CHAPTER 38: Teardrops

13.5K 198 3
                                    

Vens’ POV

Bumaba ako para kumain. Di ako nag-almusal kanina kaya nagugutom ako. Nadatnan ko sina Mommy at Daddy sa sala na mukhang alalang-alala. Hindi ako agad lumabas sa halip ay sumilip lang ako.

 

 

“Nasa condo mo siya? … Sige, sige. Ikaw nang bahala sa anak ko Alexander.” Ibinaba ni Daddy yung phone niya. Alexander? Anak? Condo?

 

 

“Kamusta daw si Yunisse?”

 

 

“Ayos naman siya. Inaalagaan siya ngayon ng fiancé niya.” Fiance? You mean… Drache? Nasa condo ni Drache si Yunee?! Lumabas ako at hinarap ko sila. Nakita kong nagulat si Mommy. Agad niya akong niyakap at hinaplos ang mukha ko.

 

 

“Ayos ka na ba anak?”

 

 

“Hindi po ako ayos at kahit kailan ay hindi magiging maayos. I want to clarify things to you Mom, Dad.” Hindi sila nagsalita. Wala si Yunisse kaya this time, sisiguraduhin ko ng masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin.

 

 

“Cancel Yunisse and Drache’s wedding.” Kumunot ang noo ni Daddy.

 

“Bakit?”

 

 

“Dad… ako lang naman ang girlfriend ng fiancé ni Yunee.” Inis kong sabi sa kanya. Bigla niyang nabitawan yung basong hawak niya.

 

 

“What?!” Gulat ka Dad? Sana nagtanong kayo bago kayo nagpadalos-dalos sa pagdedesisyon.

 

 

“Venisse, this is not a joke. Kung may galit ka sa kapatid mo, wag mong idadamay o sisirain ang future niya.” Joke? Akala niya ba’y nagjojoke ako? Kelan pa ako nagjoke?

 

 

“Future niya o future ng kumpanya? Eh ako Dad? Paano ang future ko kung ang past ko, sinira na niya, dinagdagan niyo pa.” Naiyak na ako sa sobrang sama ng loob.

 

 

“Venisse, anak.”

 

 

“Anak? Kelan niyo ba ipinaramdam sa akin na, ANAK niyo parin ako? Tuwing uuwi kayo, wala kayong ginagawa kung di ang business niyo. Wala kayong ginawa para man lang sana kumustahin ako. Alam niyo ba kung anong nangyayari sakin? Alam niyo ba kung ano ang naging buhay ko? Alam niyo ba kung paano ako nabuhay ng may mga magulang nga pero parang ako lang naman.”

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now