CHAPTER 7: Worried?

19.6K 356 7
                                    

Vens’ POV

Nanghihina ako. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko, parang mas malala yung nararamdaman kong panghihina ngayon compare 3 years before. Umalis na ako sa classroom at dumiretso sa clinic. Naglalakad lang ako ng medyo makaradam ako ng pagkahilo. Wala pa namang mga tao dito sa corridor. Sumandal muna ako sa pader. Sobrang sakit ng ulo ko. Bumabalik lahat ng masasamang alaala. Nanlalambot ako at parang anumang oras, babagsak ako.

“Ahhh…” sinasabunutan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang sakit. Naglakad ulit ako. Kailangan kong makarating sa clinic. Naglalakad ako ng bigla akong nawalan ng balance. Akala ko babagsak na ako. Akala ko, wala ng tutulong sa akin. Naghihintay lang ako na lumapat ang katawan ko sa matigas na semento pero…wala. Umiiyak na ako. Idinilat ko na yung mata ko. At laking gulat ko sa nakita ko.

“Xa-Xander?!”

 

 

“Ayos ka lang ba?”-nag-aalala niyang tanong sa akin.

“Yung gamot ko.”Umayos na ako ng tayo. Sumandal muna ako ulit sa pader.

“Ano bang nangyayari sayo?”

Nanginginig na ako habang patuloy na umiiyak.

“Si Craise… At yung gamot ko. Naiwan ko sa room… Kailangan kong mainom yung gamot ko.”

“Venisse?! Ayos ka lang ba? Dadalhin na kita sa clinic.”

Bigla-bigla niya akong binuhat at patakbong pumunta sa clinic. Parang wala ako sa sarili kong katauhan. Lumalabo lahat ng nakikita ko. Unti-unting bumabalik lahat… Hanggang sa… everything gets dark…

Draches’ POV

Maaga kaming pumasok ngayon.

“Pare, alam mo na ba ang gagawin?”-Kats

“Oo… Paulit-ulit mo nalang tinatanong yan.”-Naiirita kong sagot sa kanya.

“Sorry naman… pinapaalala ko lang sayo. Baka kasi makalimutan mo.”-Kats

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now