong ipapaalam kahit kanino yun ha." bilin niya sa akin habang tumatakbo na palayo.

Nang makaalis na siya ay dun ko lang na-realize na late na din pala ako sa exam ko at hindi pa ako nakakabayad. Dali-dali akong pumunta sa cashier at nagbayad.

Aalis na sana ako. Nang biglang may tinanong sa akin ang Cashier. 

"Kaano-ano mo si Miss Park? Napakabait niyang bata."

Napatigil ako saglit. At napabulong.. "Park?"

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now