CHAPTER 8: Devil in Disguise

26.4K 403 12
                                    

Draches’ POV

 

Lunch time na pero tulog parin si Venisse. Nasa tabi niya lang si Craise at hawak lang nito ang kamay niya.

“Tol, hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako eh. Hindi pa tayo kumain ng breakfast, magskiskip pa ba tayo ng lunch?”-Lester

“Oo nga Drache. Kumain muna tayo. Saka nalang natin balikan si Venisse pagkatapos nating kumain.”-Kats

Nakatingin lang ako kay Venisse. Gusto ko mang kumain pero hindi mapapanatag yung loob ko kung hindi pa siya nagigising. Lumapit naman si Dixon kay Craise at niyaya itong kumain.

“Pero, walang magbabantay kay Vens, baka magising siya na walang tao dito.”-Craise

Ewan ko kung bakit pero bigla akong nagprisinta.

“Ako muna ang magbabantay sa kanya. Dalhan niyo nalang kami ng pagkain pagbumalik na kayo.”

“Sure ka ba diyan Xander?”-Craise

“Oo…sige na… bilisan niyo nalang ha?”

“Sige. Wag mong gagawan ng masama yang kaibigan ko ha? kung hindi, ipapabugbog kita sa kanya pag nagising yan.”-Craise

“Wala akong gagawing masama sa kanya. Baka mamaya, siya pa ang may gawin sa akin pag nagising siya.”

 

Nginitian lang ako ni Craise. Isang ngiti na puno ng pag-aalala.

“Sige Bro… Una na kami. Bibilhan nalang namin kayo ng pagkain.”-Seth

Tumango nalang ako atsaka na sila lumabas ng clinic. Hay… Nabaling na naman ang mga mata ko kay Venisse. Kumuha ako ng upuan atsaka umupo sa gilid ng hinihigaan niya. Tinitigan ko siyang mabuti. Ang simple ng mukha niya. Kahit pala lagi siyang galit, kahit ang sungit-sungit niya, still ang amo parin ng mukha niya. Ipinapakita niya lang siguro sa lahat na matapang siya kahit sa totoo niyan, eh mahina lang siya.  Not physically, but emotionally…

“Sino ka nga ba talaga? Venisse…”

 

 

Alam kong may pinagdadaanan siya. Alam kong nasasaktan siya. Gusto ko mang alamin pero, bakit pa? I was about to go outside para sana magpahangin pero…

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang