CHAPTER 27.5: Day 28 as SLAVES

13.9K 218 2
                                    

Drache’s POV

Apat na araw nalang. Apat na araw nalang at hindi na namin siya pagsisilbihan. Kung pwede lang… Kung pwede lang na panghabang buhay nalang kitang pagsilbihan. Kung pwede lang na habang buhay mo nalang akong maging alila para sa bawat araw, may rason ako para makasama ka.

“Drache!!” Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw na narinig ko mula sa likod. Di bale sana kung sigaw lang pero, itinutok pa sa tenga ko. Hindi na ako magtataka kung isang araw, basag na ang eardrums ko.

 

“Kailangan sumigaw? Grabe, gusto mo ba talaga akong mabingi?” Tanong ko sa kanya sabay hawak ng tenga ko.

 

“Ayos na ba yang balikat mo? Kasi tingin ko hindi pa eh. Dumudugo oh.” Sabi niya sabay turo. Napatingin naman ako kaagad at wala naman akong nakitang bakas ng dugo.

 

“HAHAHAHA… Uto-uto!” Sabay-sabay nilang sabi habang tumatawa. Napasimangot nalang tuloy ako. Nakita kong tumalikod pa siya at nakipag-appear sa kanila Spare.

 

“Venisse…”

“Oh? Napano ka?”

 

 

“You shoulder is bleeding.”

 

 

“Weh? Hindi mo ako mauuto.” Sabi niya sabay tawa.

 

“Vens, he’s right, you’re bleeding.” Mitch says as she looked at her shoulders.

Agad niya namang hinawakan yon at nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa kamay niyang may dugo. Natahimik siya sandali at nanatili kaming nakatingin sa kanya.

 

“SH*T!” Sigaw nina Craise at Spare sabay takip ng mata niya.

“Tissue! Get me some tissue!” Spare yelled to us.

“Ako ng kukuha sa clinic.” Lester

 

“Samahan na kita.” At nagmamadali silang lumabas ng room.

“Vens, remember how beautiful ‘lil paladise is? I remember as well how you turned the white sky into a dim one. Do you remember as well the first time we visit Paris? Naligaw pa tayo at hindi natin alam ang gagawin at pinagtripan pa natin yung lenguahe nila. Remember when we celebrate your birthday? Natatandaan mo nung nahubaran si Kit at tawa tayo ng tawa? Remember also the time we go in Korea? All we know is saranghae and an nyong haseyo.”

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now