CHAPTER 31: This is it!

14.7K 227 6
                                    

Drache’s POV

Ngayong araw na ito. Ngayong araw na ‘to ang huling araw na makakasama ko siya. Medyo kinakabahan ako sa gagawin namin mamaya. Alam kong kaya ko ‘to. Pero natatakot ako na baka mabigo ako. Mabigo na baka tanggihan niya ako. Na baka mas lalo siyang mapalayo sa akin.

“You sure na ayos na ang lahat? The flowers, the---”

 

 

“Ayos na ang lahat Kuya. Ikaw, ayos ka lang ba?” Tanong ni JC sabay akbay sakin.

 

 

“Uh… oo… sana?”

 

 

“Magiging okay rin ang lahat Kuya. Just believe.” Tumango nalang ako at iniwan nila akong nangangatog sa kaba dito sa taas ng rooftop.

Everything is set. Everything seems to be fast… Dati lang magkagalit kami. Pero ngayon… Sino bang mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng isang buwan naming pagiging alila?

Being her slaves is like, changing and looking forward for more things. Actually, siya lang halos ang nag-uutos sa amin sa loob ng isang buwan. For the whole month, we’ve known them better. Ang dami naming nalaman, ang dami naming natutunan. Ang daming nabuo sa loob ng isang buwan. Friendships… love…

We’ve become comrades with our enemies. Nagkasundo ang mga WhiteDragons at BlackFists. I thought that, the both groups will still have rivalry. But time heals all fights… haha…

Di ko nga akalain na makakasundo ko pa si Spare. He’s the typical man that you would envy. Magaling sa lahat. At aminado akong, lamang siya sa akin. Alam kong hindi ko siya mahihigitan but… I know that I can surpass him someday.

Wooohhh… Kinakabahan ako. Nagtatatalon pa ako para lang mawala ang kabang nararamdaman ko. Ang ginaw lang dito sa taas. I wish it won’t rain para hindi masira ang gabing ito. I’m wearing a white tuxedo with yellow tie. Partner lang sa susuotin niya ngayon. Nakakakaba nga eh…

Wala pa siya. 6:20 na pero wala parin siya. Hindi kaya, natraffic sila? Aish! Sana lang hindi pumalpak si Neil. Siya kasi ang magsusundo ngayon eh. Umarkela pa ako ng limousine para sunduin ang Mahal na Empress. Nakakahiya naman kasi na ang ganda-ganda ng suot niya at sa simpleng kotse lang siya sasakay.

“They’re here!” Sigaw ni Lester at nagtakbuhan silang lahat sa kanya-kanya nilang pwesto. Parang mas dumoble tuloy ang kaba ko ng malaman kong andiyan na sila.

I looked at them and they are all wearing a big smile and gave me two thumbs up each. I smiled at nag sign of the cross pa ako.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now